.

.

Chapter 11 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, January 23, 2016


***

“Pero Shie! Ano ba kasing ginagawa mo?” tanong ko habang nakatambay sa twitter.

“Hinahanap ko nga sarili ko,” sabi naman niya sabay higa sa kama ko.

“Bakit nawawala ka ba?”

“Gusto mo ba ng sapak?”

“To naman, ‘di mabiro!”

Ngayon ko na lang ulit nakausap si Shie after a few weeks. Kainis ‘tong babaeng ‘to. Naglilihim na. Pero in fairness, hindi na siya gloomy and I think unti-unti na siyang nakakamove-on kay Glenn. That’s enough for me...

...pero madaya pa rin! Bakit ayaw niyang sabihin sa’kin kung anong pinagkakaabalahan niya?!

“Anyway, kamusta naman kayo ng Aldrin mo?” sabay ngiti niya nang nakakaloko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

“Anong Aldrin ko? Possessive much lang?”

“Excuse me, ikaw kaya ang nagdeclare na sa’yo lang siya. Remember?”

“W-w-wala akong naaalalang ganyan! ‘Wag kang mag-imbento!”

“Hoooh. So pwedeng sa’kin na lang siya?” Sinamaan ko ulit siya ng tingin. “What? Sabi mo hindi siya sa’yo?”

Ugggh! Nakakafrustrate ang babaeng ‘to! Lagi na lang ako ang talo kapag nag-aasaran kami! Nakakainis!

“No,” sabi ko at binitbit ko ang laptop ko sabay talikod sa kanya. “Off limits siya.”

“At bakit naman?”

“Just because!” sigaw ko. Hanggang kailan ba ako itotorture ni Shiela?!

“Eeeeh? But I like—” Nilingon ko si Shiela.

“He’s mine—!”

OH MY GOD. WHAT THE HECK DID I SAY?

“Now, now. That was a bold statement, Ms. Maine Mendoza,” sabi ni Shiela habang nakasmirk at nakita kong pinipicture-an niya ako.

“Shiela!” Sinugod ko siya at nagrambulan kami sa kama.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tumigil at nagulo na rin ang kama ko dahil sa wrestling namin. Agad akong tumayo at bumalik sa dati kong pwesto habang kinakalma ko ang sarili ko. Kaya ayokong nasa mood si Shiela eh, kasi ako lagi ang napagdidiskitahan niya.

“Good for you,” biglang sabi niya.

“Ha?!” Galit ako pero tinawanan niya lang ako.

“Sabi ko mag-move on ka na rin! Sabay na tayo! Wag ka na kay Alden, kay Aldrin ka na lang.”

“Ano namang kinalaman ni Aldrin?
He’s just…”

“A friend? Parang hindi naman.”

I actually never consider him as a friend. He’s more like a confidant.
Sa kanya ko sinasabi ‘yung mga hindi ko masabi sa friends ko. He’s like my own treasure box.

“Do you like him?”

Napatingin lang ako kay Shiela matapos niyang sabihin ‘yun at halos ilang segundo ang lumipas bago magsink in sa utak ko ang tanong niya.

“Haaaaaaaa?!”

“Seriously Meng, napaka-slow mo talaga pagdating sa mga ganitong bagay.”

Aba, at sa kanya pa nanggaling? Kailan ba uuwi ang babaeng ‘to sa kanila? Kanina niya pa ako pinagdidiskitahan ha! At saka hindi ako slow. Sadyang ayaw ko lang mag-assume ng kung anu-ano dahil dyan nasasaktan ang mga tao.

“Halata naman kasing nasa kanya ang attention mo these past few days.”

“Syempre siya lang naman nakakausap ko kasi ‘yung best friend ko,” sabay irap ko sa kanya, “hindi ako pinapansin nung nakaraan at ‘di man lang sinasabi kung ano ang pinagkakaabalahan.”

Hindi naman talaga ako clingy sa kanya at siguro kaya hindi niya rin sinabi sa akin ay alam niyang ganun ang ugali ko, pero this time, gusto kong malaman kung ayos lang ba siya dahil nga kagagaling niya pa lang sa break-up. At isa pa, nacucurious talaga ako sa kung anumang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Napatigil naman kami nung nakita naming umilaw ang phone ko at naiwan ko pala kanina sa kama habang nagwrewrestling kami ni Shiela. Nagkatinginan pa kaming dalawa at pareho kaming tumakbo papunta sa phone pero dahil nasa kama rin siya ay siya ang unang nakakuha.

