.

.

Chapter 10 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, December 26, 2015


***

Aldrin has been very happy ever since that day. Kapag nagtetext siya, nagraradiate ang good vibes sa messages niya. Samantalang ako, wala pa rin sa wisyo. I just told Alden my freaking name! Ang kapal lang ng mukha ko dahil may kasama siyang babae that time. Baka iniisip ng babae na ang bastos ko dahil hindi ko na siya nirespeto.

Hay naku, Meng! Bakit kasi kay Alden pa ako nagkagusto? Bakit sa alam kong hindi ko kayang abutin? Pero kahit anong pagpigil ang gawin ko, siya pa rin talaga eh. Haaaay. Nakakadepress naman ‘to.

“Ay putek!”

Halos mabato ko ang phone ko dahil biglang tumunog sa gitna ng katahimikan at pagdadrama ko. Pagtingin ko, nakita kong tumatawag si Aldrin. Nagdalawang-isip pa akong sagutin dahil ang tagal na rin nung huli kaming nag-usap. I mean, puro na lang kasi kami text at hindi na kami tumatawag masyado sa isa’t isa. Well, maybe I just need to hear his voice.

“Uy,” bati ko kaagad nung sinagot ko ang tawag. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang mukha ko.

“Hi Maine.” Ewan ko ba pero naiimagine kong nakangiti siya...pero bakit mukha ni Alden ang nakikita ko?! Leche ka ‘wag kang manggulo ngayon! Hindi ikaw ang kausap ko! Si Aldrin!

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako sumagot dahil masyado na akong nagiging intense.

“Hoy Aldrin, pansin ko lang ha, bakit ba trip na trip mo ang pangalan ko ngayon? Ever since nag-thank you ka that day...” bigla naman siyang tumawa.

“Hm? Wala lang. Ang saya banggitin ng pangalan mo, eh.”

“Ha?”

“Basta.”

“Hm? You’re a weird one.”

“I know.”

Kinuha ko naman ang iniinom kong juice at uminom. Well, at least medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayon dahil may nakakausap ako. Naging busy na rin kasi si Shiela these past few days at hindi niya sinasabi sa akin kung bakit. Siguro isa na rin ‘yun sa mga dahilan kung bakit nadedepress ako.

“Bakit ka nga pala napatawag?” tanong ko naman.

“Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo.”

Naibuga ko ang juice na iniinom ko at nasamid ako. Pakiramdam ko ay may pumasok din sa ilong ko at ilang segundo akong umubo nang umubo.

“Maine? Okay ka lang ba? Anong nangyari?”

Naramdaman ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko pati na rin ang pag-init ng mukha ko. Utang na loob! Paano nasasabi ng lalaking ‘to ang mga ganung salita nang hindi nahihiya? Oh my gosh. Buti na lang at wala akong kasama ngayon!

“O-oo. N-nasamid lang ako. Ha-ha.” OH GOD. That laugh sounded so sarcastic!

Nagulat naman ako nung bigla siyang tumawa at lalo lang nag-init ang mukha ko. Putek na ‘yan ano bang nangyayari sa lalaking ‘to?!

“Naiimagine ko ang expression mo ngayon.”

“Ha? Paano mo naman maiimagine, eh hindi mo pa naman ako nakikita?”

“Hindi nga ba?” Naramdaman ko ang pagsmirk niya sa kabilang linya at bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

“Wait? Ha? D-don’t tell me nakita mo na ako?”

“Baka...”

“A-Aldrin! ‘Di nga?”

“Secret.”

Now he’s playing tricks with me?! This guy! P-pero...sa pagkakatanda ko, ang una at huli naming encounter ay ‘yung sa mall. Nakita niya ang back figure ko sa shop kung saan kami bumili ng gifts for Shiela at sa pinsan niya.

“Ikaw ba?” Nagulat naman ako sa bigla niyang tanong.

“H-ha?”

“Naiimagine mo ba ang itsura ko?”

Hindi ko alam kung bakit pero ang mukha ni Alden ang unang pumasok sa isip ko. Ayaw ko namang sabihin sa kanya dahil parang ang disrespectful. Siya ang kausap ko pero ‘yung taong gusto ko ang pumapasok sa isip ko.

“H-hindi. Wala naman akong idea kung anong itsura mo.”

“Ouch.”

“I...I didn’t mean it that way!”

