.

.

Chapter 7

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, June 15, 2015


***

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko dahil parang nakakaperify ang tingin sa akin ng crow sa may taas ng puno. Nararamdaman ko pa rin ang vibration ng lungs ni Carlos kaya alam kong nakakaramdam siya ng panganib. Ang nakakatakot pa ay pulang-pula ang mata ng crow at kasinlaki rin siya ni Charlie. Hindi ko rin alam kung susugod ba siya o inoobserve niya lang kami.

The crow suddenly cawed and the aquainas swam to the furthest part of the lake. Maging si Carlos ay nagreact din at mas lumakas ang vibration ng katawan niya. It feels like he’s going to roar anytime. And he did. He bared his fangs and he ran towards the tree where the crow is.

“S-stop, Carlos!
Cessante!” Carlos immediately stopped but he keeps on growling and glaring at the crow. Ganun din ang ginagawa ng crow. It keeps on cawing and observing us with it’s sharp red eyes.

Tumingin agad ako sa paligid at hinanap ko kung may Divian bang nagsummon sa kanya pero wala akong makita. Maybe he or she is hiding.

“Charlie,
sal-ve!

Nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Lexi at pagtingin ko sa likuran ay nakatayo siya sa kabilang side ng lake habang naggagather sa taas ang spirit particles ni Charlie. After a few seconds ay lumipad si Charlie papunta sa position ng crow and he’s ready to launch an attack. Pero biglang nagdisintegrate ang particles ng crow at nawala na lang na parang bula. Agad-agad kong pinatakbo si Carlos papunta kay Lexi at lumipad din si Charlie pabalik sa kanya.

“What the heck is that?” tanong kaagad niya nung makababa ako kay Carlos.

“A crow. Ewan ko pero parang inoobserve niya kami kanina.”

“That’s dangerous. Crows are usually used by Seers because of their intelligence. Katulad na lang ni Ray na guardian ni Mama.”

Tumango ako at naalala ko ang ibon na ‘yun. Ang akala ko kasi dati ay crow si Ray pero nung narinig niya ‘yun ay sinugod niya ako nang sinugod hanggang sa mamaga ang noo ko dahil sa tuka niya. Hindi ko naman alam na raven pala siya dahil halos magkapareho ang itsura ng crows at ravens.

“Alam niyo ba kung bakit sila ang kadalasang ginagamit?”

Pareho kaming napatingin ni Lexi sa likuran at nakita namin si Master na nakaupo sa may terrace habang nagsisindi ng sigarilyo. Ni hindi ko man lang naramdaman na lumabas siya o nandoon siya. Teka, nakita niya rin ba ‘yung crow kanina?

“It’s because they have cognitive abilities and they can help the seers by giving fragments of insights. I’m sure that that crow is owned by a Seer.”
Lumabas siya sa terrace at nilapitan niya kami habang nakatingin sa langit. Madilim pa rin pero nag-iilluminate sa lake ang full moon kaya nakikita ko nang mabuti sina Lexi at Master.

“Pero Master, bakit may crow dito?” tanong ni Lexi.

“Para bantayan ang galaw natin. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala rito pero paniguradong kakampi siya nina Amos.”

Bigla ko namang naalala ang pag-uusap na nangyari dati tungkol sa ancient seal of immortality. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ‘yun at target ang Spirit Masters ngayon dahil sa kanila lang umiikot ang seal na ‘yun. Isa na doon si Master na kilala bilang Amazon Divian.

Pinabalik sa amin ni Master sina Charlie at Carlos sa spirit dimension and after that ay pinapasok niya kami sa loob ng bahay. Pagtingin ko sa oras ay 4:30 AM pa lang at heto kami ngayon, gising na gising. Habang naghahanda si Master ng pagkain ay mahina kaming nag-usap ni Lexi.

“Sa tingin mo kailangan nating sabihin kay Master ‘yung tungkol sa prophecy ni Mama?” tanong niya kaagad.

“I think so and that crow is the proof. Mukhang may alam din sa prophecy ang may ari nun kaya binabantayan tayo.”

“Pero sabi ni Mama, dapat ay tayo lang ang makaalam nun at wala nang iba.”

“Pero Master natin siya and I’m sure matutulungan niya tayo kung sakali.”


“Anong pinagbubulungan niyo dyan?”

