.

.

Chapter 25

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, June 5, 2016

***


Kai signum resolvia zer amus termini! Cies notas pervum kai!

Napasigaw ako dahil biglang nag-init ang parte kung saan siya nakahawak. It feels like something is burning inside me. Something powerful. Something terrifying.

“This is not yet the right time, Reika.”

Once again, I heard that voice. I closed my eyes and found myself in the middle of en empty white room. Is this a dream? A hallucination?

“Who are you?” tanong ko at naglakad papunta sa gitna.
“It’s not yet the right time. Stop her, Reika, or you’ll die.”
“Where are you? Bakit? Anong mangyayari?” I scanned the whole room but nobody’s here except me.
“Trust me.”
“How can I trust you if you can’t even show yourself? Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nilagyan ng Limiter seal? Sila Mama at Papa ba ang naglagay nito?”

Ang daming tanong sa isip ko nung sinabi ni Astrid ‘yun. Mas lalo pa akong naguluhan dahil may possibility na ang parents ko ang naglagay sa akin. Bakit nila ako lalagyan ng ganun? May tinatago ba akong lakas? Am I too powerful? But that’s impossible.

Suddenly, a swarm of spirit particles surrounded me.

“I can’t show myself yet, Reika. Yes, your parents, Kass and Ramon, put that seal to protect you. They sacrificed their lives for your sake. That’s why stop releasing the seal or your parents’ sacrifice will be in vain.”

Napahinto ako nung narinig ko ‘yun at bigla kong naalala ang huling beses na nakita ko sina Mama at Papa. Their warm smiles while telling me a happy birthday. Their warm hugs.

“Reika...”

I opened my eyes and the pain returned. But this time, lumayo ako kay Astrid kahit na sobrang sakit na ng likod at balikat ko.

“—
comvien relivus—!”

Bumagsak ako sa sahig habang hawak ang balikat ko. Pinipigilan kong sumigaw pero hindi ko kaya dahil parang nasusunog ang loob ng katawan ko.

“Reika!” Nakita kong lumuhod sina Master at Ryleigh para alalayan ako.

“I was halfway through releasing the seal. Why did you do that?” tanong ni Astrid at nakita kong parang napaso ang kamay niya dahil sa sobrang pula.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya.

“I-it’s not...yet the...right time...”
“What do you mean?”
“I just know that...that...it’s not yet the time...to undo the seal...”

They shared confused looks but I decided not to tell them about the voice I’ve heard. Something’s telling me that I need to keep that a secret.

“I-I’m sorry...about your...hand...” sabi ko at napatingin silang lahat sa kamay ni Astrid.

“Maybe you’re right,” sabi niya. “Ngayon na lang ulit nagkaganito ang kamay ko after activating or releasing a seal. The more powerful the seal is, the more my body will take a damage.”

Tumingin siya kina Master at Gavin at inalalayan naman ako ni Ryleigh. Sinuot niya rin sa akin ang jacket niya dahil nanginginig ang buong katawan ko.

“Take her to my room,” sabi ni Astrid kay Ryleigh at agad naman niya akong binuhat. “Gavin, Ariah, let’s talk outside,” saka sila lumabas sa library.

“Hang in there,” rinig kong bulong ni Ryleigh habang nagmamadali siyang pumunta sa pintuan sa harapan namin.

Pagpasok namin ay agad siyang napahinto dahil imbes na kama ang maabutan namin ay isang bathtub ang nandoon sa gitna. Then I saw some aquainas swimming in it. Right. They have healing abilities.

Nilagay niya ako roon at unti-unting nawala ang init sa loob ng katawan ko. Nakita ko ring may mga lumilipad na domusaes at nagsaboy sila ng violet powder na nagstay lang mid-air. Hindi ko alam kung ano ‘yun pero unti-unting naging kalmado ang paghinga ko. Pero kasabay nun ay unti-unti ring bumigat ang mga talukap ko. I almost forgot that besides their healing abilities, aquainas can put you into sleep and trigger emotional memories.

And because of them, I fell in a deep sleep.

***

“Run away. You need to save yourself.”
“No. I am your knight and I will stay by your side.”

Hindi ko alam kung nasaan ako pero sinundan ko ang pinanggagalingan ng mga boses na naririnig ko. Napahinto ako nung nakita ko ang nag-uusap pero hindi ko sila masyadong maaninag. Hindi ko sila makita nang maayos.

“Please. I am bound to be alone for eternity. I won’t let you suffer the same fate.”
“And I am bound to be your protector. I won’t let you suffer alone so please, take me with you.”
“Don’t do this. Please.” Kahit hindi ko nakikita ay alam kong umiiyak na ang babae at ramdam na ramdam ko ang sakit sa mga salitang binitiwan niya.
“Let me stay by your side. Let me share the curse you’re carrying alone.”

Even though it’s blurry, I saw them kissing in their silhouettes. I don’t know who they are or why am I here but I can feel their deep bond and trust with each other. I was expecting a happy ending but suddenly, the whole place was engulfed by fire. No, not just this place.

