.

.

Chapter 14 | Alden

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, March 5, 2016


***

"Chard, ano na, kailan mo ba siya ipapakilala sa amin?" tanong ni Meg na hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ako kung sino raw ang tinutukoy ko sa interview ko.

"Nakita mo na nga 'yun," dagdag ni Drei habang nakikinig siya ng music. Nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang may dalang earphones o headphones kaya tingin ko ay nagcocompose siya ngayon ng kanta.


"Eh sino nga? I'm curious! Gusto kong makilala siya para masabi ko na sa kanya lahat ng baho mo."

Napailing na lang ako habang tumatawa dahil sa pinaggagawa nila. Nakatambay lang kasi sila ngayon sa condo ko dahil daw wala silang magawa. Natapos na kasi ang contract ni Meg sa modeling agency niya dati kaya nagfi-freelance na lang siya ngayon. Si Drei naman, nagresign sa enterprise na pinagtatrabahuhan niya dahil mas gusto na niya raw magfocus sa kung anong gusto niya kaya naghahanap siya ng trabaho na may kinalaman sa music.

"Ah, wait! Siya ba 'yung sinasabi mong nag-suggest ng puzzle?" tanong ulit ni Meg at hindi ko yata napigilan ang facial expression ko kaya siya ngumiti. "So I'm right! Okay then, approved na!"

Humiwalay muna ako sa kanila at pumunta sa kwarto ko. Napabuntong-hininga ako dahil alas-kwatro na at bukas na ang Lantern Festival. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Kung hindi man siya pupunta, okay lang. Pupunta rin naman si Drei doon para tulungan ako. Sasama na lang ako sa kanya 'pag nagkataon. Pero kung pupunta siya...

Sana nga pumunta siya.

Napangiti naman ako bigla nung maalala ko ang araw na 'yun.

"Maine! Maine...that's my name."

Hindi ko akalaing maririnig ko ang pangalan niya mula sa babaeng nakasalubong namin dati ni Drei sa mall at nakatabi ko sa Quantum. Kung anu-ano na ang tumakbo sa isip ko nun pero ang una kong naisip ay, 'baka naman pareho lang sila ng pangalan.' Pero nasa Starbucks din siya nung araw na 'yun at nagsend siya ng picture ng coffee na iniinom niya kaya agad kong tinignan ang coffee na nasa table niya.

At parehas 'yun sa picture.

Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nun´╝Źgulat, pagkamangha, saya, takot. Kinilabutan pa ako dahil hindi ko akalaing makikilala ko ang babaeng naging dahilan ng saya ko nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko rin akalain na siya ang babaeng lagi kong nakikita sa mall.

That moment, I knew fate brought us together.

Nag-thank you ako sa kanya sa text dahil sa nangyari pero syempre, hindi ko sinabi kung bakit. Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya kung sino ako. Madalas na akong nagi-guilty kapag tinetext o tinatawag niya akong Aldrin kaya gusto ko nang malaman niya ang identity ko. And Meg brought me the answer. She said a Lantern Festival will be held on Saturday, 6 PM and I remember one of her wishes. She wants to see a lantern fest together with someone she loves.

I guess I can only fulfill half of her wish since I don't know the person she loves. Mukha namang meron siya ngayon dahil nagtetext siya tungkol doon sa crush niya na one-sided lang daw. Gusto ko ngang malaman kung sino 'yun pero ayaw ko namang manghimasok sa lovelife niya at mukhang hindi niya rin naman sasabihin.

Bigla namang tumunog ang phone ko kaya bumalik ang isip ko kasalukuyan at pagtingin ko ay galing kay Maine ang message. Bigla rin akong kinabahan kaya huminga muna ako nang malalim bago ko 'yun binasa. Pero bago ko pa 'yun mabasa ay narinig ko ang pagsigaw ni Drei. Nagulat pa ako nung bigla niyang binuksan ang pinto ng kwarto ko at dire-diretsong pumasok.

"Shit! Pupunta na siya!" sigaw niya habang nakatingin sa phone niya at pagkarinig ko nun ay agad kong binasa ang text ni Maine.



Pinaulit-ulit ko pang basahin ang tatlong salitang 'yun para makasigurado ako kung tama ba ang nakikita ko. See you tomorrow. That means she's going to the Lantern Festival. She's going to meet me. She's going to see me.

"Pfft. Dude, you're too obvious. You fell hard, huh?"

"Ha?"

Nginisian lang ako ni Drei at bigla siyang may kinausap sa phone habang nakatingin pa rin sa akin.

"Yes. He's smiling like an idiot," sabi niya sa kausap niya at tumawa siya. "Bagay nga," sabay tawa niya ulit. "Checked it. It's good. Yeah. See you later. Bye." Pagkatapos nun ay ngumiti ulit siya sa akin at sinipa niya ako. "Landi mo, gago! Ge, may lakad pa ako. Sabay ko na rin si Meg palabas. Nakakahiya naman sa'yo, eh. Baka makita ka naming nagwawala dito."

Hinabol ko rin siya ng sipa pero nakaiwas ang loko at kinaladkad na niya rin si Meg palabas ng condo ko. Hindi ko nga natanong kung pano niya nalaman na pupunta si Maine pero hinayaan ko na lang. Pero mukhang tama nga siya dahil pag-alis nila, para akong tanga na buong gabing nakangiti at hindi na ako nakatulog.

Saturday, 5 AM.
13 hours left before our meeting.

Nagtext ulit ako sa kanya at naghanda na ako para sa araw na 'to.




***