.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, December 29, 2015


***

Umaga na at halos lahat kami ay hindi natulog dahil sa nangyaring pag-atake ng Exorcists. After matalo ni Adrielle si Agnes ay bigla siyang niligtas ng kasama niya. If I remember correctly, his name is Garan. Nakatakas agad sila at nabalot ng katahimikan ang Camp.

Cies yvri kai,” sabi ni Adrielle at nagliwanag ang buong paligid niya.
Nakita ko pa ang forms ng dalawa niyang Guardians bago sila tuluyang mawala at bumalik sa dati ang itsura ni Adrielle. Napalitan din ang seryoso niyang mukha ng isang ngiti at hindi ko alam kung bakit ako natakot. Ngayong alam ko na kung ano ang totoong personality niya, hindi ko na ulit siya makitang maganda lang. She’s a dangerous beauty.

Lumapit si Adrielle kay Lorgan at halos lahat ng Divians ay tumakbo papunta sa kanya.

“Seriously Lorgan, don’t let them turn this paradise into some unpleasant place.”

“Sorry. Hindi ko akalaing aatake sila agad.”

“I’m glad you guys are all safe,” sabi niya sa Divians habang nakangiti at karamihan ng mga bata ay umiiyak na.

Nakahinga naman ako nang maluwag after that and at the same time ay doon ko naramdaman ang panghihina ng katawan ko dahil sa paggamit ko kay Phoebe. Well, at least I didn’t faint.

Bigla ko namang naramdaman ang kamay ni Ryleigh sa noo ko.

“You’re hot,” sabi niya at ramdam ko ang lamig ng kamay niya. “Dahil sa Guardian mo?”

“Siguro.” Napapikit ako dahil nakakakalma ang lamig sa noo ko.

Bigla kong naalala ang nangyari nung tinawag ko si Phoebe kanina. She used my life force to stay on this dimension. That means my strength is still not enough for me to use her. It’s really frustrating but I wish I can fight with her without running out of stamina or fainting.

“Reika, isn’t it?”

Napadilat naman ako nung bigla kong narinig ang boses ni Adrielle at naramdaman ko rin na naging tensed si Ryleigh. Pareho kaming bumaba mula kay Bob at pinabalik siya ni Ryleigh sa spirit dimension.

“Y-yes,” sagot ko naman at nagising ang diwa ko dahil sa presence niya.

“The blue phoenix is yours, right?”

“O-opo.” Bigla namang tumaas ang isa niyang kilay kaya napaatras ako pero nagulat ako nung natapakan ko ang paa ni Ryleigh. Nagsorry ako sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

“Why do I feel like you’re scared of me?”

Yeah. I’m really scared of you.
Gusto ko ‘yung sabihin pero baka bigla siyang magalit at magtransform into her hybrid form. I’m not yet ready to see that again.

“Anyway, thanks to you that I managed to arrive on the right time. But be careful. You almost lost your life.”

“Y-yeah.”

“Now both of you,” sabay tingin niya kay Ryleigh pabalik sa akin. “Come with me. We’re going back to Hydra.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay lumakad siya palayo sa amin at doon lang nagsink-in sa akin ang sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Ryleigh para i-confirm na tama nga ang rinig namin.

“D-did she say Hydra?” tanong ko kay Ryleigh.

“I think so.”

Bakit kami sasama pabalik sa kanya sa Hydra?

***

Nandito kami ngayon sa Head Cabin at hindi ko kinakaya ang presence ng mga kasama ko rito. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito ngayon. Kasama ko sa cabin sina Lexi, Ryleigh, Yano, Lycus, Lorgan at Adrielle.

“So that’s your real purpose here,” sabi ni Lorgan habang nakatingin kay Adrielle na ngayon ay kalmadong umiinom ng tsaa.

“Yes, and it seems their claims are right.”

“Pero anong kailangan nila sa kanila?” sabay tingin sa amin ni Lorgan at lalo lang akong kinabahan.

“I don’t know the whole story but I think it has something to do with some
prophecies.”

Pagkabanggit na pagkabanggit ni Adrielle sa salitang ‘yun ay nagkatinginan kami ni Lexi at alam kong parehas kami ng naisip—ang prophecy na binaggit ng Mama niya sa amin.

“Astrid deduced that the Exorcists might attack this Camp at night,” sabi ni Adrielle.
“Sinabi rin sa akin ni Ariah na may kinalaman kayo sa isang prophecy,” sabay tingin niya sa amin ni Lexi.

“S-sort of,” sagot ni Lexi habang nakatingin lang sa mesa.
“Aksidenteng nasabi sa amin ni Mama ang tungkol doon.”

