.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, August 23, 2015


***

Patuloy lang sa pagtakbo si Carlos habang nakasunod pa rin sa amin ang white wolf ni Lorgan.
Nag-iisip ako ng paraan kung paano makakatakas sa kanya but my mind is in panic mode. Idagdag pa na unti-unting nababawasan ang stamina ko dahil sa physical form ni Carlos. I can use Phoebe so I can stay in air but she can only last for about three to five minutes with my strength. I want Carlos to stay with me but he doesn’t know any attacks yet. Hindi naman nasabi sa amin ni Master kung paano gamitin ang personal attacks ng guardians namin. Gusto kong ipakita sa kanila na malakas si Carlos but I don’t know how.

Suddenly, several words swirled inside my head. May kakaiba akong naramdaman at parang nag-click lang sa utak ko ang kailangan kong gawin. May isang word and nag-linger sa isip ko and realization hit me.

This is an incantation.

Bago pa madissolve ang word sa isip ko ay agad ko itong chinant. “Carlos,
infremo!

Carlos halted and he faced the wolf. I can feel the vibration of his lungs and a gluttural growl came out his mouth, until it sounded like a thunderous roar. Nakita kong napahinto at hindi makagalaw ang white wolf but he still bared his fangs at us. For a second, napatingin din ako sa direksyon ni Lorgan and I saw him winced kahit na ganun pa rin ang position niya. Agad namang tumakbo palayo si Carlos at umakyat siya sa isang puno na may mababang branches.

I can clearly hear the thumping of my heart against my ribcage and it feels like I’m going to vomit. Nararamdaman ko pa rin ang vibration ng lungs ni Carlos, but unlike a while ago, mas kalmado na ngayon. I caressed his neck and ears because somehow, it felt like he told me what to do.

Kung hindi nag-appear sa isip ko ang incantation ay paniguradong tumatakbo pa rin kami hanggang ngayon. Hindi ko alam kung ano ang naging effect ng roar niya sa wolf pati na rin kay Lorgan but I think it made some damage.

“Thank you. Good job, Carlos.” Hindi ko alam kung purr ba ang narinig ko after kong sabihin ‘yun but I appreciate his response.

Napatingin naman ako sa direksyon ni Ryleigh at Bob habang hinahabol sila ng black wolf. Bob halted and used his hind legs to stand.

Dankana!” sigaw ni Ryleigh. Bob swung his forearm, forming spririt particles that resemble a claw, and it travelled towards the wolf with an outstanding speed. Nung tumama iyon sa wolf ay naghowl ito at nagcollapse and isang binti. After that ay tumakbo ulit si Bob kasama si Ryleigh papunta sa kabilang side ng kakahuyan.

Tumingin ulit ako sa direksyon ni Lorgan at nakatayo pa rin siya sa log post pero hindi ko na makita ang mukha or expressions niya dahil madilim at malayo kami sa kanya. Bigla ko namang naalala ‘yung boses ng babae na narinig ko kanina habang tumatakbo kami ni Carlos. Ilang beses na niya akong kinakausap pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yun. I don’t even know what or who she is but everytime she talks, I feel that she wants to help me.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita kong unti-unti nang nakakagalaw ang white wolf sa pwesto niya. Lumingon-lingon siya sa paligid and I’m sure he’s tracking us. Naramdaman ko ang paggalaw ni Carlos and I know na anytime ay tatakbo na papunta sa direksyon namin ang wolf. Hindi ko alam kung kaya ko pang iretain ang physical form ni Carlos dahil medyo nanghihina na ako, though unlike before, mas matagal na ngayon ang pagstay ni Carlos sa dimension na ‘to. I’m glad Master trained us to increase our stamina.

I saw the white wolf looked at our direction and at the same time, Carlos jumped off the branch. Tumakbo siya palayo sa wolf at kahit masakit sa balat at paningin ang lamig ng hangin ay ininda ko ‘yun para makita ang paligid. Nasa gubat na kami na nakapaligid sa Camp and I immediately saw a few
silvanias on our way.

Pinigilan ko kaagad si Carlos dahil masama ang magiging epekto kapag nakaramdam ng threat or trouble ang silvanias, but Carlos was way too fast. He ran towards the direction of the
silvanias.

Inalala ko ang incantation na sinabi ni Master nung pinakalma niya si Lio nung sinummon siya ni Lexi dati.

“Carlos,
fal-de!”

Carlos slowed down and finally stopped before the
silvanias. Pero pagtingin ko sa kanila, nagbago na ang expressions nila. Hindi na sila mukhang maaamong bata. Kinabahan ako dahil nakatingin sila sa amin at alam kong kami ang may kasalanan kung bakit sila nagkaganito. They feel threatened and now, they’ll do anything to chase us away.

Nakaramdam ako ng vibration and I thought, galing ‘yun kay Carlos, but it turned out that it was the earth. The ground trembled and Carlos immediately fled that place. Bumalik siya sa direksyon ng Camp pero nagulat ako nung makakasalubong na namin ang wolf. He howled so loud it sent shivers down to my spine.

But Carlos is faster. He ran without stopping and he managed to leave the wolf behind.