“Shie!” sabay talon ko sa kama at sinubukan kong agawin sa kanya ang phone ko pero nagpagulung-gulong lang kaming dalawa.

“It’s Aldrin! I’m gonna read it!”

“No! Don’t!”

Hindi ko nagawang makuha sa kanya ang phone ko dahil hinarang niya ang binti niya sa akin at dahil alam niya ang password ko ay nabuksan niya ‘yun kaya lalo akong nagpanic.

“Shie kasi! Wag!”

“He said,
anong ginagawa mo ngayon? With a smiley face at the end.”

Napatigil ulit ako at umupo na lang ako sa kama.
Suko na ako. Ubos na ang energy ko dahil sa babaeng ‘to. Idagdag pa ang nakakaloko niyang ngiti sa akin ngayon. Dahil alam ko na ang gagawin niya ay hinayaan ko na lang. Sasabihin ko na lang kay Aldrin mamaya na hindi ako ang nagrereply sa kanya. Walanghiya talagang Shiela ‘to.

“Your phone is mine for the next ten minutes,” sabi niya sabay higa sa kama ko.

Pinanood ko lang siya doon na ngumingiti at tumatawa mag-isa habang nagpipindot sa phone ko. Hindi ko alam kung sobrang OA na ng pinagtetext niya kaya siya nagwawala doon sa kama ko. Binuksan ko ang laptop ko at nagsulat na lang ako sa blog ko habang nakikinig ng music.
Bigla ko namang naalala si Alden at ang pagsabi ko sa pangalan ko. Gusto kong bumaluktot na lang sa hiya kapag sumasagi ‘yun sa isip ko. Parang ang kapal ng mukha ko kahit na siya ang nagtanong kung ano ang name ko. Pero okay na ‘yun. At least, he knows me by my face and my name.

Pero sabi ko nga, hindi na ako aasa ng higit pa doon. He’s an artist. I know that their lives are always exposed to the public and I’m sure he doesn’t want to have anyone right now. I think he’s more focused on his works and that’s the best for him. I just wish that he’ll continue to act greatly and be grateful to his fans.

Ilang oras pa ang lumipas at umalis na rin si Shiela dahil may maaga raw siyang appointment bukas. Pagkaalis niya ay agad kong tinignan ang messages at kinabahan ako dahil baka kung anu-anong pinagsasabi niya. Napanganga ako dahil ang dami nilang replies at binasa ko ‘yun isa-isa.

Anong ginagawa mo ngayon? :)


Wala lang.
Iniisip ka.
HAHAHA JOKE!

Akala ko totoo.
Joke lang din :)

Aba, gumagaling ka na mag-joke :p
Pero alam mo, nacucurious talaga ako sa itsura mo.

Kita tayo?
Kidding :p

Call! Prepared na rin ako magpakita
.

What? Seryoso? Akala ko ba ayaw mo?

Nagbago na isip ko! Hahaha!

Nakita naman na kita :p

KAYA NGA DAPAT MAKITA RIN KITA!
IT'S UNFAIR!

Haha! Seryoso ka ba talaga? Wait, ikaw ba talaga ‘to?

Malamang! Narealize ko kasing ang duga mo. Hahaha!
Anyway, let's meet tomorrow sa Starbucks. Around 3 PM?

Halos maibato ko ang phone ko nung nakita ko ang mga pinagsasabi ni Shiela kay Aldrin. At bakit hindi niya nahalatang hindi ako ang kausap niya?! Okay na sanang nag-suspect siya pero hindi naman niya tinuloy! Pagtingin ko sa reply niya ay halos fifteen minutes ang time difference.

Sorry, I won’t be able to meet you tomorrow.

Pagkabasa ko nun, kahit na hindi naman ako ang nagtext, ay medyo...medyo lang...nalungkot ako. I mean, may point naman si Shiela pero—wait! Ano bang pinagsasabi ko? Mas maganda pala ‘yung reply niya! At least hindi kami magkikita. HA-HA.

Akala ko ay tapos na ang convo at akala ko ay wala na akong ikagugulat pa. Pero pagkabasa ko nung huling text niya, napanganga na lang ako at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko.

But if we’re going to meet some other time, let me set the date, place and time. I’ll make sure it will be a memorable one :)

PS. Ano kayang reaksyon mo kapag nakita mo ako?


***