.

.

Chapter 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, February 6, 2015


***

Para akong nasa gitna ng Amazon ngayon dahil sa dami ng spirit guardians na nandito, at ‘yung isa, supposedly ay extinct na. Pero sabagay, ako nga may mythical guardian. Pero nakakagulat pa rin na makakita ng T-rex at sobrang lapit pa. Imagine? Dinosaur ‘yun!

Sa taas namin ay nag-iingay ‘yung dalawang malaking ibon kaya parang may eclipse dahil nahaharangan nila ‘yung araw. The vulture is still eyeing us kahit na nasa harapan niya na si Lily. Then naalala ko ang nature ng vultures. Mas inuuna nila ang mga mahihina.

“Tsk. Two Spirit Masters and four amateur Divians. Amos, ano nang plano?”

Nangilabot ako nung narinig ko ‘yung boses na ‘yun. It’s a female voice pero parang sobrang lalim at galing sa ilalim ng lupa. Hinanap ko kaagad ‘yun at nakita kong may tao doon sa taas ng puno. Bakit parang usong mag-appear ngayon sa tuktok ng mga puno?

“One Spirit Master at a time. Mukhang nagkamali tayo ng kalkulasyon.”

This time, sa baba ng punong tinutungtungan nung babae ay lumabas ang isang lalaki—and he’s like the definition of a human beast. May facial hairs siya at medyo magulo ang buhok niya pero matipuno in a way na madedescribe mo siya as
‘wild.’

“Amos?” sabi ni Gavin doon sa lalaki, tapos tumingin siya sa babae sa itaas.
“Then you must be Bridgette.”

“Ah. The Sky and Land pair,” dagdag naman ni Master.

Kilala nila sila? Tsaka ano ‘yung sinabi nung dalawa kanina? Two Spirit Masters and four apprentices...then, si Master ba ang tinutukoy niya? Pero ang alam ko, ang Spirit Masters ay nakatira sa heart ng Capital. And she’s here...living in the woods.

“What do you want?” seryosong tanong ni Master doon sa babae...Bridgette ata ang name.

“Your head, Amazon Divian.”

Wait. Did she say Amazon Divian?

Nagkatinginan kami bigla ni Lexi at nagkaintindihan kami. Nung mga bata pa kami, bali-balita na may isang babaeng Divian na kilala dahil sa way ng pakikipaglaban niya. She’s a total warrior at ineexterminate niya ang exorcists. Hanggang sa naging member siya ng Spirit Masters. Pero walang nakakakilala sa kanya, maliban na lang siguro sa mga kasamahan niya, dahil laging nakatakip ng black cloth ang mukha niya. Hindi rin alam ng karamihan ang ginagamit niyang guardians dahil walang nakakakita ng mga laban niya. She was labeled with many nicknames such as Amazon Divian pero bigla na lang siyang nawala seven years ago.

“She’s...she’s the Amazon Divian.” Kitang-kita ko sa mata ni Lexi ang amazement habang nakatingin siya kay Master na nakasakay sa likod ni Lily.

“Sorry, lady, but her head is in my care.”

Pagkasabi nun ni Gavin ay tumakbo ‘yung T-rex guardian niya sa direksyon namin kaya agad kaming umiwas. Nagdire-diretso siya hanggang sa wasakin niya ‘yung punong kinatatayuan nung Bridgette.

Es hyva fe vies diaz. Morien alav sativa chroina il piero mergus.
Comvien han!” Pagkasabi ni Master ng incantation na ‘yun ay biglang nagliwanag si Lily to the point na hindi ko na siya makita. Then after some time ay unti-unting nawala ‘yung ilaw...at bumungad si Master na may pakpak ng dove, just like the last time.

Halos kilabutan ako nung sabay-sabay ding nirecite nina Gavin at nung dalawa pa ang incantation na ‘yun at may pumaligid din sa kanilang ilaw.