Nakalabas kami sa gubat at nakabalik kami sa Camp pero hanggang dito ay ramdam pa rin ang earthquake na ginawa ng
silvanias kanina.

“What the heck is happening?”

“Oh gosh!”

Nagulat ako nung biglang sumalubong sa amin sina Ryleigh at Bob habang ang black wolf na humahabol sa kanila kanina ay hindi gumagalaw doon malapit sa lake. Kinalma ko ulit ang sarili ko at inexplain ko sa kanya ang nangyari.

“Nabulabog namin ang ilang
silvanias doon sa gubat and then this happened.”

“Tsk. Mahirap pa naman silang pakalmahin kapag ganito ang sitwasyon,” sabi niya habang nakatingin sa gubat kung nasaan ang
silvanias.

Ramdam na ramdam pa rin ang pagyanig ng lupa at medyo nahihilo na ako dahil doon; idagdag pa na nanghihina na ako dahil sa pagsustain sa spirit particles ni Carlos.

Bigla naman akong may naramdamang kakaiba at nakita ko ang dalawang wolf na nakapaligid na sa amin ni Ryleigh at hindi man lang namin napansin ang kilos nila. Pero parang may kakaiba sa kanila dahil kulay pula na ang mga mata nila. Bigla silang nag-howl at nung narinig ko ‘yun ay parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit.

“Shit!” sigaw ni Ryleigh and I saw him winced. Maging sina Carlos at Bob ay naapektuhan. They both roared as if they are in pain.

Parang ako ang nasasaktan para kay Carlos at ayokong nakikita siyang ganun kaya naman minabuti kong pabalikin na lang siya sa spirit dimension.

“C-Carlos,
nes-sa!” I shouted. Carlos’ spirit particles dissipated and I fell on the ground.

“Why did you—?!” Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinunggaban ng black and white wolves pero pinrotektahan siya ni Bob. He tossed Ryleigh towards me and he blocked us from the wolves’ attacks. “Bob!
Nes-sa!”

Agad na nawala si Bob pagkasigaw nun ni Ryleigh and I’m sure, naintindihan niya na ang ginawa ko kanina. I know that guardians are used for battles but I don’t want them to be hurt because of me...because I’m weak.

“Flying guardians...” biglang sabi ni Ryleigh.

“H-Ha?”

“We need them to stall time—” Halos pareho kaming napatigil nung sa amin na nakatingin ang wolves habang nakalabas ang canine teeth nila. “Now. We need to call them now!”

Hindi na ako nagdalawang-isip dahil ramdam ko rin ang panganib na kinalalagyan namin. We called our guardians at the same time.

“Phoebe,
sal-ve!”

“Kon,
sal-ve!”

And in that instant, ang lakas na natitira sa katawan ko ay parang hinugot at halos mandilim ang paningin ko. Phoebe materialized in front of me pero ang guardian ni Kon, sa ere nag-appear ang physical form. Then naalala ko ang sinabi niya nung una niyang sinummon ang chinese dragon. His guardian doesn’t like to stay on land kaya sa ere lang siya nagsstay.

“Kon,
so hai!” he called but his guardian didn’t respond. I guess I have no choice.

“Phoebe...”

Agad namang tumingin si Phoebe sa akin at lumapit siya sa akin pero bigla namang sumugod sa amin ‘yung dalawang wolf. Hinatak ko ang kamay ni Ryleigh at humawak ako sa leeg ni Phoebe pagkatapos ay bigla siyang lumipad.

Akala ko ay hindi ako makakakapit sa kanya nang maayos dahil sa flame feathers niya but I managed to hold her. Pero parang mahahati ang katawan ko dahil sa pagkapit ko sa kanya at weight ni Ryleigh dahil hawak-hawak ko siya. Ni hindi ko nga alam kung sigaw niya o sigaw ko ang naririnig ko kanina dahil maging ang pandinig ko ay hindi na rin maayos. Hanggang sa unti-unti nang nawawalan ng lakas ang mga braso ko...

...at napabitaw ako kay Phoebe.

Naramdaman ko ang paghulog namin ni Ryleigh pero hindi pa rin siya bumibitaw sa kamay ko. Naramdaman ko rin na gumalaw siya sa ere kaya pinilit kong idilat ang mga mata ko at nakita kong ako na ang inaalalayan niya ngayon. Nakita ko rin ang pagdisintegrate ni Phoebe dahil hindi na kayang i-sustain ng stamina ko ang form niya. But at least, we managed to get away from the wolves even if it’s just for a few seconds.

Thank you, Phoebe.

“Hindi pa tayo tapos,” biglang bulong ni Ryleigh at hinigit niya ako kaya napakapit ako sa balikat niya. “KON!” sigaw niya. This time, nakita kong nakinig sa kanya si Kon at agad siyang pumunta sa direksyon namin. Kusa namang pumikit ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod at dala na rin ng matagal na pagsummon kay Carlos pati na ang pagtawag kay Phoebe. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ryleigh sa likod ko at bigla siyang nagsalita.

“Lagi na lang ba kitang sasaluhin?”

And those were the last words I heard before my consciousness slipped away.


***