.

.

Chapter 22

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 27, 2016

***

Disoriented pa rin ako kahit nasa likod na ako ni Largus, Tito Leon's main guardian which is actually a chimera—a friggin' mythical creature that has the body of a lion, head of a goat and a serpent as its tail. Bukod kay Phoebe at sa guardians ng mga magulang ko, si Largus ang pang-apat na mythical guardian na nakita ko pero kahit na ganun ay nagugulat at naaamaze pa rin ako kapag naiisip kong totoo sila. Lalo pa akong namangha dahil halos kasingbilis niya si Carlos pagdating sa pagtakbo pero natatakot ako sa serpent na nasa likuran lang namin.

"Dad...si Mama..." Nakita ko naman ang worried expression nilang pareho a nag-aalala na rin ako kay Tita Aina dahil siya lang mag-isa ngayon sa bahay nila.

"Don't worry. Your mother is strong. After all, she's the greatest Seer in this generation," sabi ni Tito Leon at pinili kong paniwalaan siya.

Tahimik lang kami at hindi ko alam kung ilang minuto o kung inabot ba ng oras ang pagtakbo ni Largus nung makita namin ang baryo namin. When I saw the familiar landscape, nostalgia hit me and I almost teared up because I really missed this place. But horror replaced my delight when I saw smokes from several houses and the forest.

"Lexine, Reika, pumunta kayo kay Aina. Ako na ang bahala sa Exorcist."

Pagkasabi nun ni Tito Leon ay tumango kami at sabay naming sinamon ni Lexi sina Smith at Carlos. Nung nagmaterialize sila sa harapan namin ay sumakay kami sa likod nila at mabilis kaming pumunta sa bahay nina Lexi.

Tinitignan ko si Lexi nang patago dahil alam kong nag-aalala siya sa Mama niya kaya naman lalo pa naming binilisan. After a few minutes ay natanaw ko na ang bahay nila at agad naming nakita si Tita Aina na nakatayo sa harapan. Napahinto naman kami at sobra akong kinilabutan dahil napakaraming paniki ang umiikot sa itaas ng bahay nila.

"Mama..." Bigla namang tumingin sa amin si Tita Aina at mas natakot pa ako sa kanya dahil kalmado lang siya.

"Stay there, girls." Tumingin naman siya sa itaas kung saan nagkukumpulan ang mga paniki. "Stop this nonsense, Vesper. I know this is your doing."

Bigla naman akong may narinig na tumawa at halos kilabutan ako nung nagsama-sama lahat ng paniki hanggang sa bumaba sila at biglang nagdisperse into spirit particles. After that ay isang babae na ang nasa harapan namin.

"It's been a long time, Seer." Naging seryoso ang mukha ng babae na tinawag ni Tita Aina na Vesper at kinabahan ako dahil nakakatakot ang presence niya. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin.

"Vesper. Stop your games."

"Threatened?" Vesper teased with a sinister smile but Tita Aina remained indifferent.

"Why would I? You're just a second-rate Seer."

Hindi ako nakahinga nang maayos after that dahil sa bumalot na tensyon sa paligid. Nawala ang ngiti ni Vesper at napalitan 'yun ng masamang tingin para kay Tita Aina. Parang lumamig ang paligid at lalo kong naramdamaan na parang may nakatingin nang matalim sa akin.

There was a deafening silence between them while observing and predicting each other's movement and strategies. Suddenly, they both chanted and everything happened so fast.

"Ray, 
augurium!"
"Cero, augurium!"

A large concentration of spirit particles appeared between them and two huge, black birds were formed. Their cries echoed throughout the village that sent chills down my spine, but what frightened me more was the realization that one of the birds was the same crow that kept an eye on me before.

"It's her..." sabi ko at napatingin naman sa akin si Lexi.

"What are you—"

"Remember the crow? 'Yung nasa bahay pa tayo ni Master?" She gasped after I said that and we both eyed the crow. Then I realized, the piercing gaze I felt a awhile ago might be that crow.

"Sabi na nga ba, isang Seer ang nag-oobserve sa atin gaya ni Mama—"

Napatigil kami sa pag-uusap dahil biglang tumingin sa direksyon namin si Vesper at ngumiti siya, dahilan para manlamig ang buong katawan ko.