Napaupo naman kami bigla ni Lexi nang maayos dahil hindi namin napansin na nakaupo na pala si Master sa gilid namin habang dala-dala ang tatlong tasang kape at tinapay. Nagtinginan ulit kami ni Lexi at sabay kaming tumango.

“Master, m-may kailangan kang malaman,” panimula ni Lexi at huminga siya nang malalim.

“Ano ‘yun? Tungkol ba doon sa crow kanina?”

“S-sort of,” sabi niya sabay tingin sa akin.

“Meron po kasing prophecy na aksidenteng nasabi sa amin ni Tita Aina,” pagpapatuloy ko at naging seryoso ang expression ni Master.

“Go on.” Tinignan ko si Master at huminga rin ako nang malalim, pagkatapos ay nirecite ko sa kanya ang prophecy.

“Where the havoc has ended,
Another will be started;
Fangs and wings shall decide,
The Shadow will be your guide;
Hell will breathe its fire and rage,
Until the seal and the Guardian break their cage;
The deads shall take the blame,
And the Divian burns in flame.”

Nung natapos kong sabihin ‘yun ay biglang namutla si Master at hindi siya kaagad nakapagreact. Nagkatinginan kami ni Lexi dahil hindi namin inexpect na ganito ang magiging reaction niya.

“M-Master?” Napatingin siya sa amin at uminom siya ng kape na nasa harapan niya pero after that ay natulala na naman siya. Akala ko ay hindi namin siya makakausap kaagad pero bigla siyang tumayo at tumingin sa amin nang seryoso.

“Why didn’t you tell me about this earlier?”

“S-sorry po,” sabay naming sagot ni Lexi dahil sobrang cold ng boses ni Master.

“We need to go to the urban part of the Capital. Maghanda na kayo.” Magtatanong pa sana ako kung para saan pero tumalikod na siya at naglakad papunta sa kwarto niya.

Bumalik na lang kami ni Lexi sa kwarto namin at nagprepare sa pag-alis. Habang hinihintay kong matapos si Lexi sa pag-aayos ay napatingin ako sa wooden tablet sa ibabaw ng table.
Wala nang nakasulat doon at empty vessel na lang ‘yun. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na may main guardian na ako and I managed to marked her as my own, of course with the help of Master. Kaso nga lang, hindi ko pa siya natatawag ulit dahil hindi pa raw enough ang stamina at power ko sabi ni Master, at dahil natatakot pa rin ako. Natatakot ako na baka maconsume na naman ang life force ko oras na isummon ko siya, at baka makita ko na naman ang image nina Mama at Papa.

“Huy, Rei!”

“H-Ha?”

Nakita kong nakatayo sa harapan ko si Lexi habang pailing-iling.
Ni hindi ko napansin na tapos na pala siyang mag-ayos.

“Kanina ka pa tulala dyan. Tara na, baka hinihintay na tayo ni Master.”

Lumabas kami ng kwarto at nasa labas na ng bahay si Master. Maliwanag na rin at sumisikat na ang araw. Nilibot ko kaagad ang paningin ko sa mga puno at nakahinga ako nang maluwag nung wala akong nakitang hayop na nakatingin sa amin.

Naglakad kami palabas ng forest at pagdating namin sa bungad ay nakapark doon ang floating car ni Master. Nung nakaraan lang namin nalaman na
praevela pala ang tawag sa sa flying or floating vehicles na makikita sa capital. Nung una kaming makarating ni Lexi sa Capital ay sobrang daming praevala ang nakita namin. Sa baryo kasi, hindi uso ang ganun at kadalasan ay naglalakad lang kami o ‘di kaya naman ay ginagamit namin ang guardians namin.

Sumakay kami doon at pinaandar kaagad ni Master ang
praevala hanggang sa makarating kami sa Capital. Ibang-iba talaga ang lugar na ‘to kaysa sa tinitirahan namin dahil sobrang tataas ng buildings at urbanized talaga kung idedescribe. Lalong tinaasan ni Master ang paglipad sa sasakyan hanggang sa makarating kami sa tuktok ng isang sobrang taas na building. May parking lot sa rooftop at halos lahat ng nakapark ay praevalas at ilang sasakyan na first time kong makita.

“Master, nasaan tayo?” tanong ni Lexi habang pababa kaming tatlo sa sasakyan.

“Gavin’s place. Lily,
sal-ve!

