.

.

Chapter 14

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, October 31, 2015


***

"Seriously, Lorgan is a sadist," sabi ni Lexi habang nakahiga sa kama niya at minamasahe ang kaliwang braso niya. Humiga na rin ako sa kama ko dahil sobrang pagod ng katawan ko.

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nung mapunta kami rito. Araw-araw ang training na ginagawa ni Lorgan para sa aming Divians pero syempre depende rin sa abilities namin. Kahit na mahirap, sa tingin ko ay magaling siya sa tactics at ways kung paano matulungan ang isang Divian.

Pagtingin ko kay Lexi ay nakatulog kaagad siya, dala na rin siguro ng sobrang pagod. Nung nakita ko ang oras, 7 PM na pala. Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo dahil gusto kong maligo para naman matanggal ang stress ko.

Pagkatapos kong maligo ay umupo ako sa may labas ng cabin namin at nakita ko ang ilang mga batang Divians na nakikipaglaro sa 
naturaes at floras. Nakakatuwa silang tignan dahil parang wala pa silang pakialam sa mga nangyayari sa mundo at nag-eenjoy lang sila sa stay nila rito. Natuwa rin ako dahil kahit kagagaling lang nila sa training ay hindi pa rin nauubos ang lakas nila.

Bigla naman akong nanginig dahil sa lakas ng hangin.
Mas malamig pa sa pakiramdam dahil kakaligo ko lang.

"You'll catch a cold. Get inside."

Nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Ryleigh kaya naman tumingin ako sa cabin nila, which is right next to us, pero wala namang tao sa labas. Pagtingin ko sa itaas, nandoon siya at nakaupo sa may bubong habang naka-crossed arms. Bigla naman siyang sumimangot at sinamaan niya ako ng tingin.

"What?" pagalit niyang tanong. Napataas naman ang kilay ko. Ang hirap talagang hulaan ang mood ng taong 'to.

"Paano ka nakaakyat dyan?" tanong ko naman. Para kasing ang sayang tumambay sa taas ng cabin.

"Bakit?" sabay taas niya ng kilay niya. "Huwag mong sabihing gusto mo rin?" Nagnod ako sa kanya at nakita ko namang napabuntung-hininga siya. Nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo doon at tumalon pababa na parang wala lang at naglanding siya sa tapat ng cabin nila. After that ay umupo siya sa gilid ng terrace nila kaya umupo rin ako sa terrace namin.

"Nasaan pala si Yano?" tanong ko.

"Tulog na."

Napangiti naman ako dahil pareho na palang bagsak ang mga kasama namin, samantalang kami at ang ilang mga bata sa training grounds ay gising na gising pa rin.

Tumingin na lang ulit ako sa langit at kabilugan pala ng buwan ngayon. Kahit pareho kaming tahimik at walang mapag-usapan ay hindi naman nakakailang. Siguro dahil na rin sa atmosphere.

Bigla naman akong napahawak sa kahoy na inuupuan ko dahil sa malakas na paggalaw ng lupa. Si Ryleigh naman ay agad na tumakbo papunta sa mga bata dahil ang iba ay natumba at nagpanic.
Nakita ko rin sina Lorgan at Lycus na lumabas sa main cabin at tumulong din si Lycus sa mga bata. Pagtingin ko kay Lorgan ay nakatitig lang siya sa buwan at biglang lumabas sa magkabilang-gilid niya sina Remus at Romulus.

Napatingin agad ako sa bandang gubat na part at nakita ko ang ilang silvanias na nagtatakbuhan palayo sa may bukana.

So the quake was their doing. They are feeling threatened.

Kahit malakas pa ang lindol ay lumabas na rin ako sa cabin at pupunta sana ako sa direksyon ng silvanias na nakita ko pero napatigil ako nang marinig ko ang malakas na alulong nina Remus at Romulus.

Halos lahat ng Divians na nakatulog o nagpapahinga sa kanya-kanyang cabins ay isa-isang naglabasan dahil sa lindol pati na rin kina Remus at Romulus. Nung tinignan ko si Lorgan ay nakaramdam ako ng matinding takot dahil sa pagiging seryoso ng expression niya.

"Canus, Argentus, 
sal-ve!" sigaw ni Lycus matapos niyang tulungang pumasok sa cabins nila ang mga bata at namangha ako nung nagmaterialize sa harapan niya ang guardians niya.

Just like his father, he has wolves as his guardians. Gray and silver ones.

I got goosebumps when the four of them howled together. Isang nakakabinging katahimikan ang nangyari pagkatapos nun at halos pigil ang hininga ko dahil hindi ko alam ang susunod na mangyayari.

"Anong...nangyayari?" Napatingin naman ako bigla sa cabin namin at nakita kong kagigising lang ni Lexi.

"Merong—" Bigla naman akong may naramdamang kakaiba kaya napatigil ako.

"Reika?" Napatingin ako sa itaas at doon ko nakita ang dalawang nanlilisik na matang nakatingin kay Lexi. Halos mapatigil ako sa paghinga nung nakita ko ‘yun pero bago ko pa siya mabalaan ay biglang tumalon papunta sa kanya ang nasa bubong ng cabin namin.

"Lex—!"

