.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, July 10, 2015


***

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na kaagad ‘yun nasundan ng mga mata ko. Pagkatapos sumugod ni Ryleigh kay Bridgette ay narinig ko na lang ang malakas na pagsigaw ni Bridgette.
Pinilit ko pang i-focus ang paningin ko sa kanila dahil nanlalabo na ang tingin ko.

“Y-You’ll pay for this!” sigaw ni Bridgette at biglang nagliwanag ang paligid niya. After that ay nawala ang effect ng half-guardian form niya at nakasakay na siya ulit sa likod ni Vultos. Nakita kong may mahaba siyang sugat sa right arm at ganun din sa right wings ni Vultos.

“Vultos,
nes-sa! Fayza, sal-ve!”

Nabalot ulit siya ng spirit particles at nakita kong unti-unting nawala si Vultos at pagkatapos ay may nagmaterialize na bagong guardian sa harapan niya—a huge, black bird with a red throat skin. Then after that ay bigla silang lumipad nang mabilis to the point na muntik na akong malaglag kay Phoebe sa lakas ng paghampas ng pakpak ng guardian niya. Sa isang iglap lang ay nasa malayo na sila.

“Shit. I didn’t expect her second guardian,” rinig kong sabi ni Ryleigh habang papalapit sila sa akin ng guardian niya.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nakikita ko.
His guardian is a chinese dragon, a mythical creature like Phoebe. Sa malapitan ay sobrang nakaka-intimidate ang itsura niya but at the same time ay nakakaamaze din.

“W-what kind of bird was that?” tanong ko sa kanya habang nakatingin kung saan nawala ang figure ni Bridgette pati na ang guardian niya.

“A frigatebird, one of the fastest flying species.”

Bigla namang dumilim ang paningin ko at naramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng lakas ko. Nagcollapse na ang binti ko at napahiga ako kay Phoebe.

“Hey, are you okay?!” Pinilit kong idilat ang mga mata ko pero sobrang nanlalabo na ang paningin ko. Nakita ko rin na naliliwanag ang paligid ko kaya alam kong anumang oras ay magdidisintegrate na si Phoebe. I can’t handle her physical form anymore.

“Shit!”

Naramdaman ko ang pagkahulog ko mula sa spirit particles ni Phoebe at napapikit na lang ako.
But I’m happy because at least, I managed to save Lexi. That’s enough for me.

Nagulat naman ako nung biglang may naramdaman akong surface sa likod ko at may nakahawak sa akin. Pinilit ko ulit na idilat ang mga mata ko at nakita ko ang blurry image ni Ryleigh.

“Tsk. Uso ba ang paghulog ngayon mula sa itaas? Hey, ayos ka lang ba?” Pinilit kong ngumiti pero kahit ‘yun ay nahihirapan na rin akong gawin.

“T-thank...y-you...”

Bigla naman niya akong niyakap nang mahigpit kaya napakapit ako sa kanya.

“Kumapit ka nang mabuti. Ayaw ni Gon sa lupa kaya sa taas lang siya nagsstay.
He’s unruly.” Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya to the point na lalo akong nawawalan ng lakas. “We’re going to jump.”

Pagkarinig ko nun ay gusto kong magreklamo at sumigaw pero hindi ko magawa dahil ubos na ang lakas ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ganun din siya. Napapikit na lang ako dahil sa halu-halong emosyon.

“Gon,
nes-sa! Bob, sal-ve!”

Napasigaw ako sa isip ko dahil naramdaman ko na naman ang pagkahulog, and this time, mas mabilis. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nahuhulog—seconds or maybe minutes—I can’t tell anymore. Basta ang alam ko lang ay bigla na lang tumigil ‘yun at may sumalo sa amin pero patuloy pa rin kaming bumabagsak. Kaso, mas mabagal na at pakiramdam ko ay tumatama kami sa buildings o sa mga puno. Narinig ko rin ang malakas na pa-roar kaya narealize kong si Bob, ang bear guardian ni Ryleigh, ang may hawak sa amin.

After a few seconds, parang lahat ng natitira kong lakas ay tumakas sa katawan ko...at tuluyan nang dumilim ang paningin ko.

***

Nagising ako nung may narinig akong boses sa paligid. Napahawak agad ako sa pisngi ko dahil biglang humapdi.

