.

.

Chapter 21

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, April 10, 2016

***

"Reika..."

Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses pero hindi ko pa rin makita kung sino ang nagmamay-ari nun. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko alam kung nasaan siya...

...hanggang sa bigla na lang akong nahulog sa napakalalim na butas.

Bigla akong napamulat at halos hindi ako nakahinga kaagad. Napabuntong-hininga ako nung naramdaman kong nakahiga ako. 
Panaginip lang pala.

Inalala ko naman ang lahat ng nangyari bago ako mapunta sa ganitong kalagayan. I remembered the room where Henric challenged us to a battle using our half-animal form and of course, we lost because we used our own life force to maintain it.

Half-animal form, huh?

Hindi ko akalaing magagawa ko 'yun sa ganoong sitwasyon. Ni hindi pa rin ako makapaniwala na nag-merge kami ni Jerry at nakita ko ang memories niya. I felt glad and sad at the same time. Glad because I am part of his memories and I saw our moments from the past but I'm quite sad because I also saw his previous Divian owners, which were my ancestors, including my father. Ngayon nga lang nagsink-in sa akin lahat ng nakita ko sa sarili kong isip nung panahong nasa half-animal form kami ni Jerry.

"I thought you'd be sleeping until tomorrow."

Napatingin naman ako sa pintuan at doon ko lang napansin na nakatayo na pala doon si Ryleigh. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukhang ayos na siya.

“Ilang araw na akong tulog?” tanong ko at medyo kinakabahan pa ako dahil hindi ko talaga matantsa ang araw ngayon.

“Two days.”

“Oh, God. Wait, ikaw?” Don’t tell me ilang oras lang siyang walang malay? Ganun ba kahina ang stamina ko?

“He’s been knocked out for 30 hours.”

Napatingin naman ako sa likuran ni Ryleigh at nandoon sina Yano at Lexi pero naunahan ako ng gulat nung nakita ko kung gaano sila kadumi dahil punung-puno ng lupa, putik at may ilan pang dahon at sanga ang buong katawan nila.

“Morning, Rei!” bati ni Lexi.

“A-anong nangyari sa’yo, Lexi? Bakit...” sabay tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa.

“We’re training under the supervision of Miss Adrielle,” sagot naman ni Yano habang pinupunasan ang putik na humaharang sa salamin niya.

“Rei, mas malala pa siya kay Master. Seryoso.”

Bigla naman akong natakot dahil sa seryosong expression ni Lexi. Grabe na nga ang pinaggagawa namin nung under kami ni Master pero ngayon, sinasabi niyang mas matindi pa ang training kay Adrielle? I knew it. Her angelic face doesn’t match her personality at all.

“What do you expect? After all, she’s the director of the Divine Camp,” dagdag ni Ryleigh.

Agad namang umalis ‘yung dalawa dahil maliligo lang daw sila nang mabilis. Masyado na raw kasing mabigat ang mga damit nila at hindi sila makagalaw nang maayos kaya binigyan sila ni Adrielle ng oras para linisin ang mga sarili nila.

Bumangon naman ako at nagulat ako dahil ayos lang ang pakiramdam ko at parang wala man lang nangyari na kahit ano. I guess resting for two days made me well.

“I’ll go ahead,” biglang sabi ni Ryleigh at tumango na lang ako. Nung umalis na siya ay saka lang ako nagprepare. Kinain ko ang pagkain na nakahain sa tabi ko at saka ako naligo. Pagkatapos nun ay lumabas na rin ako sa kwarto at nag-ikut-ikot sa Hydra.

Hindi ko ‘to nagawa nung unang pagdating ko rito at nung sinubukan ko rin nung wala nang tao, pero ngayon, mukhang magagawa ko na. Bawat madadaanan kong hallway ay may nakikita akong spirit particles sa paligid. Sa totoo lang, sobrang taas ng concentration ng spirit particles sa Hydra at hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa Spirit Masters? Sa Divine General?

Sa dami ng iniisip ko ay napadpad ako sa labas ng building at hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito pero medyo gumaan din ang pakiramdam ko dahil parang garden ang lugar na ‘to. Bigla ko tuloy namiss ang village namin. Pero ang hindi ko inaasahan ay gabi na pala dahil sa loob ng Hydra ay parang laging umaga.

