***

Bumalik kami sa 150th floor gamit si Charlie dahil hinding-hindi na ako sasakay sa elevator na ‘yun. Ang kaso nga lang, kailangang bumalik ni Charlie at Lexi ng tatlong beses para kunin kami sa ground floor. Wala raw kasing flying guardians ‘yung dalawa at ako naman, hindi ko pa pwedeng gamitin si Phoebe. Hindi rin susunod si Charlie kapag hindi nakasakay sa kanya si Lexi at hanggang dalawang tao lang ang kaya niya.

Nung makabalik kami sa room ay wala pa rin kami sa mga sarili namin. Hindi ako makapaniwala na nakakita ulit ako ng isang Spirit Master at nung sinabi ni Ryleigh na siya ang pinakamalakas in terms of strength ay naramdaman ko kaagad ‘yun dahil sa lakas ng presence niya.

Naupo kami doon sa sofa at hinihintay kong magsink in sa utak ko lahat ng nangyari. Why would a Spirit Master appear right in front of our eyes? O baka naman dahil papunta siya sa meeting? At bakit may crow doon? Hindi ko na nakita masyado pero malaki ang chance na ‘yun din ang crow na nasa gubat kaninang madaling-araw. Is it following us?

“The appearance of Lark was surprising but I’m curious about the crow,” biglang sabi ni Ryleigh at nagkatinginan kami ni Lexi at tumango kami parehas.

“Actually...” Napatingin sina Yano at Ryleigh kay Lexi. “Sa tingin ko kami ang target ng crow na ‘yun.”

“What do you mean,” tanong ni Yano.

“Kaninang madaling-araw kasi ay na-encounter namin ang isang crow na nakabantay sa bahay ni Master. Nakita ko si Rei na nakatingin sa crow during that time kaya lumabas agad ako ng bahay at tinaboy ‘yun. My mother is a Seer kaya alam kong kapag may guardians na kadalasang ginagamit for precognition ay either may Seers na kumukuha ng information or inoobserve nila ang mga taong involve sa isang prophecy.”

“Hmm...so does that mean...” Inayos ni Yano ang salamin niya at pakiramdam ko ay magtatanong siya about sa prophecy kaya sinenyasan ko kaagad si Lexi.

“A-anyway, that Lark...feeling ko nakita ko na siya somewhere pero hindi ko maalala kung saan o kailan.”

“Talaga? Pero ang balita ko mahirap hagilapin ang mga Spirit Master. Ang kilala ko lang na nagpapakita sa Divians ay si Adrielle,” sabi ni Yano.

“Who’s that?”

“Three years ago lang siya naging Spirit Master at itinalaga siya ng Divine General para maging director ng Divine Camp.”

“Divine Camp?”

“A camp or training ground for amateur Divians.”

Tahimik lang ako habang nag-uusap sina Lexi at Yano, maging si Ryleigh ay tahimik din.
Buti na lang talaga at kasama ko lagi si Lexi. Hindi kasi ako ganun kakomportable sa ibang tao na kakakilala ko lang kaya madalas ay si Lexi ang kumakausap sa kanila. Siguro dahil nasanay akong mag-isa kasi wala lagi ang parents ko sa bahay nung bata ako at nung mamatay sila ay wala na akong kinausap na iba kundi ang pamilya ni Lexi.

“Mabuti pa mag-ikot-ikot na lang tayo sa Capital. Hindi pa kayo nakakapasyal dito ‘di ba?” biglang sabi ni Ryleigh at tumayo siya tapos nag-inat.
Mukhang bored na siya.

“I think that’s a good idea. Pwede rin tayong pumunta sa Divine Camp para makita niyo ang ibang Divians pati na ang facilities,” dagdag ni Yano.

Nagkatinginan kami ni Lexi at tumango siya kay Yano. Mukhang matagal pa naman sina Master at Gavin at wala kaming magawa rito. Might as well magtour na rin dahil hindi pa namin nakikita ang buong Capital.

“Hep!” sigaw ni Lexi kay Yano dahil papunta siya doon sa elevator. “We’re not going down that way.”

“Why? Mas mabilis—”

“Mas mabilis din akong mamamatay dahil dyan.” Napabuntung-hininga si Yano at naggive-up na sa elevator.

Pumunta kami doon sa window na nagiging archway at sinummon ni Lexi si Charlie kaya nag-appear ang bridge. Nakita ko namang nagtinginan si Yano at Ryleigh tapos umiling si Ryleigh. Hindi ko alam kung ano ‘yun pero hindi ko na lang tinanong at sumakay ako sa likod ni Charlie.