“She’s awake.” Pagtingin ko, nasa gilid ko sina Ryleigh at Yano. Tinignan ko kaagad ang left side ko at nakita kong wala pa ring malay si Lexi. Napaupo agad ako pero bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa ulo ko.

“Nabigla ang katawan mo sa lahat ng nangyari kanina kaya h’wag ka munang gumalaw,” sabi ni Master na nasa may bandang paanan ko pala.

“Buti at ayos ka na, Rei.”

Nagulat naman ako nung may narinig akong pamilyar na boses. Nilibot ko kaagad ang paningin ko at nakita ko si Tito Leon sa may side ni Lexi habang nakatingin sa kanya.

“T-tito Leon?!”

Ngumiti siya sa akin pero shocked pa rin ang expression ko dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya. Teka, nasaan ba kami? Nasa building ba kami ni Gavin?

Bigla namang tumayo si Tito Leon at naging seryoso ang expression niya. Tumingin siya kina Master at Gavin tapos nagnod silang tatlo.

“Magpahinga ka muna, Rei.
H’wag kang mag-alala, ayos lang si Lexi. Hindi naman malala ang mga sugat niya,” sabi ni Tito Leon tapos lumabas silang tatlo sa kwarto kaya naiwan kaming apat.

Napangiti naman ako after that dahil namiss ko rin kahit papaano si Tito Leon. Ang pamilya lang nila ang tumatawag sa akin ng Rei kaya pakiramdam ko ay nasa baryo ulit ako dahil sa presence niya.

Napatingin naman ako kina Yano at Ryleigh na tahimik lang na nakaupo sa tabi namin ni Lexi. Bigla kong naalala lahat ng nangyari kanina kaya naman napangiti ulit ako.

“Yano, thank you sa pagligtas kay Lexi.”

“Don’t mention it,” sabay ayos niya sa salamin niya at napansin kong crooked na ‘yun at may crack ‘yung left side. Tumingin naman ako kay Ryleigh pero naalala ko ‘yung ginawa niya.

“Uhm, thank you rin sa pagsalo sa akin.”
Tumingin na lang ako sa kabilang side dahil nahihiya ako sa kanya.

“Yeah right. And thank you for damaging my sword.” Bigla naman akong napatingin sa kanya dahil sa sarcastic remark niya. Nakita ko ang sword na nakasabit sa waist sash niya at puro gasgas nga ‘yun. Naguilty naman ako dahil bigla ko lang ‘yung kinuha sa bewang niya kanina habang hinahabol sina Bridgette.

“Sorry.”

“Tss.”

Gusto kong mainis sa pakikitungo niya sa akin pero wala naman akong karapatan dahil niligtas niya ako at may atraso ako sa kanya dahil sa ginawa ko sa sword niya.

“Hey, who’s that Leon?” biglang tanong ni Yano habang naka-posture siya na nag-iisip.

“Ah. He’s Lexi’s father.”

“I know. Ang ibig kong sabihin, ano siya? Para kasing may kakaiba sa kanya. Parang nakakatakot ang presence niya.”

“Oh.”

Ugh. Stupid, Reika. Syempre alam niyang Papa ‘yun ni Lexi. Mukhang naapektuhan pati ang pag-iisip ko ng nangyari kanina. Napailing na lang ako.

“Ganun lang talaga si Tito Leon.
Malakas kasi ang presence niya to the point na nakakapressure pero kapag nakilala mo na siya, masasanay ka rin at makikita mo ang kakulitan niya.”

“Hmm...at parang nakita ko na siya dati pero hindi ko alam kung saan o kailan.”

Bigla naman kaming napatigil nung narinig namin ang pag-groan ni Lexi. Napatingin agad ako sa side niya at muntik na akong sumigaw nung nakita kong gumising siya.

“Lexi...” Pinigilan ko ang sarili ko na maging emotional. Ngumiti na lang ako dahil gumaan ang pakiramdam ko nung nakita kong dumilat siya.

“N-nasaan tayo?” tanong niya habang nililibot ang paningin sa buong kwarto.

“149
th floor, guest room,” sagot naman ni Yano.