Gavin has the dinosaur’s eyes, sharp claws and tail, which was weird but intimidating. ‘Yung Bridgette naman, gaya ni Master ay nagmorph sa kanya ‘yung pakpak ng vulture, habang ‘yung Amos ay ‘yung bulky body ng gorilla.

Unti-unti kaming umatras na apat dahil alam kong magiging madugo ang laban na ‘to. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako makakasaksi ng labanan involving the Spirit Masters. Pero nagulat kami nung biglang huminto ‘yung dalawa.

“Yes, my lord.”

Nakita ko naman na parang may inadjust ‘yung Bridgette sa may tenga niya, then narealize ko na earpiece pala ‘yun. Tinignan niya ulit si Master tapos si Gavin.

“Nakaligtas kayo ngayon pero sa susunod nating pagkikita, sisiguraduhin ko na wala na kayong buhay.”

“Try us, Bridgette. Hindi ako takot sa’yo,” sabi ni Master habang lumilipad siya.

“Amos,” sabay tingin ni Bridgette kay Amos tapos nagnod sila pareho. The next thing I knew, umatras sila sa gubat at tuluyan nang nawala sa view namin.

Cies kai,” sabay na sabi nina Master at Gavin then after that ay nawala na ‘yung half-animal forms nila, which is good dahil sobrang nakakatakot at nakakaintimidate sila kanina.

“Okay lang ba kayo, girls?” tanong sa amin ni Master nung nakalapit na siya. Tsaka ko lang narealize na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

“Kayo?” Nilingon ko naman sina Ryleigh at Yano habang nagnod sila kay Gavin.

“Sino sila, Sir? Bakit sila sumugod?” tanong ni Yano kay Gavin at tumingin siya kay Master.

“Mabuti pa, sa loob na lang natin ‘to pag-usapan. Dismiss your guardians into the spirit dimension.”

Sabay-sabay naming pinabalik ang guardians namin at ramdam na ramdam ko ang panghihina ko.
Bukod sa sinummon ko si Carlos sa gitna ng labanan ay naubos din ang lakas ko sa sobrang kaba kanina.

Pagpasok namin sa bahay ay sa sala kami tumuloy.
Puro kahoy, pawid at mwebles lang din ang gamit kaya para lang talaga kaming nasa baryo. Umupo agad kami at pinakinggan namin ang kwento nina Master at Gavin.

“Sina Bridgette at Amos ay exorcists,” pagsisimula ni Master. Then naalala ko ‘yung pagtuturo sa amin ni Lexi ni Tita Aina tungkol sa Divians, Seers at Exorcists.
Ang mga exorcist, sila ‘yung pumapatay ng guardians ng Divians. Though immortal ang guardians ay matagal silang magregenerate sa spirit dimension kapag namatay sila sa real dimension. Minsan ay umaabot ng hundreds of years.

“Since nadamay na kayo kanina, I guess kailangan niyo nang malaman ‘to. For sure gagamitin nila kayo laban sa amin.” Nagkatinginan naman kaming apat at parang bumigat ‘yung atmosphere dito. “Alam niyo naman ang nangyari seven years ago ‘di ba?”

Naramdaman ko ‘yung paghawak ni Lexi sa kamay ko kaya natense ako. Alam niyang ayaw kong marinig ang anumang nangyari seven years ago dahil...dahil doon namatay ang parents ko. ‘Yung nangyaring gulo dito sa Capital noon ang naging dahilan ng pagkamatay nila pero hanggang ngayon wala pa ring linaw ‘yun.

“That havoc started because some exorcists want to have the ancient seal,” sabi ni Gavin.

“Oh. ‘Yan din ‘yung sinabi nung spider lady nung nakaraan,” singit naman ni Lexi.

“Spider lady?” Pagtingin ko kay Yano, nakakunot ‘yung noo niya.

“Long story. But anyway, ano po ba ‘yung ancient seal?”

