.

.

Chapter 19

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, March 5, 2016


***

Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas simula nung nangyari ang pag-atake ng Exorcists sa labas ng Hydra. Pagkatapos kasi nun ay pinapunta kami sa kanya-kanya naming kwarto kaya naman nakakulong lang ako rito. Nakahiga ako sa kama at sa kisame lang ako nakatingin.

Naalala ko tuloy ang mga nangyari kanina at hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako ngayon. Kahit na alam ko na ring Spirit Masters dati sina Mama at Papa ay namamangha pa rin ako.

Bigla naman akong may narinig na ingay sa labas kaya napabangon ako at medyo kinabahan ako kasi gabi na, though hindi halata rito sa loob ng kwarto ko dahil puti ang halos lahat ng bagay dito at wala ring bintana. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at pagbukas ko nun ay sumilip ako sa labas. Pagtingin ko, nakita ko si Ryleigh na naglalakad sa hallway na parang may hinahanap. Medyo natuwa ako nung makita ko siya dahil isa siya sa mga kakilala ko rito kaya naman tinawag ko siya.

"Ryleigh!" mahina kong tawag sa kanya at bigla naman siyang napalingon. Napahinto siya sa paglalakad at ako naman ay lumabas sa kwarto ko. Naglakad ako papunta sa kanya at nakita kong dala niya pala ang sword niya.

"What are you doing?" tanong niya at napakunot naman ang noo ko.

"I should be the one asking that. Saan ka pupunta?"

"I'm searching for a training room."

Napatigil naman ako at narealize ko na magtetraining na naman siya. This guy is really obsessed with getting stronger. Then narealize ko rin na gabi na pala and for sure ay hindi na naman siya makatulog kaya siya naghahanap ng mapagkakaabalahan.

"Okay, then. Maghanap na tayo," sabi ko and this time, siya naman ang napakunot ang noo. "What?" tanong ko.

"Nothing."

Nagpatuloy kami sa paglalakad at medyo kumalma na ang pakiramdam ko dahil may kasama akong kakilala ko. My nerves won't calm down ever since I arrived here in Hydra. I'm glad I saw him right now because somehow, I feel I'm not alone.

Napahinto naman ako nung may narinig kaming kaluskos sa paligid. Nagkatinginan kami at bigla akong kinabahan dahil baka may sumusunod o 'di naman kaya ay may nakatingin sa amin. Pero mas nagulat ako nung hinatak niya ang kamay ko at bigla niyang binuksan ang pinto sa may gawing kaliwa namin.

"Wait-!"

"Shh."

Tinakpan niya ang bibig ko at bigla akong napafocus doon sa kaluskos sa labas. Hanggang dito ay naririnig ko pa rin ang ingay at alam kong may naglalakad sa hallway. Hindi ko rin alam kung bakit kami nagtatago pero siguro instinct na rin naming lumayo dahil baka mahuli kami.

"Do you think bringing the kids here is the right choice?"

Nagkatinginan ulit kami ni Ryleigh dahil narinig namin ang boses ni Master Ariah. Lalo lang akong kinabahan dahil alam kong kami ang pinag-uusapan nila.

"I hope so. We shouldn't take the prophecy lightly, just like what we did before." This time ay boses naman ni Gavin ang narinig namin.

"The last prophecy, huh? Kung sana ay inintindi ko nang mabuti ang nakalagay doon, sana..."

"Hanggang ngayon ba, sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari?"

"I can't help it. Lalo na't estudyante ko ngayon ang anak nila. Natatakot akong baka mapahawak din siya dahil sa akin. Ikaw ba? Hindi ka ba natatakot sa kalagayan ng mga estudyante mo?"

"I can't say I'm not afraid but I believe in their strength. After all, I trained them."

"Tch. You're a cocky one."

Matapos nun ay hindi ko na marinig ang pag-uusap nila dahil nakalayo na sila sa kung nasaan kami. Tinanggal na rin ni Ryleigh ang kamay niya mula sa mukha ko pero hindi pa rin ako gumagalaw sa pwesto ko. Kami nga ang pinag-uusapan nila kanina pero ang tumatak lang sa utak ko ay 'yung sinabi ni Master about sa last prophecy. May kinalaman ba doon sina Mama at Papa?

"Tara na. Baka may makakita pa sa atin-" Napatingin naman ako kay Ryleigh nung tumayo siya at pinihit ang pinto. Nung nakita kong hindi 'yun nagbukas ay nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my God," sabay pihit ko sa knob pero hindi pa rin bumubukas.

"Shit." Bigla namang hinampas ni Ryleigh ang pinto at napasandal na lang siya sa pader habang ako ay paulit-ulit na pinipihit ang knob.

Lalo akong nagpanic dahil sa reaksyon niya pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin mabuksan ang pinto. After a few minutes ay nag-give up na rin ako at napaupo na lang sa sahig.

"Sorry," mahina niyang sabi at napatingin siya sa kabilang direksyon. Hindi ko alam kung naghahallucinate lang ba ako o ano pero feeling ko ay nahihiya siya dahil sa nangyari. Siguro ay dahil iniisip niyang kasalanan niya at hinatak niya pa ako papunta rito.

"It's okay. Wala na rin naman tayong magagawa," sabi ko at saka ko lang nagawang tignan ang lugar kung nasaan kami.

