.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, September 22, 2015


***

Ugh.

Napahawak ako sa ulo ko nung makaramdam ako ng sakit. Nakarinig din ako ng mga pagsigaw kaya dinilat ko ang mga mata ko pero napapikit ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko.

“You’re awake. Good.” Nakita ko ang mukha ni Ryleigh pagdilat ko at doon ko narealize na nakahiga ako sa binti niya habang nakasandal siya sa isang puno. Agad akong bumangon pero medyo nahilo ako. Bigla naman niyang hinawakan ang noo ko at tinulak niya ‘yun kaya napahiga ulit ako sa kanya. “Wala ka pang masyadong tulog, magpahinga ka muna,” sabi niya sa akin pero sa ibang direksyon siya nakatingin.

Bigla ko namang naalala lahat ng nangyari kanina. The last thing I remember was him holding me tightly so I won’t fall from Kon.

“Lagi na lang ba kitang sasaluhin?”

Okay. Did he really say that? Or that was just my own thoughts?

I pushed back those thoughts to the corner of my mind. Dahil nakahawak pa rin siya sa noo ko at nirerestrict niya ang pagbangon ko, tumingin na lang ako sa direksyon na tinitignan niya...at napanganga ako nung makita ko kung anong nangyayari.

“What the...”

“He’s doing the same thing he did to us.”

His wolves are chasing the Divians back and forth and some of them already fell to the ground, sustained some injuries and lose consciousness. I scanned the Divians and saw Lexi, Yano and Lycus, and they are pretty much standing out. Nakakaya nilang takasan ang wolves pero kita ko sa expression ni Lexi na unti-unti nang nadedeplete ang stamina niya.

“Did we pass his test?” tanong ko bigla.

“No.” I can hear a hint of bitterness in his voice.

“I thought so. Ilang minuto kang tumagal? I think I only lasted for about thirty five minutes.”

“Fourty eight minutes.”

Wow. Nakatagal pa siya ng ilang minuto after kong mawalan ng malay? Wait. Am I with him during that time? Hindi kaya ako ang dahilan kung bakit hindi siya nakaabot ng isang oras? Dahil ba naging pabigat ako?

“The hell with that expression?” saka ko napansin na nakatingin na pala siya sa akin habang nakakunot ang noo niya. “Huwag mong sabihing sinisisi mo ang sarili mo?” Ugh. He reads my expression really well.

“W-well, sort of. I mean...”

“That has nothing to do with you. His guardians are really strong and I ran out of stamina.”

Tumahimik ako after that at pinanood ko na lang ulit mula rito ang Divians na patuloy na tumatakas kina Romulus at Remus. Suddenly, I remembered our conversation before all those chasing.

“Hey...” Tumingin ako sa kanya at yumuko naman siya para tumingin sa akin. “Pwede bang malaman kung...kung anong nangyari kina...Mama at Papa?”

Pinigilan ko ang luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.
Saying those words hurt me so much but I want to know what happened to them. Sabi niya, niligtas daw siya ni Mama during the Havoc. Naging seryoso naman ang expression niya at naramdaman ko ang pagtense ng katawan niya.

“My family was residing in Ridan Village at the outskirts of the Capital and several exorcists attacked the villagers during the night where most of us were sleeping and vulnerable. Those who survived the attack have no choice but to go to the Capital. But we didn’t know that the Capital was also under attack. I thought I was going to die by the hands of an Exorcist but suddenly, a woman killed him and saved me from death.” Pagkasabi niya nun ay lalong naging dark ang expression niya kaya maski ako ay naging tensed na rin. “Nung unang beses kitang nakita nung dumalaw kami sa lugar niyo, bigla kong naalala ang pangyayari na ‘yun. Sinabi ko kay Yano na sugurin kayo para kamustahin pero ang totoo, bumalik ang alaala na ‘yun kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.”

Hindi na siya ulit nagsalita after that at ang dami kong realizations na nakuha.

I think I know now why he can’t sleep at night. Maybe it brings back memories from his past that he doesn’t want to remember.

“What? Hey! Why the heck are you crying?”

“H-Ha?” Doon ko narealize na ang init na pala ng mata ko dahil pumapatak na ang luha mula doon. Pinunasan ko kaagad ‘yun at bumangon ako mula sa kanya. Napangiti na lang ako bigla kahit may tumutulo pa ring luha mula sa mga mata ko. “I-I’m...j-just relieved. Masaya lang ako...because my parents didn’t die in vain.”

For seven years, iniisip ko kung ano ba talagang nangyari sa kanila. Ang alam ko lang ay namatay sila sa Havoc kasama ng ilang Divians, Exorcists and even ordinary citizens. Pero ngayon, gumaan ang pakiramdam ko dahil nalaman ko na may natulungan sila. And I’m sure, marami pa silang natulungan.

“Anong pinag-uusapan niyo?”

Napasigaw ako nung biglang may mukha akong nakita sa pagitan namin ni Ryleigh. Pagtingin ko, nakasabit ang binti ni Lycus sa may sanga ng puno habang nakabaligtad naman ang katawan niya.

“Anong ginagawa mo dito?!” sigaw ni Ryleigh at mukhang nagulat din siya sa biglaang pagsulpot ni Lycus. Parang kanina lang ay kasama siya doon sa mga hinahabol nina Romulus at Remus. Ni hindi ko nga naramdaman ang presence niya at kung kailan siya pumunta dito!

“I’ve been chased by Remus and Romulus since I was young. Masyadong pabor sa akin ang training na ‘to kaya nag-quit na ako,” sabi niya habang pa-swing-swing pa ang katawan sa ere.

Tumalon naman siya mula doon sa puno at tumayo siya sa harapan namin habang inaayos ang pagkakatali ng buhok niya.