"Krev!" sigaw niya at lumiwanag ang paligid namin ni Lexi hanggang sa lumabas ulit ang mga paniki na kaninang pumapalibot sa kanya pero this time, kami ang pinalibutan ng mga ito.

Smith and Carlos both roared because the bats are attacking them. Maging kami ay dinumog ng mga paniki at narinig ko ang pagsigaw ni Lexi.

"Charlie! 
Sal-ve!" sigaw niya at nagliwanag ulit ang paligid kaya naman panandaliang lumayo ang mga paniki sa amin.

"Carlos, 
nes-sa!" I ordered and Carlos' physical form disintegrated. Huminga naman ako nang malalim dahil sa desisyon ko. I gathered my strength and called her name. "Phoebe, sal-ve!"

Just like before, summoning her weakened me but this time, she didn't consume all my strength. Her physical form lightened up the surroundings, causing the bats to withdraw. Pareho kaming sumakay ni Lexi kay Charlie at Phoebe at nag-iba ang expression ni Vesper nung makita niya kami. Pagtingin ko kay Tita Aina, ginamit niya ang saglit na oras na 'yun kung kailan nawala ang focus ni Vesper sa kanya, para umatake.

"
Es hyva fe vies diaz. Morien alav sativa chroina il piero mergus. Comvien han!" As Tita Aina chanted, her raven guardian dissolved into spirit particles and surrounded her. After a few seconds, her half-animal form appeared. Her hair was dyed jet-black and feathers dangled on its ends. Her eyes became sharper and brighter and red marks appeared below them. "Ego inperium vos memini tenebrae retinentia!"

As she said the incantation, a web-shaped group of spirit particles formed in front of her and attacked Vesper. She was caught off-guard and when the spirit particles surrounded her, she shrieked with horror as she clutched her head. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Tita Aina pero habang tinitignan ko si Vesper na sumisigaw at halos nagwawala na ay bigla akong naawa sa kanya.

"T-tama na!" iyak niya habang nakaluhod sa lupa. "Huwag!"

"Lexi—!" Itatanong ko sana kay Lexi kung anong nangyayari pero napatigil ako dahil sa horrified expression niya. "Lexi?"

"It's been a long time since she last chanted that incantation," sabi niya habang nakatingin kay Tita Aina mula sa likod ni Charlie.

"W-what is that incantation?" Tumingin siya sa akin at kinabahan ako sa pwede niyang sabihin.

"It's an advanced incantation that lets your enemy remember their most kept and most painful memories. At paulit-ulit iyong magrereplay sa utak mo hangga't hindi nina-nullify ng nag-chant ang incantation. It's also known as one of the 
Seer's Curses."

Magkahalong pagkamangha at takot ang naramdaman ko nung narinig ko 'yun. Mula rito sa itaas ay tinignan ko ulit sina Tita Aina at Vesper sa ibaba at hindi ako makapaniwala na ganito kalakas si Tita Aina. Buong akala ko, lagi lang siyang nasa loob ng shrine nila para makakita ng fragments of future. Hindi ko alam na sobrang lakas at nakakatakot din siya pagdating sa laban.

"Don't worry. Your mother is strong. After all, she's the greatest Seer in this generation."

Kaya pala 'yun nasabi ni Tito Leon kanina. Akala ko ay kino-comfort niya lang kami para huwag kaming mag-alala pero hindi ko akalain na totoo ang sinasabi niya. She is, indeed, a powerful Seer.

"You girls," sabay tingin sa amin ni Tita Aina kaya naging alert ako. "Ako na ang bahala rito. Tatlo ang Exorcist na nandito sa village ngayon. I'm sure Leon's already fighting with one. Do me a favor and find the last one. Don't let them destroy this place."

Pagkasabi nun ni Tita Aina ay tumango kaming dalawa ni Lexi. After seeing her fight, I got motivated, and of course, I want to protect this place. After all, this is our home.

"Charlie."
"Phoebe."