Naupo ako sa malaking bato malapit sa pond at pagtingin ko ay may mga 
aquainas doon na lumalangoy. Marami ring floras at naturaes sa paligid. Kumikinang sila at ang gandang tignan dahil gabi na kaya para silang mga alitaptap.

“You’re here.”

Nagulat naman ako nung makarinig ako ng boses kaya naman hinanap ko kaagad ang pinanggalingan nun. Pagtingin ko, nakasandal si Ryleigh sa likod ng puno na nasa harapan ko. Hindi ko siya masyadong makita pero alam kong siya ‘yun. Hindi ko alam na dito rin pala siya pumunta kanina.

“Nakaistorbo ba ako?” tanong ko at nakita kong gumalaw siya.

“Hindi.”

After that ay naging tahimik ulit ang paligid at kahit papaano ay hindi naman awkward. Siguro dahil sanay na kami sa katahimikan ng isa’t isa. We don’t really talk that much when we’re not in a fight or battle.

Bigla ko namang naisip ang laban namin kay Henric at napabuntong-hininga na lang ako. That fight was so disappointing. Yes, I managed to do the half-animal form but I can’t even control my own body and power. I used my own life force to sustain that form. I feel sorry for Jerry.

“Shall we train?”

Nagulat naman ako dahil pagtingin ko sa direksyon ni Ryleigh ay nakaharap na siya sa akin at seryoso ang expression niya. Siguro pareho lang kami ng iniisip at pareho kami ng nararamdaman tungkol sa nangyari kaya naman tumango ako. Kung wala akong ginagawa ay mapupuno lang ng ganung pag-iisip ang utak ko.

“Jerry, 
sal-ve!”
“Bob, sal-ve!

Our guardians materialized in front of us and I’m glad that Jerry is okay. I was actually scared to call him because of what had happened but when he ran to me, I felt relieved.

Es hyva fe vies diaz. Morien alav sativa chroina il piero mergus. Comvien han!” Ryleigh chanted the incantation and Bob dissolved into spirit particles. He was surrounded by lights and before I knew it, his half-animal form was right in front of me.

“This is hard,” sabi ni Ryleigh at nakita kong medyo hirap siyang kumilos. Siguro ay dahil wala masyadong spirit particles sa lugar na ‘to kaya hindi macocompensate ang lakas namin.

I need to do it, too.

Huminga muna ako nang malalim at pumikit bago ko sinabi ang incantation. After that, I chanted it and I felt Jerry’s presence enveloping me. Just like what happened last time, my memories with him flooded my mind, and even his memories with his previous owners. However, an unfamiliar scene flashed in my mind.

“Keep her away from here, Ramon. The Exorcist Seer knows the prophecy about the second.”
“But are you really sure it’s her? What if
“Ramon, for the sake of Kass, do it. This is an order.”
“Yes, Divine General. I will do everything to protect them. Let’s go, Jerry.”

The next thing I knew, I was already in my half-animal form. All my senses were enhanced and my head was throbbing because of that memory. Nakita kong kausap ni Papa, habang kasama niya si Jerry, ang Divine General. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero mukhang may kinalaman din si Mama doon.

Bumalik naman sa kasalukuyan ang isip ko nung naramdaman ko ang pag-atake ni Ryleigh. Pero dahil sa abilities ni Jerry ay nagawa kong iwasan siya at hindi ko muna inalala ang nakita ko sa isip ko dahil baka maging dahilan ‘yun para madistract ako.

We attacked each other for about half an hour until we ran out of gas. We both chanted the incantation to undo our forms and I collapsed right after that.

“They are improving, aren’t they?”

“A little.”

Napatingin naman ako doon sa pinanggalingan ng boses, maging si Ryleigh, at nakita namin sina Master at Gavin na nasa second floor at nakasilip doon sa bintana.

“Mukhang si Henric ang unang Spirit Master na kinalaban n’yo,” sabi ni Master.

“That kid is known as the Prodigy,” dagdag naman ni Gavin. “He mastered the half-animal form when he was just ten. But you’ll learn so much from him so don’t just dwell on how to defeat him. You hear me, Ryleigh?”

Pagkatapos nun ay umalis na sila doon sa bintana at nagkatinginan lang kami ni Ryleigh. Maybe that’s their way of cheering us. Bigla naman akong napangiti dahil kahit papaano ay binabantayan pa rin ako ni Master kahit na sinabi niya dati na hindi na kami mga apprentice under niya.