Gaya ng mga kwarto dito sa Hydra ay puting-puti rin ang loob ng room na 'to pero ang kaibahan ay wala 'tong kahit anong laman. Nagulat naman ako nung biglang may humarang sa mata ko at pagtingin ko ay lumiwanag ang bagay na 'yun.

Spirit particles.

This room is filled with spirit particles. Kaya pala parang masyadong maliwanag at may kumikinang sa bawat sulok ng kwarto ay dahil sa mga 'yun.

"Bob, sal-ve!" Nagulat naman ako nung biglang tinawag ni Ryleigh ang guardian niya. Mukhang dito na niya balak magtraining kaya naman nakisali na rin ako sa kanya, lalo na't namotivate akong magtrain pa dahil sa pinakitang lakas ng Spirit Masters sa amin.

Huminga muna ako nang malalim at nagconcentrate ako sa lakas ko. I need to be a worthy Divian to my guardians. According to Master, our relationship with our guardians deepens as we rely to each other during battles, that's why we must show them our strength. If I get stronger, so as my guardians.

"Jerry, Carlos, sal-ve!"

Lalo pang nagliwanag ang buong paligid nung ginawa ko 'yun. ngayon ay gusto kong subukan na sabay silang tawagin. Lalong nagliwanag ang paligid nung ginawa ko 'yun at matapos ang ilang segundo ay nagmaterialize sa harapan namin sina Bob, Jerry at Carlos.

Bob and Carlos both roared while Jerry greeted me with a loud bark. I noticed that both of them grew a bit compared to their size last time and that made me smile. At least, I can see my development as a Divian through them.

"You're getting stronger," biglang sabi ni Ryleigh at napangiti ako dahil nakarinig ako ng compliment galing sa ibang tao. "You summoned two of your guardians simultaneously. Impressive."

"Thanks."

Pumosisyon kami para harapin ang isa't isa at tumayo ako sa pagitan nina Jerry at Carlos. They growled at Bob and he did the same to them. I can envision the attacks I need to order them to defeat or at least subdue Bob and Ryleigh but I don't know if I can do that in reality. Well, I guess that's the purpose of our training. I need to step up my game.

Naging tahimik kami ni Ryleigh at naramdaman ko ang pagtaas ng tension sa loob ng room. Nagpapakiramdaman kami kung kailan kami aatake kaya naman nagsimula na akong kabahan, pero kahit papaano ay nakakaramdam din ako ng excitement.

And right now is the right time to attack.

"Infremo!"
"Dankana!"

We simultaneously chanted our incantations and our respective guardians respond. Jerry and Carlos roared thunderously while Bob unleashed spirit particles shaped like a claw. Bigla naman akong tinulak ni Jerry at napunta ako sa likod ni Carlos. Napahawak ako nang mabuti sa kanya dahil bigla siyang tumakbo nang napakabilis kaya naman tumama lang sa pader ang attack ni Bob. Hindi naman agad siya nakagalaw dahil sa paralysis effect ng growl nina Jerry at Carlos.

Nagpalitan pa kami ng iba't ibang atake at hindi ko alam kung paano ko nagagawang magsabi ng maraming incantations nang hindi nanghihina. Ilang minuto na rin ang nakakalipas nung lumabas sina Jerry at Carlos. Bakit hindi pa ako nawawalan ng lakas?

"Isn't this weird?" biglang tanong ni Ryleigh at pareho kaming napahinto. "We're not running out of gas and our guardians seem to be stronger."

"Napansin ko nga rin. How is that possible?"

Akala ko ay ako lang ang nakakapansin pero mukhang siya rin. Bigla ko tuloy akong na-tempt na tawagin si Phoebe pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin ko. Parang may mali.

"So you guys finally realized it."

Nagulat naman ako nung may narinig akong boses sa loob ng room at agad kong hinanap kung saan nanggagaling 'yun pero wala namang laman ang kwartong 'to maliban sa amin ni Ryleigh at sa guardians namin. Bigla namang may nag-appear na outline ng pinto sa pader na nasa dulo ng room at lumabas doon ang may-ari ng boses.

Si Henric.

Naglakad siya palapit sa amin kasama ang cat guardian niya na nakita ko kanina nung una naming encounter. His eyes are so intimidating and the way he walks gives off a superior feeling. Despite his young age, he really looks and acts like a Spirit Master.

"What do you mean by that?" biglang tanong ni Ryleigh sa kanya.

"This room is saturated with spirit particles, that's why your guardians are unconsciously using them instead of your stamina. However, the moment you get out of this room, your body will compensate for the amount of energy that your guardians used during your stay here. In short, you might faint or even die if you get out of here."

Napanganga ako nung narinig ko 'yun at bigla akong natakot. Ilang minuto na ba ang nakakalipas? Paano kung sobra na sa lakas ko ang nagamit ko para kina Jerry at Carlos? Paano ako makakalabas sa kwartong 'to nang maayos kung ganun nga ang mangyayari?

"But, I won't allow you to leave." Pagkasabi niya nun ay lalo na akong kinabahan.

"And why is that?" tanong ni Ryleigh at lumapit siya sa akin.

"Because your training with the Spirit Masters starts now." He spread his arms and smiled at us. "Welcome to my playroom."

***