After a few minutes ay nasa baba na kaming lahat at sina Yano and Ryleigh ang naglead ng way. Habang naglalakad kaming apat ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita ko. Ang daming praevala na lumilipad pero meron ding mga sasakyan sa mga kalsada. May mga
naturaes din sa park malapit dito at alam kong sila ang nagpepreserve ng kagandahan ng mga halaman at puno doon. May nakita rin akong floras, or flower guardians, na sumasayaw sa ibabaw ng flower field sa tabi ng park at nakakatuwa dahil kakulay ng damit nila ang mga bulaklak na nirerepresent nila. Habang sumasayaw sila ay unti-unting namumukadkad ang mga bulaklak at mas lalong gumanda. Nakakatuwa rin dahil kahit urbanized ang Capital ay may places pa rin na nagpapaalala ng rural or countryside.

Sa sobrang pagkamangha ko sa lugar ay hindi ko napansin na tumigil na pala silang tatlo kaya nauntog ako sa likod ni Ryleigh. Nagsorry naman kaagad ako pero tinanong niya kung bakit kaya binawi ko na lang. Pagtingin ko sa harapan ay napasinghap ako dahil sobrang laki ng building kahit three-storey lang.

“This is the largest library in the country,” sabi ni Yano at lalo akong nagulat nung nalaman kong library pala ang lugar na ‘to.

Pumasok kaming lima doon at nung sinabi ni Yano na Divians kami ay pinapasok kami sa isang wooden gate. Unang dumaan si Ryleigh at biglang nagreflect sa wall ang dalawang pangalan in red letters—Bob and Kon.

“Ito ang way nila para malaman kung Divians talaga tayo. The names of your guardians when you marked them will be reflected on the wall because the wood used here is the same as the wooden tablet that houses a guardian,” sabi ni Yano as a matter-of-factly habang inaayos ang salamin niya.

Pumasok din si Yano at nag-appear sa wall ang names na Jack at Finn, kay Lexi ay sina Charlie, Smith at Lio at sa akin naman ay sina Jerry, Carlos at Phoebe. After that ay dumiretso kami sa second floor kung saan nakalagay ang books na may kinalaman sa Divians and guardians, ayon kay Yano.

Pagkita ko sa second floor ay napanganga ako sa sobrang ganda.
Circular ‘yung room at nakapaikot lahat ng shelves pero mas namangha ako sa mga lumulutang na libro. Saka ko narealize na may parang pixies pala ang dahilan kung bakit lumulutang ang mga ‘yun.

“Those are
domusaes,” sabi agad ni Yano. “They are actually house guardians and they are very protective when it comes to their territories.”

Wala pa akong nakikitang
domusae sa baryo namin kaya ito ang first time ko at para lang silang floras, pero ang kaibahan ay milky white ang balat nila at brown naman ang buhok, pakpak at damit nila. Tinatransport nila ‘yung mga naiwang books sa tables papunta sa shelves, at nung nakita nila kami ay nagmadali sila, tapos nagdisintegrate sila into spirit particles.

“Hindi sila mahilig sa mga tao at kadalasan ay sa may-ari lang sila ng bahay nagpapakita,” dagdag pa ni Yano.

Umupo kami sa isang discussion table at napagdesisyunang mag-usap tungkol sa Spirit Masters. Nalaman namin ni Lexi na ang may-ari pala ng library na ‘to ay si Astrid, isa ring Spirit Master, at kaya may
domusaes dito ay dahil sa 3rd floor ang mismong bahay niya. Buti na lang at wala siya rito dahil sa meeting nila, kundi baka kinabahan na ako ng todo dahil makaka-encounter na naman ako ng isang Spirit Master.

“May tanong ako. Totoo bang hindi talaga nagpapakita ang Divine General?” tanong ni Lexi at nakuha niya kaagad ang atensyon nung dalawa.

“Yeah. Sa Spirit Masters lang siya nagpapakita at kapag may malaking pangyayari lang siya kumikilos,” sagot ni Yano.

“Huli raw siyang nagpakita seven years ago sabi ni Sir Gavin pero walang nakakita sa kanyang hindi Spirit Master,” dagdag naman ni Ryleigh.

Narealize ko kaagad na ‘yung Great Havoc sa Capital seven years ago ang tinutukoy niya kaya naalala ko na naman sina Mama at Papa pero isinantabi ko muna ‘yun at nagfocus sa usapan.

“May usap-usapan pa nga na sobrang tagal na niyang Divine General,” sabi ni Yano.

“Talaga? Gaano katagal?” tanong naman ni Lexi.

“Nasa forty or fifty years na raw.”

“Ha?! Grabe, eh ‘di sobrang tanda na niya?”

“Pero para siyang hindi ganun katanda kapag dinedescribe siya ni Sir Gavin.”

Bigla namang may nag-pop sa utak ko at kinilabutan ako sa naisip ko.

