***

“Gising na, gising na!”

Halos mabingi ako sa tunog ng...bell ba ‘yun? Dumilat ako at nakita kong nasa gilid ng kama namin si Master habang hawak niya ‘yung bell at nakatapat sa mga tenga namin.

“C’mon! Tayo na dyan!”

Teka, kailan kami natulog? Sa huling pagkakatanda ko, tinatawag namin ‘yung guardians namin at...wait. Nawalan ba kami ng malay after that?

“Magiisa’t kalahating araw na kayong tulog dyan. Siguro naman bumalik na ang lakas ng katawan niyo. And you girls should take a bath. You smell,” sabay crinkle ni Master sa ilong niya at lumabas sa kwarto namin.

Nagkatinginan kami ni Lexi at natawa na lang kami sa nangyari. Sabagay, ramdam na ramdam ko ‘yung panlalagkit ng katawan ko dahil sa natuyong pawis. Kadiri.

Nag-unahan kami ni Lexi sa banyo…pero bigla kaming hinarang ni Master nung palabas na kami ng kwarto. Napasigaw pa ako dahil nagulat ako sa kanya. Paano ba naman, pagbukas ko ng pinto, mukha niya ‘yung sumalubong sa amin.

“Nope. Hindi kayo sa banyo maliligo. Labas.”

Pagkasabi niya nun ay mukhang alam ko na kung saan niya kami paliliguin.
Lumabas kami sa bahay at ang tanging nakikita lang naman dito ay ‘yung mapunong paligid...at ‘yung lake sa harapan.

“W-wait Master, you mean, dyan kami maliligo?” sabay turo ni Lexi sa lake.

“Of course. Hindi ba kayo naliligo sa lawa o sa ilog doon sa baryo natin?”

Naliligo naman kami pero that was when we were still kids! At sinong maliligo kasabay ang isang higanteng pagong? Yes. Kasalukuyang nasa lake ngayon si Tortos.

“And besides, that lake is inhabited with
aquainas or water guardians that possess healing properties. Mas gagaan ang pakiramdam niyo kapag dyan kayo naligo.”

Dahil hindi kami gumagalaw ni Lexi ay narinig kong naggrunt si Master. Tapos bigla na lang kaming lumutang sa ere. Pagtingin ko sa taas, dinagit na pala kami ni Lily...at nilaglag niya kami sa lake. First time kong makaexperience ng kalapati na nandadagit!

Umangat agad ako sa tubig dahil ang lalim ng pinagbagsakan namin. Pero naging kakaiba ‘yung pakiramdam ko. Sumilip ako sa baba at pagtingin ko...

“Holy sh—!”

“Bakit? Bakit? Bakit? Anong meron?!” Nagpanic si Lexi habang kakaahon niya lang at tinuro ko sa kanya ‘yung tubig.

“Yes, girls! Those are the
aquainas. Matagal na silang nakatira sa lawang ‘yan,” sigaw naman ni Master sa amin.

Mula sa ilalim ng lake ay may mga tiny creature na parang nagmemerge sa tubig. Kasinlaki lang siguro sila ng kamay ko. They are like water fairies, pero ang kaibahan, wala silang pakpak at transparent sila. They have full black eyes, unlike sa atin na may white area, and their hair are like the ripples of the water.

Pumalibot sila sa amin at parang may miniature whirlpool na lumitaw around us. Then unti-unting gumagaan ‘yung pakiramdam ko. The exhaustion is fading away...and I just want to drift away...

“Careful! Aside from their healing abilities, they can also put you into sleep!”

Pagkarinig na pagkarinig ko nun ay nagising ‘yung diwa ko. Kaya pala feeling ko para akong hinehele ng tubig! Nakita ko pang nagsnicker ‘yung isang water guardian. Hinampas ko si Lexi sa likod dahil nakapikit na siya.

“Aray! Ang sakit nun ha! My gosh! Pano kung lumabas ‘yung baga ko, Rei?!”

“Then don’t sleep! Hahambalusin ulit kita kapag pumikit ka!”

After ng kalahating oras ay pinaahon na kami ni Master at pinapunta na niya kami sa banyo. Pagpunta ko doon sa loob, ininspect ko pa ‘yung tubig na dumadaloy sa gripo kung may lalabas na
aquainas. I don’t want to bathe with them at baka matagpuan ko na lang ang sarili ko na natutulog sa bowl. Fortunately, wala.

Sobrang gaan ng pakiramdam at katawan ko pagkalabas ko ng banyo. Si Lexi naman, nagsusuklay na ng buhok niya sa kwarto namin at mukhang maganda rin ang ligo niya dahil naghuhum siya.

“Cinontact mo ba sina Tita?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa salamin.

