.

.

Chapter 15 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, March 5, 2016


***

"Ano? Nakapagdecide ka na ba sa isusuot mo?" tanong ni Shie habang nakadapa siya sa kama ko, samantalang ako ay palakad-lakad sa harapan niya.

"Hindi pa nga eh. Ahhh ayoko na! Pwede bang mag-backout?" sabay labas ko sa phone ko.

"Gaga! Hihintayin ka na nga niya doon, 'di ba?"

"Pero kasi!"

Napaupo na lang ako sa gilid ng kama dahil sobrang nararattle na ang utak ko sa dapat kong gawin. Ilang oras na lang at magkikita na kami. Habang umaandar ang oras ay lalo akong kinakabahan.

"Hoy Shie! Sasamahan mo ako, ha? Sabi mo 'yan kahapon!"

"Oo na, oo na. Pero hindi ako lalapit sa'yo kapag magkikita na kayo."

"Pero-"

"Hush. May iba rin akong kasama doon."

Kahapon niya pa rin sinasabi 'yan pero hindi naman niya iniispill kung sino ang kasama niya. Feeling ko 'yun ang dahilan kung bakit siya madalas na tumitingin sa phone niya these past few days. Maloloka ako kapag lalaki 'yun. Sa wakas, nakamove on na rin siya kay Glenn!


Bigla naman siyang bumangon sa kama at seryoso akong tinitigan.

"Pero Meng alam mo, ang galing talaga."

"Ang alin?" Pinagsasabi na naman ng babaeng 'to?

"Never thought that I would witness how destiny works," sabay tingin niya sa malayo.

"Shie, ayos ka lang ba? Huwag mong sabihing nagkabalikan kayo ni Glenn?!"

"Gaga! As if! Hindi tungkol sa'kin 'yung sinasabi ko, it's about you!"

"Ha?!" Mas lalo lang akong nalilito sa sinasabi niya dahil napaka-vague kaya naman tinigil na namin ang usapan at pumunta kami sa closet ko.

"Hm, ano kayang maganda?" tanong ni Shie habang nakatingin sa katawan ko.

Actually, kagabi pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung anong susuotin. Gusto kong maging presentable pero baka isipin niya naman na ang OA ko kung masyadong formal. Nag-give up ako halfway dahil hindi ko na talaga alam ang susuotin. Buti na lang at nandito si Shie.

"How about this?" sabay labas niya sa isa kong blue dress.

"No! Nakita na niya raw akong nakasuot niyan." Pagkasabi ko nun ay nanlaki ang mga mata ni Shie.

"Wait, nagkita na kayo?!"

"Hindi. Siya lang nakakita sa akin. Sa mall 'yun eh, tapos nakita niya raw 'yung back figure ko."

"Ahh. Akala ko naman. So, hindi na 'to." Binalik niya 'yung dress sa closet at naghalungkat ng iba pa.

Napatingin naman ako bigla sa phone ko. Binuksan ko ang convo namin ni Aldrin at tinitigan ko ang last text niya nung umaga.



Pagkabasa ko nun kanina nung nagising ako ay sobrang nagising din ang diwa ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang surname ko kaya ang creepy. Paano kaya kung stalker 'tong si Aldrin, ano? Pero sabagay, nakita na niya kasi ako kaya hindi rin malayong malaman niya ang pangalan ko through other sources, though hindi ko nga lang alam kung saan o paano niya nakuha.

"Found the perfect dress!" sigaw ni Shie kaya napatingin ako sa kanya.

She's holding a simple red dress and when I saw that, I also know that it's the right attire for me. After that ay naghanap naman kami ng footwear and accessories na babagay sa akin at sa dress. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas sa paghahanap namin ng mga 'yun pero 2:30 PM na pagtingin ko sa oras.

"Oh my gosh Meng, maligo ka na! Dali! Aayusan ka pa!"

Dahil nagsisimula na naman akong magpanic ay napatakbo na ako sa banyo at naligo. Kumain na din muna kami ng snacks para pakalmahin ang mga sarili namin. Nakiligo na rin si Shie at sabay na kaming nag-ayos. Sinuot namin ang kanya-kanya naming dress pati na ang shoes and accessories. Suot ko ang red dress at black gladiator sandals ko habang si Shie naman ay naka-white dress. Shiela curled my hair and I tied hers into a high ponytail with side braid.

"Oh gosh, mag-5 PM na! Tara na, Meng!"

Nagmadali naman kami papunta sa car niya at sobrang umiikot na ang ulo ko sa dami ng naiisip ko na pwedeng mangyari. Hawak ko pa rin ang phone ko at naghihintay ng text galing kay Aldrin pero wala akong natatanggap. I'm sure busy din siya.

