.

.

Chapter 13 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, February 20, 2016

***

2:30 AM

Hindi ako makatulog! Putek naman kasi si Aldrin! Simula kaninang tanghali, after niyang tumawag, ay wala na ako sa wisyo at nakatulala lang ako. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya at paulit-ulit ‘yung nagrereplay to the point na gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader.

“This coming Saturday, 6 PM, at the First Lantern Festival in Makati, let’s meet each other. It’s okay if you won’t come because you’re still not prepared or because of any other reasons but I’ll be waiting. I’ll wait for you, Maine.”

NAKAKAINIS! Walanghiya kang lalaki ka, patulugin mo na ako!

***

3:43 AM

Hinarap ko na ang katotohanang hindi ako makatulog kaya kinuha ko na lang ang laptop ko at nagsurf sa net. Sinearch ko nga ‘yung sinabi niyang Lantern Festival sa Makati at dumagundong ang puso ko nung nakita kong meron nga. Sheeeeet totoo nga!

Tinignan ko ang article at pictures about doon at nakita kong simula na pala ng preparations ngayon. Saka ko lang narealize na tatlong araw na lang at Saturday na-oh God dalawang araw na lang pala dahil madaling araw na!

Lalo akong nagpanic dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pwede naman akong humindi pero kasi nakakahiya at isa pa, nacucurious na rin ako kay Aldrin. Pero nakakainis pa rin siya! Ang lakas niyang mambigla ng meet-up! Wait, paano pala kung modus lang ang lahat ng ‘to? Ganito ang nababalitaan ko sa TV at nababasa ko sa social media. Paano kung member pala siya ng kung anong gang at ginagawa niya lang pala ‘to para biktimahin ako?

OH MY GOD.

Hindi ko alam kung dala lang ba ‘to ng panic, kaba o sadyang nasisiraan lang ako ng ulo pero tinext ko siya kahit na alam kong hindi naman niya kaagad mababasa.



Nagulat naman ako nung biglang umilaw ang phone ko at nakita ko ang name niya. Hala ka, gising pa ang loko!



Magrereply na sana ulit ako kaso napatigil ako nung tumawag siya. Nilapag ko kaagad ang phone ko sa kama at ilang segundo pa akong tumitig at nagdecide kung sasagutin ko ba o hindi dahil una, nagulat ako; pangalawa, nahihiya ako sa kanya ngayon; at pangatlo, baka awkward!

Nung in-end na niya ‘yung call ay doon lang ako nakahinga pero bigla ulit siyang tumawag.

“Takte naman ‘tong lalaking ‘to! Hindi man lang ba siya nakakaramdam ng awkwardness matapos niyang sabihin sa akin ‘yun?!” sabi ko sa sarili ko habang dahan-dahang kinukuha ang phone ko. Dahil hindi tumitigil ang pagdisplay ng pangalan niya sa phone ko ay naisipan ko nang sagutin para matapos na rin.

“O, bakit?” agad kong sabi nang hindi pinapahalata na sobra akong kinakabahan. Putek, anong nangyayari sa akin?!

“Wala lang. ‘Di rin ako makatulog, eh,” mahina niyang sabi at narinig ko pa ang pagtawa niya. Bigla namang uminit ang mukha ko dahil sa pagtawa niya at feeling ko ay wala na talaga ako sa wisyo.

“So pastime mo ako ngayon, ganun?”

“Wait, bakit parang ang sungit mo?”

Pagkasabi niya nun ay napahinto ako at napaisip. Oo nga, medyo masungit nga ang paraan ng pagkausap ko sa kanya ngayon, pero hindi ko rin alam kung bakit. Siguro defense mechanism ko lang ‘to kapag may nararamdaman akong bago.

“Kasi nga wala pa akong tulog,” sabi ko na lang.

“Nakakaistorbo na ba ako? Sige-”

“Hindi!”

Nung narealize kong nasabi ko ‘yun ay binatukan ko ang sarili ko. Takte ka naman Meng, ano bang problema mo ha?! Pero mas lalo akong narattle nung narinig ko ulit ang mahina niyang pagtawa.

“Sure?”

“Y-Yes.”

“Cute mo.” Bigla naman siyang tumawa ulit at napangiti ako. Ang contagious ng tunog ng tawa niya, eh. Feeling ko tuloy ang gwapo niya kapag nakangiti, though ‘di ko pa maimagine dahil hindi ko pa siya nakikita.

And two days from now, magkikita kami.

OH MY GOD HINDI KO MAIMAGINE! HINDI KO KAYA!

Nag-usap lang kami ng kung anu-ano at hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Basta ang alam ko lang ay nakatulugan ko siya at paggising ko nung umaga ay bumungad ang text niya.



Ha? Wait, may sinabi ba siyang kakaiba? Nagreply naman ako sa kanya.



Iniwan ko muna ang phone ko sa kama para maligo at kumain dahil init na init at gutom na gutom na ako. Tanghali na pala kasi ako nagising. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ulit ako sa kwarto ko at humiga.

Ngayon ko lang narealize na ilang months na kaming magkausap ni Aldrin pero parang wala pa rin kaming alam sa isa’t isa. Well, alam namin ang interests and other stuff ng isa’t isa pero ‘yung mismong main information about us ay hindi. Hindi ko alam ang buong pangalan, birthday, age and favorite stuff niya at ganun din siya sa akin. Okay lang naman ‘yun since pareho naman kaming private pagdating sa ganun at mas nagiging interesting din siya sa akin dahil may pagka-mysterious. Pero medyo nacucurious na rin ako.

Makikita ko naman na siya sa sabado.

Ay wait! Aba at bakit ko ‘yun naisip? Pumayag na ba ako? Lecheng utak ‘to, pinangungunahan na naman ako! Bigla tuloy akong kinabahan. Thursday na ngayon at undecided pa rin talaga ako dahil sa iba’t ibang rason.

Nagpagulung-gulong ako sa kama dahil sa frustration pero napahinto ako nung naramdaman ko ang phone ko. Pagtingin ko, nagreply na pala si Aldrin at lalo akong naguluhan nung nabasa ko ‘yun.



What the heck is RFJ?


***