But the whole world.

“Reika!”

Napabangon ako at nakita ko si Lexi na nakatingin sa akin. Pagtingin ko sa paligid, nasa kwarto ko na ako. Bigla namang yumakap sa akin si Lexi kaya napahiga ulit ako sa kama.

“Reika!” iyak niya. “Thank God gising ka na! Akala ko hindi ka na gigising!” Tinapik ko naman siya para pakalmahin at dahil hindi na ako makahinga.

“C-can’t breathe, Lexi.” Tinanggal niya kaagad ang pagkakayakap niya at nagpout sa harapan ko. “Ilang araw na ba akong tulog?”

“Two and a half days!” sabay palo niya sa braso ko. “Akala ko pa man din, ikaw ang sasalubong sa akin paggising ko after ng encounter natin sa Serena na ‘yun pero nalaman ko na lang na muntik ka nang mamatay.”

“At least, I’m still alive—ouch!” Nilakasan niya ang palo sa braso ko at tumingin siya nang masama sa akin.

“Magjoke ka pa ng ganyan at hindi lang ‘yan ang aabutin mo.”

“She’s really worried about you, Reika.”

“We told her to get some sleep but she’s a stubborn one.”

Napatingin naman ako sa gilid at napakunot ang noo ko nung nakita ko si Yano at Ryleigh na nakaupo sa couch. Sumimangot naman si Lexi at sinamaan sila ng tingin.

“You four.” Napatayo naman silang tatlo at bumangon ako nung biglang bumukas ang pinto. Pagtingin namin, nasa pintuan si Adrielle. “I mean, you three,” sabay turo niya kina Lexi, Yano at Ryleigh. “Come with me.”

Nagkatinginan kaming apat pero wala silang nagawa kundi sumunod kay Adrielle.

“And you,” sabay turo naman niya sa akin. “Wait here. Someone’s gonna fetch you.”
“Y-yes, Ma’am.”

Tuluyan na silang umalis at naiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Napabuntong-hininga ako dahil ngayon ko lang narealize na ang dami nang nangyari. Without a thought, I reached for my back and I felt a tingling sensation. This seal...I wonder why my parents put it to me? That voice said they sacrificed their lives in order to save me.

Buong akala ko, namatay sila dahil sa Great Havoc. Bakit niya sinabi ‘yun? At kung totoo man ‘yun...

Pinunasan ko ang pisngi ko dahil tuluy-tuloy nang tumulo ang mga luha ko. I miss them. I miss them so much.

“Jerry, 
sal-ve.” Jerry materialized beside me and when he completely appeared, I hugged him. He licked my face and that made me cry more.

“Crying won’t make you strong.” Nagulat naman ako nung narinig ko ‘yun at pagtingin ko, nakasandal sa pinto si Henric. “But it doesn’t make you weak, either.”

Pinunasan ko kaagad ang luha ko at kinalma ang sarili ko.

“Let’s go. The Divine General is waiting for you.”

Pagkasabi niya nun ay naglakad siya palabas kaya naman pinabalik ko kaagad si Jerry sa spirit dimension at sumunod sa kanya. Kinailangan ko pang tumakbo para maabutan ko siya at nung sabay na kaming naglalakad ay doon ko lang nahabol ang hininga ko.

“S-si Divine General?” tanong ko naman dahil baka nagkamali lang ako ng rinig kanina but I doubt it.

“Yes. Are you scared?” sabay tingin niya sa akin at napayuko naman ako. I want to say no but I’m just lying to myself.

“Of course. He’s the Divine General. And I’m afraid of what I’ll hear from him.”

“Don’t be,” biglang sabi niya at tumingin na ulit siya sa harapan. “He might look cruel but he’s the kind of person who will save everyone even if his life is at stake.”

This is the first time I saw his expression this warm. Maybe he’s speaking from a personal point of view. I don’t want to ask him because we’re not that close.

Napansin ko naman na hindi kami sa Great Hall papunta kundi sa room ni Astrid. Magtatanong na sana ako pero bigla niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob.

“She’s here, Divine General,” sabay yuko niya kaya napayuko rin ako. After that ay pumunta siya sa gilid at narealize kong nandoon din si Astrid at Master.

“Reika.”

Nagflinch ako nung tinawag ni Divine General ang pangalan ko. It’s like the words coming out of his mouth also possess powers and enchantment.

“Yes, Sir?”

Tumingin naman siya sa isang malaking libro na nasa lamesa. He carefully flipped the pages and stopped after some time. He looked at me and urged me to come closer.

“I think it’s time for you to know what happened to your parents and your fate,” sabi niya kaya natigilan ako. “Because four days from now, an army of Exorcists will march through the villages and the Capital.”

My whole body got goosebumps after hearing that and I suddenly remembered Tita Aina’s prophecy.

Where the havoc has ended,
Another will be started;

Another havoc is coming.
And it's coming really fast.


***