“Oh my God!” Napabangon bigla si Lexi kaya maging kami ay nagulat. Napahawak tuloy siya sa tagiliran niya dahil doon siya may sugat gawa ng talons ni Bultos.

“Bakit? Anong nangyari?” tanong ko kaagad dahil nag-aalala ako sa kinikilos niya.

“Y-yung salamin mo!” sabay turo niya sa eyeglasses ni Yano.

Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa na lang dahil sa ginawa niya.
Her obssession with glasses can sometimes be a little annoying.

“Oh, you’re awake.”

Sabay-sabay naman kaming napatingin sa pintuan nung narinig namin ang boses ni Master. Pumasok ulit silang tatlo at gaya ng reaction ko kanina, shocked din ang expression ni Lexi nung nakita niya ang Papa niya.

“P-papa?! Bakit ka nandito?!”

“Oi, oi, bakit parang ayaw mo akong makita?”

“H-ha? H-hindi naman. Nakakagulat lang.”

Nakita ko namang nagsmirk si Master at siniko niya si Tito Leon.

“Seems like your daughter doesn’t want to see you.”

“Tsk. Iniimpluwensyahan mo ba sila? Ha Ariah?”

Kahit mas matanda si Tito Leon kay Master ng eight or nine years, para lang silang magkasing-edad dahil sa kinikilos nilang dalawa. Kung nandito lang sana si Mama, kumpleto silang tatlo na nagtrain under sa same Master.

“Pero Papa, bakit ka ba talaga nandito?” tanong ni Lexi.

“Ah. Naisip ko kasing dumalaw pero wala kayong tatlo doon sa bahay ni Ariah kaya naisipan kong i-track kayo. Naramdaman ko ang ilang Divian presence sa lugar na ‘to kanina kaya nalaman kong nandito kayo.”

Bigla ko namang naalala ‘yung sinabi ni Bridgette nung kinuha niya si Lexi.

“Tito Leon, may sinabi kanina si Bridgette. Ang sabi niya,
You’re the daughter of that guy. Magagamit ka namin. Do you have any connection with them?”

Bigla naman nagtinginan sina Tito Leon, Master at Gavin, at pakiramdam ko ay may tinatago sila sa amin. Naging seryoso rin ang expression ni Lexi at naghihintay ng sasabihin ng Papa niya.

“Oo, pero hindi niyo na kailangang malaman pa,” sabay talikod niya sa amin at bigla akong kinilabutan dahil sa tension na naramdaman ko sa loob ng room. “Ariah, Gavin, kayo na ang magsabi sa kanila. I need to talk to
him.”

Maging sina Master at Gavin ay naging seryoso at parang nakaramdam din sila ng takot kay Tito Leon.

“Yes,” sabay nilang sagot at nagbow sila hanggang sa makalabas si Tito Leon sa kwarto.

Hindi kaagad ako nakagalaw dahil sa pressure na naramdaman ko. Bigla namang humarap sa aming apat sina Master at Gavin.

“The four of you will go to the Divine Camp,” sabi ni Master.

“Nakausap ko na si Adrielle at nasabi ko nang may apat na bagong Divians ang darating,” dagdag ni Gavin.

“What?! But why?” sabay tayo pa ni Ryleigh.

“We can’t train and supervise you anymore,” sagot ni Gavin at natahimik si Ryleigh.

“Bakit hindi niyo na kami matetrain, Master?” tanong ko naman dahil gusto kong magstay as her apprentice.

“Because we’re going back to Hydra. Now go home and bring your things here.”

After sabihin ‘yun ni Master ay lumabas ulit silang dalawa ni Gavin sa room.
Napansin ko namang parang hindi makapaniwala sina Yano at Ryleigh sa narinig nila.

“Ano ‘yung Hydra?” tanong ni Lexi at agad namang sumagot si Yano habang nakatulala.

“The headquarters of the Spirit Masters and the Divine General. Pero pagkatapos ng nangyaring gulo seven years ago, hindi na ulit ginamit ‘yun dahil nagkanya-kanyang place na ang Spirit Masters. After seven years, ngayon na lang ulit sila babalik.”

“W-wait, if you mean Spirit Masters lang ang pwedeng pumunta doon...” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil si Ryleigh na mismo ang nagconfirm.

“Yes. Your Master must be returning as a Spirit Master.”


***