Nagkatinginan ulit sina Master at Gavin at halata namang top information ‘yun pero kailangan nilang sabihin sa amin. Nacucurious din ako sa ancient seal na ‘yun.

“It’s an old seal that can grant immortality.”

Nung sinabi ‘yun ni Gavin ay natahimik kaming lahat. Feeling ko nga mali lang ang rinig ko pero dahil sa reaksyon nila ay mukhang tama.

“I-immortality? Posible ba ‘yun?” This time, si Ryleigh naman ang nagtanong.

“Yes,” sabi naman sa kanya ni Master.
“But they failed to get it. Kaso nga lang, maraming namatay dahil sa pagprotekta doon.”

Bumigat bigla ‘yung sikmura ko at napatingin sina Lexi at Master sa akin. For sure alam din ni Master na kasamang namatay ang mga magulang ko doon kahit lately niya lang nalaman na ako ang anak nila. Kahit na sobrang tagal na nun ay naaalala ko pa rin ‘yung huling pagkikita namin. Eight years ago ‘yun at 10
th birthday ko pa. After that, hindi na sila ulit umuwi at makalipas ang isang taon, binalita na lang sa akin na wala na sila.

“At ngayon, binabalak na naman nilang kunin ang ancient seal.”

“Pero bakit po kayo ang sinugod nila? Nasa inyo ba ang ancient seal?” tanong ulit ni Lexi kay Master.

“Wala. Pero last time, umiikot ang ancient seal sa kamay ng Spirit Masters. Sila ang protector nun. At ngayon, mukhang balak nilang patayin isa-isa ang Spirit Masters.”

“B-bakit po hindi niyo sinabing Spirit Master kayo?” tanong ko naman.

“Because I’m not anymore,” seryosong sagot ni Master. Gusto ko pa sanang itanong kung bakit pero alam ko na ‘yung expression niya—it means tapos na ang usapan.

“Kailangan kong ibalita ‘to sa Divine General,” sabay tayo ni Gavin kaya tumayo rin sina Ryleigh at Yano. “We’ll go ahead, Ariah. And about what I said earlier...”

“Yeah, yeah. Fine.”

Tumayo na rin kami para ihatid sa labas ‘yung mga bisita. Ang weird lang na nagkita-kita kami at nagkakilala sa gitna ng labanan.

“Nice meeting you,” sabay bow ni Yano sa amin at inadjust niya pa ‘yung glasses niya. Pagtingin ko kay Lexi, para siyang excited na puppy at nakatingin siya doon sa salamin ni Yano.

“See you soon,” sabay ngiti naman ni Ryleigh na parang nang-aasar, which I find annoying.

Pag-alis nila, humarap sa amin si Master and her expression hardened.

“Ngayong target ako ng ilang exorcists, I really need to train you the hard way. Kailangan ko kayo. My skills might not be enough to deal with a lot of them.”

“Yes, Master!” sigaw namin ni Lexi.

“P-pero Master, hindi po namin akalaing ikaw pala ang Amazon Divian,” biglang sabi ni Lexi kaya naalala ko na naman ang paghanga namin sa kanya nung mga bata pa kami.
And right now, nandito siya sa harapan namin.

“Oh. That’s really a weird nickname. Epal kasi sina Leon at Kass, sila ang nagbigay ng nickname na ‘yan—oh, sorry.”
Napatingin sa akin si Master dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Mama.

“O-okay lang po.”

“Mabuti pa, lumabas na tayo. Wala naman na sina Bridgette at Amos kaya safe na tayo. Let’s just hope na hindi na sila bumalik.”

Lumabas kaming tatlo at tinuloy namin ang pagtetraining namin pero napapatingin pa rin ako sa gubat. Napaparanoid ako na baka biglang may lumabas na naman at atakihin kami. Pero nawala rin agad ‘yun nung binago ni Master ang way ng training. She’s really serious about training us the hard way, and I’m telling you, it’s really difficult...and
deadly.


***