“But seriously speaking, you guys did a good job. ‘Di ko akalaing makakatagal kayo sa kanya,” sabay tingin niya kay Lorgan.

“But we still failed his test,” sagot naman ni Ryleigh.

Nagstay pa kami rito for five minutes and after that ay narinig namin ang sabay na paghowl nina Remus at Romulus. Mukhang tapos na ang challengeni Lorgan sa Divians at gaya namin, wala ring umabot ng isang oras. Siguro kung hindi nagquit in the middle of the chase si Lycus ay siya ang makakatapos sa test ng tatay niya.

Halos lahat ng Divians ay lugmok sa lupa at ‘yung iba ay wala nang malay. Karamihan sa mga nahimatay ay ang mga pinakabata. Sina Yano at Lexi naman ay nakita naming nakasandal at nagpapahinga sa tabi ng isang puno at mukhang ayaw na nilang gumalaw mula roon. Sila kasi ang naging target nina Remus at Romulus nung nagkakaubusan na ang Divians. Paniguradong naubos din ang stamina nila sa continuous chase na naganap kanina.

“Divians, assemble!” biglang sigaw ni Lorgan kaya kahit inaantok at medyo nanghihina pa ako ay tumayo na rin ako para pumunta sa direksyon niya.

Lahat ng may malay at nakakagalaw pa ay napatingin kay Lorgan dahil sa pagsigaw niya. Kaya naman kahit inaantok at medyo nanghihina pa ako ay pumunta kami sa direksyon niya. Lumapit kaming tatlo kina Yano at Lexi, at inalalayan ko si Lexi sa pag-upo.

“Walanghiya, akala ko mamamatay na ako kanina,” sabi niya habang hinihingal. “Ang hirap pa namang panatilihin ng form ni Smith. Naubos ang lakas ko dahil sa kanya.”

Lexi summoned Smith, her white stallion, a while ago. Si Smith ang ginamit niyang guardian kanina dahil ipinagbawal daw ni Lorgan ang paggamit sa flying-type guardians. Siguro dahil na rin sa nangyari sa amin kanina. Malaki nga naman ang advantage kapag ginamit mo ang sky dahil hindi ito abot ng wolves niya.

“Forty-three minutes,” sabi naman ni Yano kay Ryleigh habang tinatanggal ang salamin niyang wala nang pag-asa. Basag na kasi ang kaliwang lens habang ang kanan ay may crack na. Tinignan ko kaagad si Lexi at as expected, para siyang lalong nastress nung nakita niya ang sirang salamin ni Yano.

“As expected, walang nakatapos sa inyo ng training na ‘to,” sabi ni Lorgan at marami ang naging seryoso at iritado ang expressions, kasama na si Ryleigh na halatang-halata ang pagkadismaya. “Bibigyan ko kayo ng tatlong oras para magpahinga at kasama na roon ang tanghalian ninyo.”

Pagkasabi niya nun ay narinig ko ang ilang pinakabata na nag-’yes’ at ang iba naman ay napabuntung-hininga na lang. Pero natahimik ulit kami nung ngumiti si Lorgan.

“Pero hindi ko ibibigay ang pagkain ninyo. Sinabi ko sa mga naghahanda na huwag kayong bibigyan ng kahit ano. Hindi sa lahat ng oras ay lagi lang kayong tatanggap at bibigyan.” Tumingin siya sa direksyon namin at tumango siya kay Lycus.
Agad namang pumunta sa harapan si Lycus at tumabi siya sa tatay niya.

“As Divians, we should know how to use our resources,” panimula ni Lycus. “Since nasa gitna naman tayo ng gubat at may lawa rin dito, pwede niyong gamitin ang guardians ninyo para humanap ng raw ingredients. Huwag kayong mag-alala, kung meron na kayong raw ingredients at hindi kayo marunong magluto, pwede niyong ibigay ang mga nakuha ninyo sa staffs at sila na ang bahala.”

Nagbulung-bulungan ang Divians nung marinig nila ‘yun habang kami ni Lexi ay nagkatinginan.
Normal naman na sa amin ang kumuha ng makakain sa gubat dahil galing kami sa isang baryo na napapaligiran din ng gubat.

“Jerry,
sal-ve.”

Jerry materialized in front of me and I suddenly noticed his sudden growth. Parang mas lumaki pa siya kumpara noong huli ko siyang tinawag.

“Lexi, let’s go.” Hinatak ko si Lexi at pinaupo ko siya sa likod ni Jerry. Doon ko naconfirm na talagang lumaki nga si Jerry. Dati kasi ay ako lang ang nakakasakay sa kanya pero ngayon, kasya na kaming dalawa ni Lexi sa likuran niya.

“Bob,
sal-ve.” Napatingin ako sa gilid namin at nakita ko ang pag-appear ni Bob. Hinawakan niya sina Ryleigh at Yano at pareho niyang inilagay sa likuran niya. Bigla namang lumingon si Ryleigh at ngumiti siya nang nakakaloko, and after that ay tumakbo na papunta sa gubat si Bob.

“Ano pang hinihintay ninyo?” sabi bigla ni Lycus habang nakatingin sa Divians. “Kung hindi kayo kikilos, mauubusan kayo ng oras at pagkain.”

Doon ko narealize kung bakit ngumiti si Ryleigh. They want to be the first to collect resources! Inunahan nila kami!

“Go, Jerry!” sigaw ko at agad namang tumakbo si Jerry papuntang gubat.

Pero habang tumatakbo si Jerry ay may naririnig akong tumatawa sa paligid...at kaboses niya ang babaeng laging nagsasalita sa isip ko. And at the same time, pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin.

Nagmamanman.
Nagbabantay.
Naghihintay sa tamang pagkakataon.


***