“Anyway, sasama kayong apat sa akin pabalik sa Hydra,” sabi niya at isa-isa niya kaming tinignan.

“Bakit kami kasama?” tanong ni Yano sa kanya.

“I don’t know. It’s their order.”

“Pero—”

“Let’s go,” sabi niya habang nakangiti at napatigil kaming lahat.
Maging si Lorgan ay natense nung tumayo si Adrielle at naglakad palabas sa cabin.

Dahil wala naman kaming magagawa, sumunod kaming apat sa kanya palabas.
Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa praevala niya na nasa gilid ng lawa. Sumakay kaming lima at pagpasok ko sa loob ay agad akong namangha sa laki ng space.

“Mistress,” sabi nung babae nasa driver’s seat at nagbow siya kay Adrielle.

“Bring us to Hydra,” utos ni Adrielle at sumunod naman sa kanya ‘yung babae.

Umupo kami sa bandang likod habang si Adrielle ay nasa unahan. Pagkaupong-pagkaupo ko ay nakaramdam agad ako ng antok. Hindi pa pala ako natutulog simula kahapon at idagdag pa ang panghihina ng buong katawan ko dahil kay Phoebe.

Kapipikit ko lang pero napadilat agad ako nung may naramdaman akong bumagsak sa balikat ko. Pagtingin ko, nakasandal na ang ulo ni Ryleigh sa akin. Sa kabilang side ay nakatulog na rin sina Yano at Lexi. Wow. Hindi ko akalaing ganun din sila kapagod dahil sa mga nangyari.

Bigla ko namang narinig ang mahinang pagtawa ni Adrielle kaya napatingin ako sa unahan.

“You should sleep, too. Mahaba pa ang byahe.” Pagkarinig ko nun ay lalong bumigat ang mga mata ko, hanggang sa tuluyan na rin akong makatulog.

***

Nagising ako nung naramdaman kong huminto at naglanding ang praevala. Pagdilat ko, gising na silang tatlo at palabas na sina Adrielle at ‘yung kasama niya. Lumabas din kaming apat at habang pababa kami ay minasahe ko ang balikat at batok ko dahil sa pangangawit pero napahinto ako nung nakita ko kung nasaan kami.

“Oh my God,” bulong ko sa sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

“Welcome to Hydra,” sabi ni Adrielle at naglakad siya papunta doon.

Agad kaming sumunod sa kanya pero hindi ko pa rin maalis ang paningin ko sa buildings na nasa harap namin. Actually, it’s more like a palace that has four towers on both sides. Napapaligiran din ang buong lugar ng matataas na pader. I suddenly felt insignificant because of the size of this place.

Bumukas ang malaking pinto at lalo lang akong namangha nung pumasok kami sa loob. Nakakasilaw ang buong paligid dahil nagre-range from white to cream ang kulay ng interior. Medyo creepy rin dahil sa magkabilang gilid ng malawak na hallway na nilalakaran namin ay may statues ng mga hayop na nakahilera.

“These statues were made to commemorate the previous Spirit Masters and their Guardians, if that’s what you want to ask,” sabay lingon sa amin ni Adrielle habang nakangiti. “Oh and by the way, huwag na huwag kayong hihiwalay sa akin hangga’t ‘di pa tayo nakakarating sa Divine Hall. This place is larger than you think it is.”

Ninote ko naman ‘yun at sumunod kami sa kanya pero hindi ko matanggal ang paningin ko sa mga stone statues na nadadaanan namin. Ilang Spirit Masters na kaya ang nagdaan bago ang mga Spirit Masters ngayon? Sobrang daming statues dito at hindi ko pa natatanaw ang dulo ng hallway na ‘to.

‘Reika.’

Napalingon naman ako sa grupo namin nung narinig kong may tumawag sa akin pero nagulat ako nung makita kong mag-isa na lang akong naglalakad.

“L-Lexi?” tawag ko pero hindi ko makita o marinig si Lexi.

Nagsimula akong kabahan dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ‘to.
Kasasabi pa lang sa amin ni Adrielle na huwag hihiwalay sa kanya pero heto ako ngayon at mag-isa na. Bakit ba kasi hindi ako nakatingin sa kanila kanina?

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad kahit na natatakot na ako dahil mag-isa lang ako. Sinundan ko lang kung saan nakalinya ang statues sa magkabilang gilid ko pero pakiramdam ko ay nagshishift sila ng positions. God. Naghahallucinate na ba ako?

Napahinto naman ako nung may nadaanan akong pinto sa kaliwang side ko. Siguro naman pwede akong magtanong kung sino man ang nasa loob nito, ano?

