.

.

Chapter 31

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, August 29, 2016

***


Nakabalik ako sa Divine Camp at kinalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong makita nila akong wala sa sarili. I went to our cabin and saw Ryleigh sitting on the bed. We looked at each other, as if we know what we need to do. We need to go to the Capital.

"Let's go," we simultaneously said.

Agad akong nag-ayos at kumuha ako ng supplies na nasa loob ng cabin. Kung lalakarin namin hanggang sa Capital ay aabutin kami ng ilang oras, pero ngayong may kaguluhan na sa paligid ay mukhang aabutin pa kami ng kalahati hanggang isang araw. I packed a few bottled water and food, spare clothes and a knife. After that, we both quietly left the cabin and headed to the forest.

Noong nasa gubat na kami ay agad naming nakita ang ilang 
silvanias, at para hindi sila matakot ay iniwasan namin sila. Mahirap na. They can produce earthquakes if they feel threatened and we really don't want that right now.

"By the way," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "I owe you one."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nauna siya sa akin sa paglalakad. Wait. Is that his way of saying thank you for what I did to him? Oh well.

Nakarating kami sa pusod ng gubat kung saan malayo na ang Divine Camp. Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla na lang lumindol kaya napahawak agad ako sa punong katabi ko. I think the earthquakes will be constant from now on because of the 
silvanias and the threat brought by the Exorcists.

"The sun's setting down," sabi niya at doon ko lang napansin na dumidilim na pala. Hindi pa man din kami nakakalayo ay kailangan na naming huminto sa paglalakad. "Maghanap na lang muna tayo ng pwedeng pagpalipasan ng gabi."

Naglakad kami papunta sa isang burol na napapaligiran ng puno at may kwebang nabuo sa ilalim. Pumasok kami sa loob at agad akong umupo dahil sa pagod. He easily made a fire using our resources and settled down our things. I guess we really need to rest first since I don't think I can continue walking with my fatigue.

Hindi ko alam kung bakit sobrang pagod ako ngayon. Wala naman akong ginawa maliban sa pagkarinig ko kanina sa mga Exorcist.

"Are you okay? You look pale." Napatingin ako kay Ryleigh at nagliwanag ang mukha niya dahil sa apoy.
"Y-yeah. I guess."

Sumandal ako sa malaking bato sa loob para makapagpahinga, pero hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako.

***

"Reika . . ."
 That voice.
"Where are you?"
"You shouldn't have look into his eyes."
"Whose eyes?"
"Ignus."

After the voice said that name, the image of a middle-aged guy that I saw earlier came to view. But this time, he's not looking at me. There's someone in front of me, but I can't see her because of the blinding light.

"I finally found you, Princess," sabi ni Ignus.

Princess? Is she talking about the girl who's in front of me? The voice that invades my mind?

"Where is the seal? Give it to me before I destroy this world," he said with authority and I flinched by the intensity of his words.

"I won't allow you to destroy it again. What happened before was enough."

Hindi ko alam pero kapag naririnig ko ang boses ng babae ay laging gumagaan ang pakiramdam ko. It feels like she's looking after me. She's always beside me. I wonder who she is . . .

"Just because some of your precious Spirit Masters casted a cursed spell on me doesn't mean I can't do that. How about you, Princess? What can you do? Nothing—!"

All of a sudden, a burst of spirit particles appeared. Ignus was blinded by it, grunting and moving backward to avoid the massive explosion of light.

"Don't speak ill of them. It's precisely because of them that you can't even use your full power. They have sacrificed their lives to stop you from your evil deeds, and I won't allow their death to be in vain."

"D-damn you! Wait until I get the seal from you. I'll kill you and your vessel!"

Natahimik naman bigla ang babae at nakita kong gumalaw ang ulo niya papunta sa direksyon ko, pero itinigil niya 'yon at humarap ulit kay Ignus.

"So you have found her."
"She may not look like you, but she has the same aura as you."

Bigla naman siyang tumawa at sumilip ako sa direksyon niya ay nakita ko ang apoy na nakapaligid sa kanya. No, it's not just him. The fire has engulfed the Capital . . . the whole world.

"Now I know why I can't find the seal for the last two decades. It wasn't in the Capital in the first place. What a way to trick me, Princess."

'Reika, you need to wake up. Don't let his words confuse you.' 
Napatingin ako sa likod ng babae at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakarinig sa boses niya.

'But . . .'
'I don't want him to see you here.'
'Then . . . am I really . . .'