“Oo. As usual, busy si Mama sa pagtingin sa future though hindi niya na sinasabi sa akin ‘yung mga nakikita niya after...after that prophecy.”

Natahimik kami nung mabanggit ‘yun. Lexi’s mom, Tita Aina, is a seer and she can see bits of events in the future. Last time, aksidente niyang nasabi ang isang prophecy sa amin. I don’t know what our roles are pero nagdesisyon si Lexi na pumunta kami rito sa Capital. Then after that, lagi nang  nasa altar nila si Tita Aina, sabi ni Lexi, at hindi niya sinasabi sa kahit sino sa amin ‘yung mga nakikita niya dahil kapag may prophecy, ibig sabihin ay may panganib rin na paparating.

“Girls! Come here!”

Narinig na naman namin ‘yung sigaw ni Master mula sa labas kaya mabilis kaming nag-ayos at tumakbo papunta doon.

“Ngayong maayos na ang katawan niyo, let’s start the training. Call one of your guardians.”

Nagtinginan kami ni Lexi at alam kong pareho kami ng naisip. We should call Jerry and Charlie since they only consume little of our stamina.

“Jerry,
sal-ve!
“Charlie, sal-ve!

Agad na nagform sa harap namin ‘yung spirit particles at lumabas sina Jerry at Charlie. As usual, excited na naman si Jerry at nagtatakbo siya sa paligid namin, habang si Charlie ay nasa ibabaw lang namin at para akong tatangayin sa lakas ng paghampas ng pakpak niya.

“First, you must maintain your guardian for a long period of time. Kapag lumalaban kayo, hindi niyo alam kung hanggang kailan ang itatagal. Your guardians should stay in the real dimension as long as possible...like him,” sabay turo ni Master kay Tortos na nasa lake pa rin.

Hindi ko nga alam kung paano nakakatagal si Tortos sa real dimension eh.
Ang alam ko, kinoconsume ng spirit guardians ang stamina ng Divian kapag sinusummon sila. At isa pa, sobrang laki ni Tortos kaya for sure ay maraming spirit particles ang bumubuo sa kanya. Tapos kaya niya ring pagsabaying isummon si Tortos at si Lily without even breaking a sweat, na parehong binubuo ng large number of spirit particles. Does that mean, sobrang taas ng stamina ni Master?

“For sure you girls are wondering how can Tortos and Lily stay here for a long period of time, and ako hindi man lang naaapektuhan.”

Spot on. Napatango kami ni Lexi sa kanya.

“That’s because hindi lang stamina ko ang nacoconsume nila. After all, we are always surrounded by spirit energies. Guardians can use them to stay longer. Pero syempre, kailangan muna nilang maramdaman ‘yun. Sanay ang guardians sa spirit dimension kaya hindi nila nadidistinguish ang spirit energies sa paligid from themselves. Pero kapag nasanay na sila sa atmosphere at surroundings nila dito sa Earth, unti-unti nilang matututunang gamitin ang spirit energies sa paligid. That means kailangan niyong sanayin ang guardians niyo. Kaya, araw-araw niyo silang isusummon.”

Araw-araw.

Pagkarinig ko nun ay parang nagbuzz ‘yung tenga ko. Kung hindi pa sila sanay sa spirit energies, ibig sabihin, stamina pa rin namin ang gagamitin nila for now. And that’ll happen...everyday?

“Tortos.”

Pagkasabi nun ni Master ay bigla na lang nagdisintegrate si Tortos into spirit particles at nawala na siya. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako kapag ginagawa niya ‘yun.
Hindi na niya sinasabi ‘yung incantation kapag pinapabalik niya sa spirit dimension ‘yung guardians niya.

“And of course, you can learn that too. Pero bago ‘yun ay kailangan niyo munang sanayin ang guardians niyo. Do you see where is this going?” then she smirked at us.

“Oh my God. Teka lang Master!” tapos nag-stop gesture pa si Lexi sa kamay niya. “D-does that mean, araw-araw mauubos ang energy at stamina namin sa para sa pagstay ng guardians namin dito...then, araw-araw din kaming maliligo sa lake para gumaling?”

“You got it! Exciting ‘di ba?”

Nagkatinginan kami ni Lexi at kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang gusto niyang iparating:
‘She’s crazy.’

“And while you’re at it, i-train niyo na rin ang guardians niyo to fight. They are your partners kaya dapat ay iisa lang kayo kapag kumilos o lumaban.”

Tinignan ko si Jerry na nagpapaikot-ikot kay Lily habang tumatakbo. How can I make him calm down? At paano ko siya magiging partner kung ganito siya lagi ka-high?

I guess this will not really work out for me.


***