Huminga ako nang malalim at kumatok sa pinto bago ako pumasok pero pagsilip ko, napanganga na lang ako dahil isang hallway na naman ang sumalubong sa akin. Pumasok ako doon at ininspect ko ang paligid. Dahil hindi naman ako sigurado kung saan papunta ang hallway na ‘to ay napagdesisyunan kong bumalik na lang sa main hallway pero mas nagulat ako sa naabutan ko. Pagtalikod ko, nawala ‘yung pinto kung saan ako pumasok. Tumakbo ako papunta sa pader pero walang bakas ng kahit ano doon.

Nagsimula na akong magpanic dahil sa nangyari pero sinubukan kong kalmahin ang sarili ko.
It’s okay, sabi ko sa isip ko. Siguro naman ay napansin na nina Lexi na wala ako sa grupo nila at hinahanap na nila ako ngayon. I need to find an exit for now.

Humarap ulit ako sa bagong hallway pero tulad ng nangyari sa pinto ay nagbago ang itsura nito. Nung una ay hindi ko maintindihan kung bakit ang daming pader sa gitna pero narealize ko na ang nakikita ko ngayon ay hindi mga pader kundi isang malaking maze.

Tsk. If I could just summon Phoebe without having a problem, I could easily fly over this pain-in-the-ass maze.

Naglakad ako papunta sa unahan ng maze at pumasok ako sa loob. Naglakad lang ako nang naglakad at ilang beses din akong napunta sa dead-end. Ni hindi ko na nga alam kung ilang minuto o oras ang lumipas simula nung pumasok ako rito. I
really want to get out of this place!

“Oh no. Not again,” bulong ko sa sarili ko nung makita ko ang dead-end.

Napasandal na lang ako dahil pagod na pagod na ako sa kakalakad at nawawalan na ako ng pag-asa na makalabas dito pero bigla akong naging alert nung may naramdaman akong kakaiba.
Nakarinig ako ng kaluskos sa paligid at papalapit ito nang papalapit sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at nagulat na lang ako nung biglang may tumalon mula sa likuran ko kaya napatakbo ako. Pagtingin ko kung ano ay napaatras ako at sinummon ko si Jerry.

“J-Jerry,
sal-ve!” sigaw ko at lumitaw si Jerry sa harapan ko. I heard him growl and the creature in front of us hissed.

It was a cat. A
huge cat.

It has a white body but its head is covered with gray and silver furs, and its eyes are crystal blue. But what surprised me the most is its size. Halos magkasinglaki lang sila ni Jerry.

Lalong naghiss ‘yung pusa at alam kong susugod na siya sa amin anytime pero napatingin ulit ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay hindi lang kami ang nandito.

“Felina,
cessante.” Huminto ang pusa sa paggalaw at naging tame ang itsura niya.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa itaas ng maze sa bandang kanan ko. Just like the cat, he has blue eyes and his blonde hair complements it. Sa tingin ko ay nasa edad ko lang din siya dahil ang bata niyang tignan pero hindi rin ako sigurado. Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya naging alert ako.

“Who are you?” tanong niya at kinabahan ako dahil sa lakas ng presence niya.

“R-Reika. Um, actually, kasama ako ni Adr—I mean Miss Adrielle sa pagpunta rito pero n-naligaw ako,” sabay yuko ko dahil nakakahiyang malaman ng ibang tao na naligaw ako.

“I can see that,” sabi niya pa kaya lalo akong nahiya. Sinilip ko siya at nagulat ako nung bigla siyang tumalon mula sa kinauupuan niya at naglanding siya sa tabi nung pusa na parang walang nangyari. Bigla naman siyang naglakad kasama ang pusa niya at dinaanan niya kami ni Jerry pero huminto siya nung nakalagpas na siya sa amin. “Follow me,” sabi niya kaya napalingon ako sa kanya.

“H-ha?” Lumingon din siya sa akin at kumunot ang noo niya kaya natakot ako.

“I said follow me. I’m going to the Divine Hall, too.” Tinuloy naman niya ang paglalakad niya at doon lang nagsink-in ang sinabi niya.

Nagsimula na rin akong maglakad kasama si Jerry at humabol ako doon sa lalaki pati na sa kasama niyang pusa. Divine Hall? Doon din kami papunta ayon kay Adrielle. W-wait, don’t tell me...

“W-who are you?” tanong ko. “Are you perhaps a...”

Bigla naman siyang lumingon and this time, he has that amused kind of facial expression.

“I’m Henric, and yes, I’m a Spirit Master.”


***