.

.

Chapter 16 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, March 6, 2016


***

Hindi ko alam ang gagawin. Hindi na ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa pagtitig sa akin ni Alden. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagjojoke ba ang tadhana? Pinagtitripan ba ako?

Bakit siya nandito?
Bakit siya ang kausap ko?

"I know you're surprised but...it's me. Ako si Aldrin," he said over the phone.


"Joke ba 'to?" 'Yun na lang ang nasabi ko dahil sa overwhelming feelings na nararamdaman ko ngayon.

"No. This is real."

Bigla naman siyang ngumiti at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko anytime ay aatakihin na ako sa puso lalo pa't nakatitig siya sa akin at nakangiti. Bwisit ka, Alden. Combo na 'yan. That's cheating.

"Shet naman. Shet talaga."


Binaba niya ang phone niya at naputol na ang call. We're still a few meters away from each other but I panicked when he started to walk towards me. And the worse thing? I can't move my body.

Gusto kong hanapin ngayon si Shiela at batukan siya nang malakas dahil malakas din ang kutob ko na alam niya ang tungkol dito. Then naalala ko bigla 'yung tinext niya sa akin dati.




Oh, God. Shiela! Lagot talaga siya sa akin kapag nakita ko siya!

"Oh My God, 'di ba artista 'yun?"
"Saan? Saan?"
"Huy may artista raw! 'Yung guy! Ayun oh!"
"Teka ang gwapo! Si Alden ba 'yun?"
"Alden? As in Alden Richards? Where?!"

Kung kanina ay parang nawalan ako ng pakialam sa paligid ay bumalik 'yun nung narinig ko ang usapan ng ilang mga taong dumadaan. Akala ko napapansin din ni Alden pero nakatingin lang siya sa akin. Gusto kong kiligin pero shet hindi siya pwedeng makita ng mga babae dito!

Kahit na nanginginig at nanghihina pa ang tuhod ko ay tumingin ako sa stall na nasa gilid ko and luckily, may tinda silang festival masks. Naglabas ako ng pera sa wallet ko at kinuha ko ang pinakamalapit na mask at naglakad ako papunta kay Alden. Nakita kong shocked ang expression niya dahil sa pag-approach ko. Nung magkaharap na kami ay parang natuyo ang lalamunan ko at hindi na ako makahinga dahil sa intense ng pagtitig niya sa akin. Leche ka, kapag ako natunaw!


Huminga ako nang malalim. Sinuot ko sa kanya ang mask at halatang baffled siya sa ginawa ko pero bago pa siya makapagreklamo ay kinuha ko ang kamay niya at naglakad palayo doon sa mga nag-uusap sa paligid.

"Si Alden ba talaga 'yun? 'Di ko masyadong nakita!"
"Girlfriend niya? May girlfriend ba siya ngayon?"
"Baka naman kasi hindi siya?"

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hinatak ko lang siya palayo. Nagulat naman ako nung naramdaman ko ang pagsqueeze niya sa kamay ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Doon ko lang narealize na magkahawak-kamay pala kami.

OMG HOLDING HANDS! Bakit ko 'yun ginawa?! Oh my gosh anong gagawin ko? Bibitiwan ko ba? Magssqueeze back ba ako? Shet baka pinagpapawisan na 'yung kamay ko!


Para namang huminto ang puso ko nung narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Thanks. Hindi ko napansin na pinagtitinginan na pala tayo kanina," he said with a muffled voice because of his mask.

"Ikaw lang naman ang pinagtitinginan doon. Gwapo mo kasi-" Napahinto ako sa pagsasalita dahil sa sinabi ko at mahina kong minura ang sarili ko. Sinampal ko rin ang bibig ko dahil walang preno! Nakakahiya ka, Meng! Nakakahiya! Lupa, kainin mo na ako ngayon, please!