Tumawa na naman siya. Nakakainis. Parang ang saya-saya ng buhay niya, samantalang ako, hirap na hirap nang huminga rito! Sana masamid ka rin kakatawa mo!

“Dimples.”

“Ha?”

“That’s my defining feature. W-well, sabi ng iba.” Narinig ko naman ang mahinang pag-ubo niya at ewan ko kung bakit naisip kong nagbablush siya. Napailing agad ako. Then, doon lang nagsink in sa utak ko ang sinabi niya.

“D-dimples?”

“Yes.”

Shet naman. Bakit sa lahat ng pwedeng sabihin, ‘yun pa? Lalo ko lang naisip si Alden at lalo akong naguiguilty dahil siya na ang naiimagine ko kapag kausap ko si Aldrin.

“Wala na bang iba?” tanong ko naman.

“Mmm...wala na akong maisip.”

Wow. Wala na siyang maisip? Most of the guys I know would immediately tell their height, facial features and such, pero siya, wala nang maisip? Maybe he doesn’t care for his appearance?

“You’re really a weird one,” sabi ko sa kanya but he just laughed it off.

“Anyway, may natupad na ba sa mga wish mo?”

Hm? Why this, all of a sudden?

“May isa, though it didn’t end well,” sabi ko naman. Actually, one of my wishes is to have a conversation with Alden. Natupad nga, narealize ko naman na walang mapapala ang feelings ko sa kanya.

“Talaga? Ano ‘yun?” This time, ako naman ang ngumiti nang nakakaloko.

“Ha-ha. Secret!” Akala mo ikaw lang ha!

“Oh. Hmm...gusto mo bang malaman ‘yung sinabi ko sa’yong wish na natupad nung nakaraan?”

“Ah. The thing you texted? Hindi mo pa rin sinasabi kung bakit ka nag-thank you.”

“Because you granted it.”

“Ha? How? Wala naman akong ginawa.”

Teka, may ginawa ba ako?

Bigla naman akong nakaramdam ng init kaya napatayo ako at pumunta sa bintana ng kwarto ko. Binuksan ko ‘yun para maramdaman ang preskong hangin at habang ginagawa ‘yun ay iniisip ko pa rin kung ano ang ginawa ko para matupad ang isa sa mga wish niya.

“Wow...”

“Maine?”

Hindi ko napigilan ang reaction ko dahil pagtingin ko sa langit ay bilog na bilog ang buwan at sobrang clear ng langit kaya kitang-kita ang stars. Ang ganda.

“Ang ganda ng moon,” I blurted and I heard him snicker.

“Nakatingin ka rin ba?”

“Oo. Ngayon lang. Ikaw rin ba?”

“Kanina pa.”

“Ngayon ko na lang ulit naappreciate ang view na ‘to,” sabi ko at nakaramdam ako ng lungkot. Pagkatapos ng araw ko ay lagi akong dumidiretso sa laptop ko o ‘di naman kaya ay matutulog na agad ako. But looking at the sky right now makes me feel nostalgic.

“Me too.”

Naging tahimik kami after that but I didn’t find it awkward at all. Actually, the silence is comforting. Appreciating this view with someone makes it more memorable.

Then all of a sudden, I saw something that surprised the heck out of me.

“A-Aldrin! Aldrin! Nakita mo ba?” Hindi ko alam kung nakita niya ba ‘yun o baka sa side ko lang ‘yun makikita pero gusto kong malaman. “Aldrin!”

“Yeah...” Nung narinig ko ‘yun ay kumalma ako at napangiti.

“Looks like one more of your wishes came true,” sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa langit.

“A shooting star, huh.”

“Ah! Nasaan ang thank you ko? Mukhang ako ang dahilan ng pagkatupad ng isa sa mga wish mo. Hahaha! Joke—”

“Yeah. Thank you, Maine.” Nagulat naman ako dahil sa biglaang pag-thank you niya at naging dahilan ‘yun para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. I was just joking but he really said it. “You made it more memorable. Thank you.”

Bigla ko namang naalala ang sinulat ko nung nakaraan.

Just like a shooting star, this guy suddenly came into my life.
Just like a shooting star, I was initially surprised,
But his presence gives me a fleeting feeling;
A transient happiness and comfort;
But just like a shooting star, it will not last.

Yes, it will not last. But the feeling that comes after it, will.

Ngumiti ako at tumingin ulit sa langit.

“Yeah. Me too. Thank you,” I said and we both went silent.


***