“Immortality...” Napatingin silang tatlo sa akin at doon ko lang narealize na sinasabi ko na pala ang nasa isip ko. “I...I mean...baka...”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil mukhang shocked sila at alam kong pare-pareho na kami ng naiisip—‘yung ancient seal of immortality na sinabi ni Master dati na target ng Exorcists. Malaki ang chance na may kinalaman ‘yun sa rumors tungkol sa Divine General.

Tinry kong baguhin ang topic pero halata namang nandoon pa rin ang utak namin, kaya naman nag-initiate si Ryleigh na umalis na kami sa library at ipapakita niya sa amin kung saan ang Divine Camp.

Sumakay kami sa train at after ng ilang stations ay nakarating kami sa parang rural part ng Capital, katulad kung saan nakatira si Master. Naglakad kami ng ilang minuto at nung makarating kami sa bukana ng gubat ay may sumalubong agad sa aming
silvanias, or earth guardians. Dahil maraming ganito sa gubat sa baryo ay hindi na ako nagulat sa kanila. Para silang maliliit na bata, with the lower limbs of a goat and their entire body is covered with twigs and branches. Maamo sila pero kapag naramdaman nilang may masama kang balak ay nagiging nakakatakot sila dahil kaya nilang magcause ng malakas na earthquake.

Agad naman kaming nilead ng isang
silvania habang ‘yung iba ay parang nagpapatrol doon sa bukana. Mukhang sila ang bantay ng Divine Camp na ‘to.

Pagdating namin sa pinaka-campsite ay namangha ako dahil hindi ganito ang inaasahan ko. Akala ko ay tents lang ang makikita ko at mga batang nagsusummon ng guardians nila pero hindi ko akalaing ganito pala. May mahigit twenty one-storey cabins na nakalagay sa left side ng camp at sa right side naman ay may iba’t ibang training resources at equipments. Sa likod naman ng cabins ay kitang-kita ang lake.

Nakaramdam naman ako bigla ng pressure kaya pinangunahan ako ng instinct ko, maging ‘yung tatlo, at naging alert ako. Nagulat na lang ako nung biglang may umatake kay Ryleigh, but he immediately drew his sword and blocked the attack. Pareho silang napaatras dahil sa impact at after that ay sobrang taas ng tension sa paligid. Pero nagulat ako nung pareho silang ngumiti at lumapit sa amin ‘yung lalaking umatake.

“Yo! Ryleigh! Yano! Long time no see!” sabay lagay nung lalaki ng sword sa scabbard na nakasabit sa bewang niya. Mas matangkad siya ng ilang inches kina Ryleigh at Yano, at mas muscular din siya kaysa sa kanila. Nakatali ang buhok niyang hanggang balikat at may malaking scar sa kanang braso niya.

“Lycus!” sigaw ni Ryleigh then they clasped each other’s hand.
Ganun din ang ginawa ni Yano. Bigla naman siyang napatingin sa amin ni Lexi.

“Ah. Si Lexi nga pala saka si Reika, mga apprentice ni Ms. Ariah,” sabi ni Yano at nakipagshake hands din kami kay Lycus.

“I’m Lycus. Ako ang assistant director ng Divine Camp. Nice to meet the both of you.” Ngumiti kami ni Lexi sa kanya at pinatuloy niya kami sa pinakamalaking cabin.

Inexplain niya sa amin ‘yung camp rules and all other stuff. Nalaman ko na nasa fifty Divians pala ang nandito at mostly ay teenagers. Karamihan din sa kanila ay nasa government ang parents or under ng iba’t ibang departments kaya dito na sila nakatira at minsan lang umuwi sa sarili nilang mga bahay. Naalala ko rin ang sinabi sa amin kanina ni Yano na ang director ng camp na ‘to ay si Adrielle, which is also one of the Spirit Masters.

Sa ngayon ay apat na Spirit Masters na ang nakilala ko, at tatlo doon ay ngayong araw ko lang nalaman. Sina Gavin, Lark, Astrid and Adrielle. Sabi ni Ryleigh, lima raw sila ngayon, excluding Master, so ibig sabihin ay may isa pa. Siguro naman hindi ko siya maeencounter ngayon, ‘di ba?

“Dumalaw ulit kayo!” sigaw ni Lycus nung palabas na kami sa cabin.

Pagkatapos naming magkwentuhan ay agad din kaming umalis dahil baka dumating na sina Master at Gavin, at baka hinahanap na nila kami. Nagmadali kaming sumakay sa train at tumakbo papunta sa skyscraper ni Gavin. Pero napatigil ako nung may narinig akong nagsalita.

‘Nalalapit na.’

Napatingin agad ako sa paligid at hinanap kung kaninong boses ‘yun. Then all of a sudden ay narinig ko ang pagsigaw ni Lexi. Pagtingin ko ay may malaking ibon na dumagit sa kanya and I’m pretty sure that that’s a huge vulture.