Lumipad sina Charlie at Phoebe palayo sa lugar na 'yun at iniscan naman namin ni Lexi ang paligid. Mukhang nakalikas na lahat ng tao sa baryo kaya naman nakahinga ako nang maluwag, pero ilang bahay ang nakita kong sira at kinain na ng apoy.

"Do you think this has something to do with 
that ancient seal?" seryosong tanong ni Lexi at kanina pa rin naglilinger ang ideyang 'yun sa utak ko.

"Oo. 'Yan din ang naiisip ko. Isa pa, dito nakatira ang Papa mo, na isang Spirit Master." Naaalala ko pa ang sinabi sa amin ni Master nung inatake rin kami ng Exorcists sa gubat. Ang sabi niya, iniisa-isa nila ang Spirit Masters dahil sila ang naging tagapagbantay ng ancient seal seven years ago kaya naman sila ang naging target ng Exorcists.

Naghiwalay kami ni Lexi para mabilis naming mahanap ang isa pang Exorcist dito sa village. Pumunta ako sa eastern side habang siya naman sa western part. Ilang minuto akong nakatingin sa ibaba para hanapin ang target namin pero napatigil ako nung nakita ko ang pamilyar na bahay sa baba ko.

My home.

Pagkakita ko sa bahay namin ay naoverwhelm ako at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Siguro dahil masyado akong occupied at maraming ginagawa nitong mga nakaraang buwan kaya hindi ko masyadong naiisip ang bahay namin pero ngayong nandito ulit ako, narealize ko kung gaano ko namiss ang lugar na 'to.

"Phoebe," utos ko at bumaba kami sa bahay ko. Bumaba rin ako mula sa likod ni Phoebe at nakatayo lang ako sa harapan habang nakatingin sa lugar kung saan ako lumaki.

"So they really have a child."

Laking gulat ko nung bigla akong nakarinig ng boses sa paligid kaya naman hinanap ko kaagad kung saan 'yun galing at lumapit ako kay Phoebe. Tinakpan naman niya ako gamit ang isa niyang pakpak kaya naman napatingin ako sa kanya. With just a simple gesture, I already felt that we became closer.

Nakarinig naman ako ng footsteps at dahil flames ang pakpak ni Phoebe ay nakikita ko pa rin kahit papaano ang paligid. May nakita akong babaeng naglalakad palabas ng bahay at seryoso siyang nakatingin sa akin. Sobrang puti ng balat niya na tila binabad sa gatas at ang itim niyang buhok ay halos umabot na sa balakang niya. Nakasuot siya ng black dress na may slit sa magkabilang gilid kaya naman kitang-kita ang haba ng lower limbs niya.

"Sino ka?" tanong ko at nagulat ako dahil walang bahid ng takot sa boses ko kahit na sa isip ko ay sobrang kinakabahan na ako. Bigla naman siyang ngumiti na naging dahilan kung bakit ako kinilabutan.

"Serena, an Exorcist. 
Clausta relevo," sabi niya at nagliwanag ang right side niya. Pero nagulat ako nung biglang lumitaw si Lexi doon na walang malay habang may nakalingkis sa kanyang ahas.

"Lexi!" sigaw ko pero hindi siya gumagalaw at nanatili siyang walang malay. Tinignan ko nang masama ang babaeng nasa harapan ko. "Anong ginawa mo sa kanya?!"

"Don't worry, you'll be with her now."

Pagkasabi niya nun ay bigla akong nakaramdam ng pagtusok sa bandang batok ko. Agad akong lumingon pero bigla akong nahilo at nanlabo ang paningin ko. Pagtingin ko sa lupa ay may parang may katawan ng ahas akong nakita pero agad ding nawala. Napahawak ako kay Phoebe pero dahil unti-unti na akong nanghihina ay unti-unti na ring nawawala ang physical form niya.

"Phoebe..."

I heard her screech before she dissolved into spirit particles while I collapsed on the ground. My senses started to fade away but I still saw the woman walking towards me. I felt something coiling around me and I know that its the same snake that bit me.

"Bring those girls, Boa," rinig kong sabi ng babae sa ahas na nakapalibot sa akin. "They might have the ancient seal because of their parents. Let's go back to Inferna. Ignus is waiting for us."

And those were the last words I heard before I lose my consciousness.


***