.

.

Chapter 12 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, February 2, 2016


***

Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang message na ‘yun ni Aldrin at isang linggo na rin kaming hindi nakakapag-usap.

Gusto ko talagang sabihin sa kanya na si Shiela ang kausap niya that time pero medyo naguiguilty ako dahil sa message niya sa dulo. He wanted us to meet and for some reason, I am also waiting for that day, and at the same time, I’m scared for that day to arrive.

Kasalanan talaga ‘to ni Shiela, eh! Kung anu-ano kasing pinagsasabi niya! Kapag talaga nagkita ulit kami, sasapakin ko siya ng kaliwa’t kanan!

Pero simula nung araw na ‘yun ay lagi na akong kinakabahan kapag tumutunog ang phone ko. Paano kung siya na pala ang nagtext o kaya tumatawag? Paano kung gusto na niya kaming magkita? Kapag naiisip ko ang mga ‘yun, sobra akong kinakabahan at pakiramdam ko ay mapapraning na ako.

“Do you like him?”

Shiela’s question rang in my mind and I hit my head for recalling that absurd thing. I mean, bakit ko naman magugustuhan ang isang lalaking sa text ko lang nakilala? Ni hindi ko pa nga siya nakikita at hindi ko rin alam kung totoo ba ang mga sinasabi at pinapakita niya sa mga text at tawag niya. Pero. . . bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya? Ang daling magshare ng problema sa kanya at napag-uusapan namin ang halos lahat ng bagay.

Do I really like him?

OH GOD NO. What am I thinking?! As if! Ilang months pa lang kaming magkakilala. Hindi naman pwedeng mahulog agad ako sa kanya. Jusko, umayos ka Meng!

Binuksan ko na lang ang TV sa kwarto ko para madistract ako pero pagkabukas na pagkabukas ko ay mukha kaagad ni Alden ang sumalubong sa akin. Wow. Really?

“Totoo bang nagkakamabutihan na kayo ni Jara?” tanong nung interviewer sa kanya at napataas naman ang kilay ko dahil doon. Jara? You mean his on-screen partner sa serye niya ngayon?

Ngumiti naman si Alden pero napansin ko ang pagkunot ng noo niya.

“Jara’s beautiful and she’s really kind but no, we’re just friends.” Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa kanya na mismo nanggaling na friends lang sila. Pero teka bakit ba affected pa rin ako sa kanya?! Sabi ko magmomove-on na ako, eh! Leche ka kasing Alden ka, masyado kang pa-fall!

“So the rumors aren’t true then?” tanong ulit ng interviewer at nag-nod si Alden.

“Friends lang talaga kami. Besides...”

“Besides, what?”

“My heart’s already taken by someone,” sabi niya sabay ngiti at nagpupumilit na namang lumabas ang dimples niya.

Pagkasabi niya nun ay narinig ko ang pagtili ng ilang babae malapit sa kanya at maging ang ilang nag-iinterview ay napangiti rin. Ako naman, hindi ko alam kung makikingiti, maiinis o magccringe na lang dahil hindi ko maimagine na sinabi ni Alden ang cheesy na line na ‘yun. Pero sino ang babaeng ‘yun?! Siya ba ‘yung tumawag sa kanya sa coffee shop that time? If I remember correctly, her name is Meg.

Well, mas mabuti na siguro ‘to. At least ngayong may babae na siya, mas may dahilan na ako para magmove on. Takte naman kasi, Meng. Mafo-fall na nga lang, sa artista pa.

“Is she a showbiz personality?”

“No,” sabay ngiti na naman niya. Dapat nilalagyan ng duct tape ‘yang bibig niya para hindi siya nakakabihag ng mga kawawang babae, eh!

“So a non-showbiz one, huh? Can you describe her for us?”

“Well...she’s adorable and funny. Magaan din ang loob ko sa kanya at magkasundo kami sa halos lahat ng bagay. Nakakatuwa rin dahil hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo lang.”

“What do you mean by that?”

“Sorry but beyond that is a secret.”

“Oh, sorry. So, are you courting her?”

“Not yet. I want her to know more about me and I’m still not sure if she likes me.”

“Who wouldn’t like Alden Richards?” sabay tawa nung interviewer at ngumiti lang siya. “Okay, to wrap this up, how about you send a message to her?” Tumingin naman siya sa camera at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil feeling ko ay nakatingin siya sa akin.

“Hi,” sabay ngiti ulit. “Kung nanonood ka man ngayon, which I doubt, gusto ko lang malaman mo na sa tamang panahon, sasabihin ko sa’yo ang lahat. Gusto kong makilala mo ako bilang
ako. Let’s see each other soon.”