“Bitiwan mo ako!” Nakita kong pinipilit makawala ni Lexi sa grasp ng vulture at may nakikita na akong bakas ng dugo sa damit niya.

Biglang may babaeng nagpakita at nakasakay siya sa likod ng vulture.
Tandang-tanda ko ang itsura niya dahil sa pagsugod na ginawa niya sa amin dati. It’s Bridgette and her guardian, Vultos. Tumakbo agad ako sa direksyon nila at mabilis kong kinuha ang sword na nakasabit sa bewang ni Ryleigh.

“You’re the daughter of that guy. Magagamit ka namin,” rinig kong sabi niya.

“Charlie,
sal-ve—!”

Nakita kong ngumiti si Bridgette at tinutok niya ang isang baril kay Lexi. The next thing I knew, wala nang malay si Lexi at nagdisintegrate kaagad si Charlie into spirit particles.

“Lexi!”

“Hey, wait!” sigaw ni Yano.

“Bring back my sword!”

Hindi ko na sila pinansin at nakafocus lang ang mga mata ko kay Lexi. I need to save her!

I know it’s not yet the right time to call her but I don’t have a choice. Sabi ni Master ay mapanganib kapag tinawag ko kaagad siya dahil hindi ko pa siya kayang kontrolin at pwede niyang magamit ang life force ko kapag pinilit ko pero wala na akong pakialam. I would gladly exchange my life to save my best friend.

I need to call her.

“Phoebe,
sal-ve!”

As I call her name, I felt a strong tugging force inside my body. Pakiramdam ko ay hinugot ang lakas ko. Nagmaterialize siya sa itaas ko at habang tumatakbo ako ay lumipad siya pababa kaya agad akong nakatalon sa likod niya. I heard her screech and it sent chills all over my body. Narealize ko rin na kahit blue flames ang feathers niya ay hindi ako naapektuhan nun.

Mukhang naintindihan niya kaagad ang gusto kong gawin dahil sumugod siya kina Bridgette at Vultos. Nakita ko ang gulat na expression ni Bridgette nung makita niya kami kaya ginamit ko ang pagkakataong ‘yun para mailigtas si Lexi. Tumalon ako mula kay Phoebe papunta kay Vultos at inislash ko ang hawak kong sword sa pakpak niya. Vultos screeched and I saw him loosing his grip on Lexi. Kahit sobrang bigat ng sword na hawak ko ay na gawa ko pa rin ‘yung i-swing ulit and this time, I thrusted it on Vultos’ body.

Nakita kong nahuhulog si Lexi habang wala pa ring malay kaya nagpanic ako. At the same time ay nakita ko si Yano sa baba na nakasakay sa likod ng leopard guardian niyang si Jack.

“CATCH HER!” sigaw ko at nakita kong tumalon si Jack sa mga puno, papunta sa direksyon ni Lexi.

“You—!” Nagulat ako nung bigla akong sinugod ni Bridgette at naramdaman ko kaagad ang hapdi sa pisngi ko. Pagtingin ko ay may hawak na siyang dagger at buti na lang ay nakaiwas kaagad ako kundi ay mas malalim pa sa galos ang aabutin ko.

Dahil nagawa kong iligtas kahit papaano si Lexi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. I acted recklessly and I didn’t even think of a plan. Bridgette is an Exorcist and I’m pretty sure she’s way stronger than me.

Es hyva fe vies diaz. Morien alav sativa chroina il piero mergus.
Oh no. That is the incantation for the half-guardian form— “Comvien han!”

Biglang nagliwanag ang buong paligid at naramdaman kong nawala ang tinutungtungan ko. Napasigaw ako dahil mabilis akong nahuhulog pero naramdaman ko ang pagtama ko sa malambot na bagay. Pagtingin ko...

“P-Phoebe...”

Hingal na hingal ako dahil akala ko ay katapusan ko na.
Ni hindi ko akalaing sasaluhin ako ni Phoebe. Nararamdaman ko na ang panghihina at alam kong anytime ay magdidisintegrate na si Phoebe. Pagtingin ko sa harapan namin ay matalas ang tingin sa amin ni Bridgette, habang lumilipad sa half-guardian form niya.

“Phoenix, huh? Reminds me of a guy who died pathetically seven years ago,” sabi niya at mabilis siyang umatake sa direksyon ko.

Pero bago pa siya makaatake ay biglang kumulog ng malakas at narinig ko ang boses ni Ryleigh. Hinanap ko kaagad kung saan ‘yun nanggagaling at nakita ko siya sa tuktok ng building sa right side ko. The next thing I knew, lumiwanag ang side na ‘yun at napanganga ako sa nakita ko.

“Aerial battle, huh? Let me join you.”

Sa gilid ko ay nakangisi si Ryleigh habang nakasakay siya sa isang dragon—a Chinese dragon.


***