.

.

Chapter 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, February 2, 2015


***

“Gising!”

Naramdaman ko ‘yung paghampas ni Lexi sa mukha ko kaya dumilat ako.
Hindi ko napansin na nakapikit na pala ako at nagddrift na ‘yung isip ko. Nandito kami sa lake at pinapatulog na naman kami ng aquainas.

Halos wala na akong lakas para magsalita pa kaya siguro madali akong naapektuhan ng sleeping magic ng aquinas. Nakaya kong panatilihin si Jerry for two hours at after that ay nagcollapse na ako. Si Lexi naman, mga two and a half hours ang itinagal niya. Kahit hindi ko na nasabi ‘yung incantation ay nawala na lang bigla si Jerry dahil hindi na kayang isustain ng stamina ko ang presence niya, same as Charlie. At gaya ng nangyari kanina, dinagit kami ni Lily at hinulog niya kami sa lake.

Great. Wala na akong ginawa kundi ang magcollapse at mahulog. Nice training.

“Girls, after an hour, ‘yung second guardian niyo naman ang i-summon niyo. Kailangan maging balanced ang experience ng guardians niyo.”

Kahit medyo malapit sa amin si Master, feeling ko ang layo na ng boses niya...bakit...

Stop! God. Naaapektuhan na naman ako ng magic ng
aquainas. At feeling ko ay pinagtatawanan nila ako dahil ang dali kong maapektuhan ng sleeping magic nila. I need to focus.

Napatingin ako kay Tortos. Nasa gitna siya ng lake habang kami ay medyo nasa gilid lang.
Pero kahit na medyo malayo siya sa amin ay naaamaze pa rin ako sa size niya. Sabi rin ni Master, tortoise daw siya at hindi turtle, though hindi ko masyadong alam ang kaibahan nila.

Then all of a sudden, biglang lumindol. Okay, not really. Bigla kasing gumalaw si Tortos at may sound siyang napoproduce, causing the water to vibrate. Nagsilayuan din ‘yung aquainas sa amin as if nasesense nila na may mangyayaring masama.

“Tsk. He’s here. Lily, get them.”

Kinuha kami ni Lily mula sa lake at naglanding kami sa tabi ni Master na naging seryoso bigla ang expression. Bigla akong kinilabutan. Ngayon ko nafeel ‘yung lakas ng presence ni Master.

Narinig ko ulit ‘yung ingay sa lake at muntik na akong mapasigaw nung may nakita akong...balyena doon. Nagpapalitan sila ng atake ni Tortos at hindi na maprocess ng utak ko ‘yung nangyayari. Bakit biglang may lumitaw na whale sa lake?

“They are playmates, if that’s what you want to ask, girls.”

Nagulat ako nung bigla akong may narinig na boses. Hinanap ko kung saan ‘yun nanggaling at may nakita akong lalaki na nakatayo sa tuktok ng puno...at bigla siyang tumalon pababa.

“Ano na namang kailangan mo?
Kung ipipilit mo pa rin ‘yung—”

“No. Hindi ‘yun ang ipinunta ko.”

Natahimik bigla si Master at naalala ko kung saan ko nakita ‘tong lalaking ‘to. Siya ‘yung tumulong sa amin para makababa doon sa barrier. Ano ngang pangalan niya? Gaban? Gabon?

“Gavin,” sabi ni Lexi na mukhang naalala niya rin ‘yung lalaki. Oh. Gavin pala.

“Hmm. So naisipan mo na palang magkaroon ng apprentices,” sabay ngiti ni Gavin kay Master.

“Pinilit lang ako ni Leon.”

“I see. Pwede ba tayong mag-usap ng tayo lang?”

“Tsk. Fine.”

Naglakad sila papunta doon sa bahay pero huminto si Gavin at tumingin siya sa amin.

“Nandito rin ang mga estudyante ko. I hope you get along,” saka siya nagsmile at tumuloy sa loob.

Nagkatinginan kami ni Lexi at pareho kaming confused. Then napatingin siya sa lake at kumunot ‘yung noo niya.

“Sinong normal na tao ang mag-aakalang naglalaro ang dalawang ‘to? Unless death game ang nilalaro nila.”

Tinignan ko rin si Tortos at ‘yung whale. Actually hindi ko alam kung paanong nagkasya ang dalawang higanteng guardians sa lake na ‘to. Parang may tidal wave tuloy na nabubuo dahil sa paggalaw nila kaya lumayo kami ni Lexi. At kahit hindi ko naiintindihan ang language ng
aquainas, for sure ay naiinis sila ngayon dahil sa nangyayari. After all, calm body of water ang lake at ayaw nilang nagkakaroon ng disturbances dito.