Inexpect ko nang sa place kami ni Gavin pupunta pero hindi ko naman akalaing sa isang skyscraper siya nakatira. At hindi ko rin alam kung bakit dito kami sa rooftop pumunta pati na rin kung bakit sinummon ni Master si Lily.

“Tatayo lang ba kayo dyan o sasakay kayo?” sabi ni Master habang nasa likod siya ni Lily. Kahit na naguguluhan ako sa nangyayari ay sumakay kami sa likod ni Lily at bigla siyang lumipad.

“Gavin and his people are the only ones who can access this building from the entrance. Lahat ng bisita niya, kailangang dito sa rooftop tumigil kung may dalang sasakyan. Nasa 150
th floor ang office niya, which is the topmost floor pero hindi ka rin makakapunta doon kapag galing ka sa rooftop. The only way to enter is by summoning a flying guardian and watch what’s going to happen.”

Nasa harap kami ng 150
th floor habang nakasakay kay Lily nang biglang nagkaroon ng bridge sa pagitan namin at ng floor na ‘yun at may nagform na doorway doon.

“Holy shit.” Napanganga si Lexi habang ako ay napapikit pa dahil hindi ko alam kung totoo ba ‘to o imagination ko lang.

Bigla namang nagdisintegrate si Lily at napasigaw kami ni Lexi dahil nalaglag kami pero buti na lang at sa bridge kami napunta. Nakakatakot dahil walang nagsusupport sa side na ‘to ng bridge at kitang-kita ang ibaba kaya humarap agad ako sa side ng building.

“And only the spirit particles of guardians can initiate the emergence of this bridge.” Pagkasabi nun ni Master ay naglakad siya papunta sa doorway kaya dali-dali rin kaming tumayo at sumunod sa kanya. I tried not to look below pero nakikita ko pa rin kaya mabilis akong naglakad hanggang sa makapasok ako sa building. After that ay kusang nagretract ang bridge at nagsara ang doorway hanggang sa maging malaking glass window na lang ‘yun.

“It’s been a long time since you visited here.” Nagulat ako nung nasa gilid pala namin si Gavin at nakaupo siya sa sofa habang may hawak na glass of red wine. Pero mas nagulat ako dahil naka-robe lang siya at kita ang bare chest niya.

“Why the hell are you dressed like that?”

“Katatapos ko lang maligo.” Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Master na ginagawa niya kapag nauubusan na siya ng pasensya.

“I have to tell you something,” sabay tingin niya sa amin ni Lexi.

“That can wait. Actually, pupunta dapat ako sa hideout mo pero ngayong nandito ka na, mas mapapadali ang trabaho ko.”

“What do you mean?”

“The Divine General called all Spirit Masters for a meeting.” Binaba ni Gavin ang wine na iniinom niya at tumayo siya. “And I’m sure he’ll be delighted to see you again.”

“I am not a Spirit Master anymore so I don’t have any business—wait!” Biglang hinatak ni Gavin si Master palabas ng office at naiwan kami ni Lexi na nakatulala doon.

“Oh...kay, what did just happen?” sabi ni Lexi at napabuntung-hininga na lang ako. Hindi ko talaga kaya ang presence at tension sa pagitan ng Spirit Masters.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya naging alert kami dahil paniguradong sina Master at Gavin iyon pero nagulat kami nung sina Yano at Ryleigh ang pumasok.

“You’re really here,” sabi ni Yano habang inaadjust ang salamin niya at narinig ko ang pag-inhale ni Lexi. Her obsession with glasses is really freaky.

“Tsk. Wala tuloy training session ngayon,” sabi naman ni Ryleigh habang nakalagay ang mga kamay niya sa batok.

“Pero sayang at hindi tayo pwedeng sumama kay Sir. Gusto ko pa namang makita ang iba pang Spirit Masters,” dagdag ni Yano at dumiretso silang dalawa sa sofa. Pinaupo naman kami ni Yano sa kabilang sofa kaya ngayon ay magkakaharap kami.

Bigla naman akong may naramdaman na vibration at mukhang galing ‘yun sa itaas.

“They’re leaving,” sabi ni Yano at saktong pagtingin namin sa labas ay may
praevala na lumipad galing sa rooftop. Mukhang sasakyan ‘yun ni Gavin dahil hindi pareho ng design sa sasakyan ni Master.

Tahimik lang kaming apat doon pero si Ryleigh, nakapikit na at parang wala man lang balak na kausapin kami.