Pinilit kong umupo at sumandal ako sa malaking bato kung saan ako nakaupo kanina habang si Ryleigh ay nakahiga lang sa damuhan.

“Ang liwanag ng langit,” sabi niya kaya naman napatingin ako at tama nga siya. Halos walang ulap at punung-puno ng bituin ang langit.

“Perfect time and weather for them to fly,” dagdag ko dahil bigla kong naisip si Phoebe at Kon. Simula kasi nung pumunta kami rito ay hindi ko pa natatawag si Phoebe at ganun din si Ryleigh kay Kon. Nagkatinginan ulit kami at alam kong pareho kami ng iniisip.

Pumikit ako at inipon ko lahat ng natitirang lakas ko. Sabi ni Master, mas mapapadali raw ang pagtawag at paggamit namin sa isang guardians kung madalas siya sa dimension na ‘to. Maybe I should stop doubting myself and Phoebe when it comes to summoning her. I want her to be free and able to fly in the sky. I want to see her.

“Phoebe, 
sal-ve!
“Kon, sal-ve!”

After calling her name, I almost passed out but I managed to save a little amount of energy. I heard a loud screech coming from above and when I saw Phoebe and Kon, I almost teared up.

“Beautiful,” I whispered. Her blue flames and Kon’s golden scales lighted up the sky.

“I wonder, can we do the half-animal form with them?” tanong ko dahil kung halos gamitin na nila ang buong lakas namin sa pagtawag pa lang sa kanila, paano pa kaya kapag ginamit namin sila sa higher techniques?

“We must,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sa langit kung nasaan sina Phoebe at Kon. “After all, our guardians are our responsibility.”

Tumahimik ulit ang paligid at pinanood ko lang na lumipad sina Phoebe sa langit. Sa tuwing tinitignan ko siya, naaalala ko sina Mama at Papa. O baka dala lang ‘yun ng 
aquainas na nasa pond na malapit sa akin ngayon. Siguro isa rin sa dahilan kung bakit natatakot akong tawagin si Phoebe ay dahil siya ang huling binigay sa akin ng mga magulang ko.

I was brought back to the present when a loud noise, a sound of alarm, filled the whole Hydra and broke its silence. Napatayo kami ni Ryleigh at halata sa expression namin ang pagkalito. May nakita naman kaming guards na nakasuot ng itim na uniform kaya lumapit agad kami sa kanila.

“Ano pong nangyayari?” tanong ko at huminto naman ang isa.

“May Exorcists na nanggugulo ngayon sa Avis village.”

Napatigil ako nung narinig ko ‘yun. No way. Avis village. That’s our home.

“Rei!” Narinig ko ang boses ni Lexi kaya napatingin agad ako sa kanya at kasama niya si Tito Leon.

“Lexi! Tito!”

“Let’s go!”

“Charlie, sal-ve!” sigaw ni Lexi at agad nagmaterialize si Charlie.

“Phoebe—!”

Nagulat naman ako nung biglang tumalon si Tito Leon kay Charlie at sinabi niya ang incantation para bumalik siya sa Spirit Dimension. Nung nawala ang physical form ni Charlie ay sinalo niya si Lexi at nahulog silang pareho sa likod ni Phoebe. Pero ginawa niya rin ‘yun kay Phoebe at makalipas ang ilang segundo ay unti-unti ring nawala si Phoebe.

“Dad! Anong ginagawa mo?!” sigaw ni Lexi nung naglanding sila sa harapan ko.

“You don’t need to summon your flying guardians. You must reserve your strength.”

“Pero paano tayo makakapunta—”

“Largus!”

Napanganga ako nung tinawag ni Tito Leon ang guardian niya dahil ito ang unang beses na gagawin niya ‘to sa harapan namin. Simula nung mga bata pa kami, hindi namin kailanman nakita ang main guardian niya pero ngayong nasa harapan ko na siya, hindi na ako makapagsalita.

“Holy sh—!” Maging si Ryleigh ay hindi makapaniwala sa nakita niya.

Napaatras ako nung biglang nag-roar ang guardian ni Tito Leon.

“C’mon, kids! Wala na tayong oras!” sabay hatak niya sa amin ni Lexi papunta sa likod ng guardian niya. “Largus, 
festina!”

His guardian, a hybrid of different animals, a 
chimera, ran at full speed.


***