“Ipagpatuloy na lang natin ‘yung training, Rei. Tutal nakapagpahinga na tayo at nareplenish na ‘yung stamina natin,” sabi ni Lexi.

“Okay.”

“Smith,
sal-ve!

“Carlos,
sal-ve!

Smith the white stallion and Carlos the cheetah materialized in front of us. Ang nakakagulat, hindi masyadong naubos ang stamina ko sa pagtawag sa kanya. Dati, si Jerry lang ang kaya kong tawagin ng hindi napapagod. Si Carlos kasi, i-summon ko pa lang, wala na akong lakas pagkatapos, pero ngayon, mukhang kaya ko pa siyang i-handle. Sabagay, nagawa ko ngang tawagin nang sabay-sabay ‘yung tatlo kong guardians...

Tatlo.

I guess calling Phoebe will totally deplete my stamina. Isang beses ko pa lang siyang natatawag at during the marking pa. For sure hindi ko pa siya kayang i-control talaga. Kailangan nandito si Master kapag tatawagin ko siya para kung sakaling maging berserk siya ay magagawang pakalmahin ni Master.

“Bob,
sal-ve.
“Jack, sal-ve.

Bigla kaming napalingon ni Lexi sa boses na narinig namin at biglang may nagmaterialize na brown bear at jaguar sa harapan namin.

“Smith,
so-hai!
“Carlos, so-hai!

Parehong lumapit sa amin ‘yung guardians namin.
Sumakay si Lexi sa likod ni Smith at ganun din ako kay Carlos. Buti na lang at under control ko itong si Carlos dahil nakakatakot sumakay sa likod ng isang cheetah. Napatingin ako doon sa jaguar sa harap namin. I know the differences between jaguar, cheetah and leopard. Inaral ko talaga sila dahil nung first time kong tawagin si Carlos ay napagkamalan ko siyang leopard at parang naintindihan niya ‘yun kaya muntik na niya akong maging hapunan. Kaya ngayon, isang tingin pa lang, alam ko na kung anong pinagkaiba ng tatlo. And I’m pretty sure na jaguar ang nasa harap namin. Tapos nakaka-intimidate pa ‘yung brown bear. Ang laki niya kasi at nagroroar siya sa amin.

“There!” sabay turo ni Lexi sa may mga puno. Pagtingin ko, may dalawang lalaking lumabas doon. Pareho silang may sword sa bewang nila kaya mas lalo akong kinabahan. Wala kaming background ni Lexi sa frontal attack. Ang alam lang namin ay magsurvive sa wildlife dahil kay Tito Leon. Pero kung gusto naming magsurvive ngayon, kailangan naming lumaban.

“Lexi, the jaguar is yours,” sabi ko kay Lexi at tumango naman siya.

Bigla namang sumipol ‘yung isang lalaki. Nakasalamin siya kaya medyo weird siya para sa akin. Ang tingin ko kasi sa mga nakasalamin, reserved at kalmado. Kumbaga, cool lang. But not him. Idagdag pa na may sword siya. Glasses and swords? Definitely not a fit.

“Nice one, Miss. Sensitive si Jack sa identity niya kaya ‘yung mga nagkakamali ay nagiging pagkain niya.”

Yeah. I experienced that firsthand
. Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

“How can you distinguish them? Pare-pareho lang naman sila,” sabi naman nung isang lalaki habang kausap niya ‘yung nakasalamin. Ito namang isang ‘to, he looks like a troublemaker.

“Ryleigh, usong mag-aral at magbasa,” sagot nung nakasalamin.

“Says Yano, the nerd. Yeah right.”

“Uhm, excuse me? Mawalang-galang na pero sino ba kayo?” biglang sabi ni Lexi na mukhang iritado na pero nakatingin lang siya doon sa nakasalamin.

“Oh sorry,” sabi nung nakasalamin habang inayos niya ‘yung salamin niya at ‘yung isa naman ay ngumiti lang. “We’re the apprentices of Sir Gavin.”

Then naalala ko ‘yung sinabi ni Gavin kanina. So ito ‘yung mga estudyante niya?

“Eh bakit niyo sinummon ‘yung spirit guardians niyo na parang aatake kayo?” tanong ko na medyo naiirita dahil natakot lang ako sa wala.

“Oh c’mon! Syempre mas magandang bumati kapag kasama mo ang guardian mo,”sabay tawa nung mukhang troublemaker at lalo lang akong nainis.