"Jack!" Biglang may nabasag doon sa kabilang cabin at pagtingin ko ay lumabas mula sa bintana si Jack, Yano's jaguar, at sinugod niya ang umatake kay Lexi. Tumalon si Lexi mula sa cabin terrace dahil sa gulat at naglanding siya sa akin kaya pareho kaming natumba.

"A-ano 'yun?!" sigaw niya at mukhang nagising na ang diwa niya nang tuluyan.

Doon lang namin nakita nang maayos ang sumugod sa kanya habang naglalaban ito ni Jack. It's a panther. It is so black that only its golden eyes are visible. Jack and the panther attacked each other ruthlessly, at bago pa kami makita ng panther ay agad kong sinummon si Carlos para makalayo kami. Halos itinulak ko na si Lexi papunta sa likod ni Carlos dahil shocked pa rin siya at tinatagan ko naman ang loob ko dahil sa lakas ko nakasalalay ang presence ni Carlos.

Tumakbo si Carlos palayo sa panther at si Yano na ang kumalaban doon pero napasigaw ako nung bigla na lang akong lumutang. Pagtingin ko sa itaas ay isang malaking itim na ibon ang dumagit sa akin at sobrang bilis ng pag-angat ko sa ere.
Halos nanginginig na rin ang buong katawan ko dahil naka-pajamas lang ako. Narinig ko ang pagsigaw ni Lexi sa pangalan ko pero hindi na ako makapagsalita dahil sobrang hirap huminga lalo na’t tumatama sa buong mukha at katawan ko ang hangin.

"We meet again, amateur Divian.” Pagkarinig ko nun sa bandang taas ay napatingala ako pero hindi ko makita kung sino ang nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit pero parang pamilyar ang boses na ‘yun.

Sinubukan kong kumawala mula sa ibon pero sa bawat paggalaw ko ay parang bumabaon sa balat ko ang talons niya.
All of a sudden, I heard a loud screech from below and the next thing I saw was Charlie, heading towards me with an outstanding speed. He attacked the black bird’s belly and it lose it’s grip on me. I yelled as I plummeted downward but Charlie caught on me and I landed on his back. I held tightly as he dive towards the ground.

“Rei!” sigaw ni Lexi at tumalon ako mula sa likod ni Charlie, pagkatapos ay lumipad ulit siya papunta sa kung nasaan ang itim na ibon. Tumingala ako at tinignan ko kung sino ang nasa likod ng ibon at nagflash sa utak ko ang unang araw namin ni Lexi sa Capital.

“Lexi, isn’t that...”

“Yeah,” sagot niya at mukhang nagising na talaga nang tuluyan ang diwa niya. “She’s that lady, pero hindi ko alam kung paano siya nakatakas dahil ang huling pagkakatanda ko ay nahuli siya nina Master at Sir Gavin.”

The lady on the bird’s back is Agnes, the Exorcist who made a commotion at the Capital before. Natatandaan ko pa ang gigantic spider na nakasabit sa isang building noon at kung paano na kami muntik mamatay dahil sa kanya. Gaya ni Lexi ay hindi ko rin alam kung paano siya nakatakas mula kina Gavin.

“Watch out!” Narinig ko ang boses ni Yano sa kung saan at paglingon ko ay patalon na sa amin ang black panther kanina. Pero bago niya pa kami masugod ay bigla kong naramdaman ang mabilis na pagtoss ko sa ere at pagtingin ko ay nasa likuran na kami ni Lexi ng dalawang lobo, Lycus’ wolves.

“Assemble!”

Napatigil naman sa pagtakbo ang wolves nung narinig namin ang pagsigaw ni Lorgan mula roon sa training grounds. Pagtingin ko ay nagtipon doon lahat ng Divians at nasa gilid niya sina Lycus at Ryleigh.
Tumakbo ulit ang wolves papunta sa direksyon nila at sumunod din sa amin si Yano habang nasa likod siya ni Jack. Pinasunod ko rin si Carlos sa amin at nung sama-sama na kami ay tinawag din ni Lexi si Charles papunta sa amin.

“Lumabas ka na, Garan. Alam kong nandito ka,” biglang sabi ni Lorgan at may halos kilabutan ako nung may lumabas na lalaki mula sa isang puno habang nakangiti sa direksyon namin.

“I thought I could last for a week without getting noticed.”

Bigla ko namang narealize na siya ang presence na nararamdaman ko everytime na pupunta ako sa gubat. Siya ang parating parang nakatingin sa mga kilos namin.

Nagulat ako nung biglang may lumitaw na something sa bandang balikat niya at nung tinitigan ko nang mabuti ay saka ko lang narealize na isa pala ‘yung chameleon. Doon ko naisip na malamang ay ginamit niya ang ability ng guardian niya para magblend sa paligid.

Naka-all black ang lalaki at sa tingin ko ay nasa 40’s or 50’s na siya dahil grayish na ang buhok niya. Bigla namang naglanding sa tabi niya si Agnes at nawala ang malaking itim na ibon kung saan siya nakasakay. Just like before, she’s wearing a black dress with a high slit on her left leg.

“Stay back brats,” biglang sabi ni Lorgan at biglang nagliwanag ang paligid niya. The next thing I knew, black and white fur started to cover his whole body and a loud piercing howl silenced the whole night...

...just like a werewolf.


***