.

.

Prologue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 30, 2015


***

“Reika, happy 10th birthday anak. This is our gift for you,” tapos inabot ni Mama sa akin ‘yung wooden tablet.

“Ano ‘to, Mama?”

“Your main guardian,” then she smiled at me.

“Aalis ulit kami ni Mama papunta sa Capital.
Sorry kung mag-isa ka na naman, Reika.” Nakita ko naman na naging malungkot ‘yung mukha ni Papa.

“Okay lang po, Papa. May mga kalaro naman ako dito!” saka ako nagsmile sa kanilang dalawa.

“Mahal na mahal ka namin, anak. Sorry talaga.” Niyakap nila akong dalawa at pinipigilan ko na lang ‘yung luha ko kahit na nakangiti ako sa kanila. After that day, hindi ko na ulit sila nakita.

***

“Ah! Jerry! ‘Wag kang tumakbo sa loob ng bahay!”

“Woof!”

Ang kulit ng asong ‘to! Kapag lumalabas siya sa
spirit dimension, masyado siyang nagiging excited.

“Kapag hindi ka tumigil, papabalikin kita
doon.” Agad naman siyang huminto sa pagtakbo at pag-ikot-ikot, tapos humiga siya sa tabi ko. “Good boy.”

Napatingin naman ako sa langit. Ang aliwalas ng panahon ngayon. Ang ganda ng formation ng mga ulap at clear blue talaga ‘yung langit. Ang sarap tuloy humiga lang at tumingin sa kanila.

“Happy birthday Reika.”

Napailing naman ako dahil naalala ko na naman sina Mama at Papa. It’s been eight years since I last saw them...at seven years na ang nakalipas simula nung...mawala sila. I don’t know what happened pero nagkaroon ng gulo sa Capital at lahat ng
Divians, or guardian users, ay lumaban. Halos kalahati sa kanila ang namatay at kasama na doon sina Mama at Papa.

“Rei! Tara na! Baka hindi natin abutan ‘yung tren!” Nakita ko naman na tumatakbo papunta dito sa bahay si Lexine, Lexi raw for short kahit na ‘yung tunog ng
n lang ‘yung natanggal, kababata at best friend ko. Nung namatay ang parents ko, ang pamilya niya ang nag-alaga sa akin. Gusto nga nila dating doon na lang ako tumira sa kanila pero ayaw kong iwan ‘yung bahay namin.

“Hay. Kailangan ba talaga nating pumunta doon?” sabay higa ko na rin sa terrace.

Maliit na bungalow lang ang bahay namin at dahil nasa baryo kami ay uso ang terrace sa labas, though gawa lang sa pawid at kahoy ‘yung lapag.

“Hay naku, ‘yan ka na naman! Basta pupunta tayo sa Capital! Tapos!” bigla naman siyang pumasok sa bahay at kinuha niya ‘yung mga gamit namin. Oo. Dito na niya iniwan ‘yung mga bagahe niya para raw sigurado siyang hindi ko siya tatakasan at sabay kaming pupunta doon.

“Pabalikin mo na si Jerry, Rei! Tara na kasi! Pag tayo talaga hindi nakaabot sa tren, paglalakarin kita mula sa station hanggang sa Capital!”

Hay. Suko na ako. Kapag hindi pa ako kumilos, for sure magdamag na namang dadaldal ‘tong si Lexi at lelecture-an niya lang ako.

“Fine. Fine. Jerry,
nés-sa!”

After kong sabihin ‘yung incantation ay nawala na si Jerry sa tabi ko at kinuha ko na rin ‘yung mga gamit ko. Nagsimula kaming maglakad papunta sa station dahil wala namang sasakyan dito sa baryo namin. Habang naglalakad kami ay lumingon sa akin si Lexi.

“Hindi mo pa rin ba kayang palabasin ‘yung main guardian mo?” Napabuntung-hininga naman ako sa tanong niya.

“Hindi pa rin eh.”

“Okay lang ‘yan. Kaya nga tayo pupunta sa Capital, ‘di ba? Para maging full-pledged Divians? Excited na ako!”

“Ikaw lang.”

“Kunwari ka pa! If I know, sa loob-loob mo ay excited ka rin no. Bilisan na nga natin, naririnig ko na ‘yung tren!”

Tumakbo kami papunta sa station at kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Sa totoo lang, ayaw kong pumunta sa Capital. Doon namatay ang parents ko at ayaw kong makita ang lugar na ‘yun. Pero kailangan kong harapin ‘yung takot ko. Kailangan kong maging malakas na
Divian. Dahil simula nung aksidenteng naibigay sa amin ni Tita Aina, nanay ni Lexi na isang Seer, ang isang prophecy, alam kong magbabago na ang takbo ng buhay namin. Kabisadong-kabisado ko pa ang bawat salitang binitiwan niya nung araw na ‘yun. Ang mga salita kung saan nakadepende ang buhay namin:


Where the havoc has ended,
Another will be started;
Fangs and wings shall decide,
The Shadow will be your guide;
Hell will breathe its fire and rage,
Until the seal and the Guardian break their cage;
The dead shall take the blame,
And the Divian burns in flame.


***