“Pagpasensyahan niyo na siya. He’s always like that,” tapos napabutung-hininga na lang ‘yung nakasalamin na parang sanay na siya sa kilos ng kasama niya.

After that ay pinabalik na nila sa spirit dimension ‘yung guardians nila at kami naman ni Lexi ay bumaba sa guardians namin. Tumakbo sina Smith at Carlos sa opposite side kaya naiwan kaming apat sa gitna.

“I’m Yano,” sabi nung nakasalamin.
“Ryleigh,” sabi naman nung isa.
“Lexi.”
“Reika.”
“Sorry about earlier,” dagdag ni Yano.

Tumahimik kami after naming magpakilala. Ang awkward pala kung wala kaming guardians at sobrang tahimik.

“So, bago lang ba kayo rito?” sabi ni Yano habang inayos niya ‘yung salamin niya.

“Oo. Galing kami sa outskirts at ilang araw pa lang kami sa Capital,” sagot naman ni Lexi at nakita ko na nagpipigil siya ng ngiti. Bakit biglang nagbago ang pakikitungo niya? Parang biglang gumanda ang mood—

And then it hit me. Uh oh. Kaya pala biglang nagbago ang kilos niya!
Glasses!

Mahilig si Lexi sa glasses. Marami siyang collection sa bahay nila pero hindi niya naman sinusuot.
Gusto niyo lang i-collect at hindi ko rin alam kung bakit. Minsan nga ay pinapasubok niya sa aking isuot ‘yung ilan pero ayaw ko kasi nakakahilo. Mukhang ‘yung kay Yano na ang target niya dahil nakatingin lang siya doon.

Bigla naman akong may kakaibang naramdaman—more like a chill. Maging sina Lexi at ‘yung dalawa ay napatingin din sa paligid.

“Bob,
sal-ve.
“Jack, sal-ve.

Nagmaterialize ulit ‘yung guardians nila sa harapan at tinawag naman namin ‘yung sa amin. Hindi ko alam kung anong meron pero alam kong may panganib sa paligid. Sa adventures namin ni Lexi sa mga gubat, madali na naming nararamdaman kung may umaaligid ba sa aming wild animals. Pero kakaiba ‘to...ewan ko rin kung bakit pero ganun ang nararamdaman ko. Then bigla na lang nagdilim.

“Oh my God.”

Napatingin kami kay Lexi at nakatingin siya sa taas kaya sinundan namin ‘yung tingin niya. Napanganga na lang ako sa nakita ko. A giant vulture is looming over our head. Napatakip ako sa tenga ko nung bigla siyang nagscreech at...sumugod papunta sa amin.

“Scatter!” Pagkasigaw nun ni Ryleigh ay agad-agad akong sumakay sa likod ni Carlos at tumakbo siya sa right side. Nakita kong sumakay din si Lexi kay Smith. Habang tumatakbo naman ‘yung jaguar ay tumalon si Yano sa likod nun tapos hinawakan nung bear si Ryleigh at nilagay sa balikat niya.

Then out of nowhere ay may lumitaw na gorilla sa likuran ni Ryleigh at hindi niya ‘yun napansin dahil nakafocus siya sa giant vulture.

“Watch out!” sigaw ko at tumingin siya sa akin.

Buti na lang at malakas ang instinct nung bear niya at tumakbo ‘yun papunta sa amin, habang ‘yung gorilla ay nagroar nang malakas na ikinanginig ng sikmura ko.

“Holy shit!” Napalingon ako nung narinig ko ‘yung boses ni Master. Halos patakbo silang lumabas ng bahay ni Gavin at nakatingin sila sa dalawang guardians na hindi kabilang dito.

“They are making their move.”

“I can see that!”

“The gorilla’s mine.”

“I’ll take the vulture then.”

Tumakbo silang dalawa papunta sa amin at nakita ko na naman ‘yung serious expressions nila. For a second, mas natakot pa ako sa kanila kaysa doon sa guardians.

Nawala bigla sina Tortos at ‘yung whale sa lake at alam kong pinabalik sila ng owners nila sa spirit dimension without saying the incantation.

“Lily,
sal-ve!
“Rex, sal-ve.

Nag-appear agad si Lily at habang tumatakbo si Master ay kinuha siya ni Lily at pumunta siya sa likod niya. Bigla namang napasigaw si Lexi at napasigaw din ako nung makita ko ‘yung tinitignan niya.

“Don’t worry, it’s under control,” sabi ni Yano kay Lexi.

Sa harap namin ay sumakay si Gavin sa isang almost 6-meter tall dinosaur...a
tyrannosaurus rex.


***