“So, what brings you here?” tanong ni Yano kaya nadivert sa kanya ang atensyon ko pero si Lexi na ang sumagot kaya tumahimik na lang ako.

“Hindi ko rin alam. After naming sabihin kay Master ‘yung prophecy, nagmadali kaming pumunta rito pero tinangay naman siya ni Gavin.” Bigla namang dumilat si Ryleigh at sinamaan niya ng tingin si Lexi kaya napahawak siya sa kamay ko.

“Sir Gavin,” sabi niya at todo emphasize sa
sir. After that ay pumikit ulit siya pero nakakunot ang noo niya. What’s with him?

“Don’t mind him,” sabay ngiti ni Yano kay Lexi. “Anyway, anong prophecy ang sinasabi mo?”

Bigla kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Lexi dahil baka sabihin niya kay Yano ‘yun. Iba pa naman ang effect ng glasses sa kanya kaya baka hindi niya mapigilan ang bibig niya.

“It’s...kind of complicated. So, ano pala ‘yung meeting na sinasabi ni Ga—” bigla ulit dumilat si Ryleigh kaya naging aware si Lexi. “S-Sir Gavin kanina?”

“Ah. Hindi niyo ba nabalitaan?”

“Ang alin?”

“Isa-isang inaatake ng malalakas na exorcists ang mga Spirit Masters kaya nagbigay ng notice ang Divine General sa kanila para sa isang meeting.”

Kinilabutan ako sa narinig ko. Ganun ba talaga kagusto ng mga exorcist ang ancient seal of immortality na ‘yun? Nacucurious din ako sa iba pang Spirit Masters pati na rin sa Divine General. Si Gavin pa lang ang nakikita ko at si Master, though hindi na raw siya isang Spirit Master.

“Um, ilan ba ang Spirit Masters?” tanong ko sa kauna-unahang pagkakataon mula nung makarating kami rito.

“Five.” Nagulat naman kami nung si Ryleigh ang sumagot pero hindi siya nakatingin sa amin kundi sa labas. “There are supposed to be seven but two of them stepped down. Paniguradong isa doon ay ang Master niyo pero hindi ko kilala ang isa pa dahil hindi naman sinasabi sa amin ni Sir Gavin.”

“Kilala niyo ba ‘yung apat—”

Hindi ko na natuloy ang tanong ko dahil biglang lumindol nang malakas at napakapit ako nang mahigpit sa sofa at sa kamay ni Lexi.

“W-what’s happening?” nanginginig na tanong ni Lexi at nasagot ang tanong niya nung nakita naming nagcollapse ang building na nasa harapan ng view namin.

“Shit...” Tumayo si Ryleigh at tumakbo palabas ng room kahit lumilindol pa rin.

Nung medyo humina na ang lindol ay tumayo rin si Yano at sinabi niyang sumunod kami sa kanya. Pumunta kami sa other side ng room kung saan may isang pinto at may pinindot siyang passcode sa gilid.

“Emergency elevator,” sabi niya at pumasok kaming tatlo doon. Pero ang ‘di ko inaasahan ay ang sobrang bilis na pag-andar ng elevator at halos umiikot na ang paningin ko at parang sumasama ang sikmura ko. Nung huminto ‘yun ay nangangatog ang binti namin ni Lexi habang lumalabas kami at si Yano ay dumiretso sa labas ng building.

Nagsisigawan ang mga tao dahil sa pagcollapse ng building sa tapat. Nung ayos na ang pakiramdam namin ay tumakbo rin kami ni Lexi sa labas at pumunta sa direksyon nina Yano at Ryleigh pero pagdating namin doon ay nakita ko ang isang crow na lumilipad palayo.

“W-what is he doing here?” biglang tanong ni Ryleigh habang nakatingin doon sa debris. Tumingin din kami at nakita namin ang isang lalaking may eyepatch sa kaliwang mata habang may hawak-hawak na apat na short blades. Pero ang hindi ko inaasahan ay ngumiti, or more like nagsmirk siya sa amin at sobrang kinabahan ako kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay kinukuha niya ang lakas ko.

Nung tumingin ulit ako sa direksyon niya ay wala na siya doon.

“W-who’s that?” tanong ko at sinagot agad ako ni Ryleigh.

“Lark, a Spirit Master, and right now, he’s the strongest of them in terms of strength.”


***