Pagkatapos nun ay agad kong pinatay ang TV dahil nagkanda-loko-loko na ang sistema ko. Kung kailan naman gusto ko nang makawala sa lecheng Alden na ‘to ay saka naman siya nagpacute nang nagpacute sa TV! Whooo! Kalma, puso! Huwag ka nang magpaapekto sa kanya, ano ba! Kalma!

Lumabas ako sa kwarto ko at uminom ng tubig sa kusina. Napasandal na lang ako sa ref at nagreplay sa utak ko ang interview ni Alden.

“I want her to know more about me and I’m still not sure if she likes me.”

Sobrang swerte naman ng babaeng ‘yun at nabihag niya si Alden. Isang Alden Richards. Jusko, nakakainggit. Pero awat na. Ayoko na talaga. Iisipin ko na lang na hindi kami para sa isa’t isa at may nakalaang ibang babae sa kanya.

Umakyat ulit ako sa kwarto ko at huminga ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko at nagscroll sa messages. Nung nakita kong nagtext pala si Shiela.

MENG! OH MY GOD OH MY GOD! ANG TANGA MO! PERO GOSH SOBRANG GALING MENG DESTINY NA TO!!!!!

Hindi ko nakontrol ang facial expression ko dahil sa text niya. Aba at natanga pa ako? Tapos biglang ang galing? Anong nangyari sa babaeng ‘to?

Anong language ‘to, Shie? Nagdadrugs ka ba?

Ilang minuto akong naghintay pero wala siyang reply kaya naman binuksan ko na lang ang conversation namin ni Aldrin at napabuntong-hininga ako nung nakita kong last week pa ang huli niyang text.

But if we’re going to meet some other time, let me set the date, place and time. I’ll make sure it will be a memorable one :)

Pagkabasa ko nun ay bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Kadalasan ay siya ang unang nagtetext o tumatawag pero nitong nakaraang linggo ay wala ni isang text o tawag akong natanggap mula sa kanya. Busy kaya siya? O baka naman umiiwas?

Ugh! Lalo akong natetempt na itext siya matapos kong mapanood ang interview ni Alden. Gusto ko ng karamay at masasabihan. Huminga ako nang malalim at nagsimula akong magtype.

Busy ka?

Pagsend ko nun ay naghintay ako ng ilang minuto pero wala siyang reply. Mukhang busy nga siya pero nagtype ulit ako, kaso nagulat ako nung biglang may tumawag at pangalan niya ang nakadisplay sa screen ko. Muntik na namang bumagsak sa mukha ko ang phone ko dahil sa gulat pero buti na lang at nakaiwas ako kaagad. Naghintay pa ako ng five seconds bago ko sagutin ang tawag at hindi ko alam kung bakit sobrang kabado ako.

“H-hello?” Umubo-ubo pa ako dahil feeling ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko kahit kakainom ko lang few minutes ago.

“Hi, Maine.” Lalo akong nasamid nung binanggit niya ang pangalan ko. “Sorry, kakatapos lang ng in—kakatapos ko lang sa ginagawa ko.”

“Oo nga, mukha ngang busy ka these past few days.”

“Bakit? Namiss mo ako?” tanong niya sabay tawa at hindi agad ako nakahinga.

“Asa! Taas ng confidence ha?”

“Ako namiss kita,” sabi niya tapos lalo siyang tumawa at hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung nagjojoke ba siya o hindi kasi tawa lang siya nang tawa sa kabilang linya.

“Trip mo na naman akong asarin ha!” sabi ko at bigla kong naimagine ang pagngiti niya.

“Lakas mo rin kasing mantrip nung nakaraan.”

Dahil sa sinabi niya ay bigla kong naalala na si Shiela ang kausap niya last week at hindi niya pa ‘yun alam hanggang ngayon.

“Hindi kasi ako ‘yun! ‘Yung best friend ko ‘yun. Nababaliw siya last week kaya phone ko ang napagtripan. Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa’yo.” Bigla tuloy akong naguilty dahil ngayon ko lang nasabi.

“Sabi na nga ba hindi ikaw ‘yun.”

“Sorry!”

“Okay lang.” Akala ko naputol na ang tawag dahil ilang segundo siyang hindi nagsalita pero napatigil ako nung narinig ko ulit ang boses niya. “Pero nabasa mo naman ang huli kong text?” This time, ako naman ang hindi nakapagsalita pero pinilit ko ang sarili ko kahit na lalo lang natuyo ang lalamunan ko.

“O-oo.”

Bigla kong naramdaman na naging seryoso siya sa kabilang linya at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya kaya naman maging ako ay kinabahan na rin.

“This coming Saturday, 6 PM, at the First Lantern Festival in Makati, let’s meet each other. It’s okay if you won’t come because you’re still not prepared or because of any other reasons but I’ll be waiting. I’ll wait for you, Maine.”


***