Whoo! Hinga, Meng! Feeling ko sasabog na ang puso ko sa excitement at kaba. Lalo lang tuloy akong nacurious sa itsura ni Aldrin. Lalo ko lang din hindi maimagine ang appearance niya.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kami ni Shiela kaya naman lumipad na ang isip ko kung saan-saan. Bigla kong naalala ang unang encounter ko kay Aldrin. I thought I called Glenn so I said hurtful words to him but it turned out it was not him. I said sorry and I never thought that we would still talk to each other after that. During those times, I realized we fit each other when it comes to personality. He became my happy pill and he said he's happy when he talks to me. At first, I don't want to share it with Shie because as much as possible, I want it to be a secret. I want our own little world to be unknown to others.

Wow. I never realized he's become a part of me.

Napatingin ulit ako sa phone ko at napagdesisyunan kong i-text siya bago kami magkita.



"We're here," sabi ni Shie at bumaba na kami.

***

"Whoa! Wow!"

Puro ganun lang ang masabi namin ni Shie dahil nakakamangha ang lugar kung saan magaganap ang Lantern Festival. Parang 'yung napapanuod ko lang sa mga anime na may food stalls and other stuff. I think sponsored to ng Japanese orgs dahil ang dami ring anime stuff at marami rin ang naka-yukata.

Madilim na rin kaya nagbukas na ang lights sa bawat poste kaya ang ganda ng ambiance. Nakakatuwa pa dahil maririnig mo talaga ang pag-eenjoy ng mga taong naglalakad. Nararamdaman ko talaga ang pagiging festival nito.

"Tara Meng! Doon tayo sa maraming tao. 'Di ba doon kayo magmimeet ni Alde-Aldrin?" Nagulat naman ako sa sinabi niya at doon ko narealize ang lahat.

"Oh my gosh, Shiela!" sabay turo ko sa kanya. "Ikaw ang source niya no? Ikaw ang nagsabi sa kanya ng whole name ko?"

"Bleh! I'm just helping," sabay ngiti pa niya nang nakakaloko at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

"Wait, where are you going?" Bigla na lang kasi siyang bumitaw sa akin at naglakad palayo.

"One minute before 6 PM. It's time, Meng. I don't want to be a hindrance." Lalo akong nagpanic nun dahil ito na ang tamang panahon para magkita kami. Napatingin naman ulit ako sa likod ni Shiela nung lumingon siya sa akin. "And I'm not the only one helping the both of you."

Pagkasabi niya nun ay may lalaking lumapit sa kanya at napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang mukha niya. I know him. Siya 'yung laging kasama ni Alden.

"Hi Maine!" sabay kaway niya sa akin at umakbay siya kay Shiela. OH MY GOD. Siya rin ba ang laging kausap ni Shiela these past few days?

"Bye Meng! Good luck," sabay talikod nilang dalawa. "And don't be too surprised."

Naglakad sila palayo at hindi ko na sila makita dahil sa dami ng tao. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng mga taong naglalakad at kumabog ang puso ko nung bigla kong naramdaman ang tuluy-tuloy na vibration ng phone ko sa kamay ko. Pagtingin ko, tumatawag si Aldrin.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaba at hindi ko alam kung kaya ko ba siyang kausapin ngayong alam kong baka nasa paligid lang siya ngayon. Pero nilakasan ko na ang loob ko at in-accept ang call mula sa kanya.

"H-Hello? Aldrin?"

"You look beautiful in that dress, Maine."

Pagkarinig ko nun ay nag-init ang mukha ko at parang nilalanggam ang pisngi ko, lalo pa't kakaiba ang boses niya ngayon. Sobrang bilis at lakas na rin ng tibok ng puso ko at hindi na ako makagalaw sa pwesto ko.

"N-nasaan ka?"

"Nasa likuran mo."

Lalo akong hindi nakagalaw. Parang dumikit na ang paa ko sa lupa. Gusto kong lumingon pero ang dami kong nararamdaman sa ngayon-takot, kaba, excitement, curiosity, and somehow, a different feeling.

"I seriously want to introduce myself properly the first time we talk but I was too afraid. Now I think this is the right time for everything and I don't know if you'd forgive me for hiding my identity."

Hindi ko alam kung dahil lang ba 'to sa sitwasyon o ano pero parang nag-fade away lahat ng nasa paligid ko at tanging boses niya lang ang naririnig ko. Akala ko sa TV dramas ko lang 'to makikita but here I am, experiencing the same thing.

"Aldrin..." I called his name as I slowly turn around.

"Instead of Aldrin, call me Richard."

As I turn around, countless people are walking around but there's only one person staring right at me while holding his phone to his ears. He smiled at me and I froze when I saw him.

"Hello Ms. Nicomaine Dei Mendoza. I'm Richard Faulkerson, Jr. and I'm really happy to finally meet you here."

I don't know what to feel. I don't even know if this is real.
It's Alden Richards.


***