After seeing Ignus in flesh a while ago, I felt something different. It seems like he knows me and the terror I felt was familiar. And based from their conversation, the vessel they are talking about . . .

'Reika. Please.'
'Then promise me that you will answer all my questions when I wake up.'
'I promise.'

Huminga ako nang malalim at pinilit kong magising pero nung nagsalita ulit si Ignus ay napatigil ako.

"I'll find your vessel and will kill her in front of you. Just like what I did to your puny servants. What are their names? Ah. I remember . . ."

Huminto ang lahat sa paligid ko, pati na ang paghinga ko matapos kong marinig ang sinabi niya.

". . . Ramon and Kass."

***

Nagising ako bigla habang hinahabol ang hininga ko. I was so disoriented that I can't see anything. There's only darkness. It's cold. Where am I?

"Reika!"

Suddenly, my vision returned, but when I heard a crackling sound and saw the fire beside me, my body started to convulse. Is he here? Ignus? Did he come to kill me?

"Hey, calm down."
"No. No. Don't touch me!"
"Reika."
"No!"
"Reika!" Bigla ko namang naramdaman na may humawak sa mukha ko. "Look at me." Pagtingin ko, mukha ni Ryleigh ang nakita ko.
"R-Ryleigh . . ."
"Calm down. Breathe slowly. Relax your muscles."

Slowly, I followed his words and I managed to keep myself from shaking. Doon ko lang naramdaman na halos maligo na ako sa pawis at hindi na rin ako makapagsalita dahil sa uhaw. Binigyan niya ako ng isang bote ng tubig at matapos kong uminom ay umayos ako ng upo.

"Okay ka na ba?"
"Y-yeah. Thanks."
"Anong nangyari?"
"I had a nightmare."

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero ikinuwento ko sa kanya ang nangyari bago kami umalis at ang mga nakita ko sa panaginip ko, except the fact that the girl spoke to me directly.

"You mean you saw Ignus? Kanina? Pati sa panaginip mo?"

Tumango ako at hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Naalala ko ang huling linyang sinabi niya bago ako tuluyang magising at parang tinutusok ang puso ko dahil paulit-ulit 'yong tumatakbo sa isip ko.

He killed my parents, and it's because of that immortality seal. Now I understand what the Divine General means when he said that I should be ready to hear the truth. But why them? And what's the real deal between me and that immortality seal? I want to know the truth but I don't have any idea how.

"The prophecy," biglang sabi ni Ryleigh at tumingin siya sa akin. "Do you think—! Are you crying?"
"I'm not!" sigaw ko at humarap ako sa kabilang side habang pinupunusan ang luha sa pisngi ko.

Tumahimik lang siya at tumalikod din sa akin. Ilang minuto kaming hindi nag-usap dahil doon pero nawala rin ang tension nang bigla na lang lumindol ng sobrang lakas. Na-out of balance ako pero nahatak niya agad ako papunta sa malaking bato. Kumapit kaming pareho doon at noong saglit na tumigil ang pagyanig ay ginamit namin 'yon para kunin ang mga gamit namin at umalis mula roon. Pagkaalis na pagkaalis namin ay gumuho ang lupa sa itaas at natabunan ang kweba kung saan kami nagtatago kanina.

Tumakbo kami palayo pero nanghihina pa rin ako at parang lalo pang sumama ang pakiramdam ko. Bakit ngayon pa?!

"W-wait . . ."
"Shit!"

Tuluyan nang nawalan ng lakas ang mga binti at tuhod ko. I thought I would fall on the ground but my body fell on his arms. My vision became blurry and I don't really know what the heck is happening to me.

"Sobrang init mo," sabi niya habang nakahawak sa noo ko. "This isn't normal."

Pagkasabi niya no'n ay agad niya akong kinarga sa likod niya. Kumapit agad ako at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko. It feels like my inside is burning. I just drank water earlier but my throat felt dry again.

"Reika."

Ah. It's her.

"T-tell m-me . . ."
"What? Anong sinabi mo?" tanong ni Ryleigh pero hindi na ako nakapagsalita. All I wanted is to hear her voice.
"This is bad. The Limiter is breaking at a faster rate. Go to the Capital and look for the Book of Prophecies. You will find your answer there."
"B-book of Prophecies . . ."
"Yes. This is the right time for you to know the truth, or the world will turn into hell."
"H-hell . . ."
"Come, Reika. Come and unleash your power."


***