"Ang ganda mo rin kasi," mahina niyang sabi at halos kilabutan ako dahil ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko. Napahinto na ako sa paglalakad at hindi na naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Sa totoo lang, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon pero habang pinapakinggan ko ang boses niya, alam kong boses din 'yun ni Aldrin at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang napansin 'yun dati. Naiinis din ako sa kanya dahil hindi man lang niya sinabi sa akin. Para lang pala akong tanga dati na iniisip pa kung kakalimutan ko na ba si Alden at i-enjoy na lang ang conversations namin ni Aldrin.


Iisang tao lang pala sila.

"Maine." Nagulat naman ako nung bigla niya akong hinila at inikot para mapaharap sa kanya.

"Y-yes?" Jusko, halatang-halata naman na nagpapanic ako!

"Sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo," sabi niya sabay inikot niya ang mask na sinuot ko sa kanya para makita ang mukha niya. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili ko sa pagsabing ang cute niya at ang cute ng mask na nasa gilid ng mukha niya. "Naaalala mo ba nung nagkita tayo sa Starbucks? 'Yung nakiupo ako sa table mo?"

Bigla namang nagflashback ang moment na 'yun at bigla akong nahiya dahil ang kapal ng mukha kong sabihin sa kanya ang pangalan ko-wait. Dahil ba doon kaya niya nalaman na ako si Maine?

Bigla naman siyang ngumiti at gusto ko na siyang sabihan na itigil na niya dahil aatakihin na ako sa puso. Putek, hindi ba makaramdam ang lalaking 'to?!

"Yup. I've known you since then." He squeezed my hand again. Hindi pa pala namin binibitiwan ang kamay ng isa't isa.

"Uy magsstart na 'yung playlist fest!"
"Aww sana i-play nila 'yung favorite song ko."
"Marami namang songs ang ipeplay since around 10 PM pa ang lantern lighting."

Saktong pagkarinig ko 'yun ay may nagplay na kanta.

Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y
Maghahasik ng kaligayahan
Bitawan mong unang salita
Ako ay handa nang tumapak sa lupa

Nagkatinginan kami sa mata at nag-iwas kami ng tingin sa isa't isa dahil sa pesteng kanta. Jusko naman bakit ganyan?

Tapos na ang paghihintay nandito ka na't
Oras ay naiinip magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita
Na para bang tayo'y di na tatanda

Ligaya mo'y nasa huli
Sambit na ng iyong mga labi

"Tara, maglibot muna tayo," sabi niya at halata kong kabado rin siya.
"O-okay."

This time, siya na ang naglead at dahil hindi na siya nakatingin sa akin ngayon ay doon lang ako nagkatime na ngumiti nang wagas. Damang-dama ng facial expression ko ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Kahit na ang dami kong tanong sa ngayon ay isasantabi ko muna at ieenjoy ko na lang ang gabing 'to. Once in a blue moon lang mangyari ang ganito. Alden and me? Magkasama? Magkausap?

I mean, this is a miracle.

Feeling ko mabibiyak na ang bibig ko dahil sa lapad ng ngiti ko. Nagpahatak lang ako sa kanya kahit hindi ko na alam kung saan kami pupunta at ang cute niya din kasi nararamdaman ko 'yung kaba niya sa kamay niya. Medyo nanginginig. O baka naman kamay ko 'yun?

"Maine."

"Y-yes?!" Nagulat ako dahil bigla siyang lumingon habang silently akong naglalabas ng feels. Hala ka nakita niya ba ako?!

"Uhm, gusto mo bang kumain?"

"O-okay lang. S-sige."

Nagtingin-tingin kami sa stalls at ang dami kong gustong kainin. Syempre una kong kinain ay street foods dahil namimiss ko nang kumain ng ganun. Natawa nga ako sa kanya dahil ayaw niyang kumain ng paa ng manok. Nakakatakot daw kasi 'yung itsura at para siyang sasakmalin.

Wow. In fairness, parang 'yung kilala kong Aldrin ang kasama ko ngayon at hindi si Alden na artista. Unti-unti ko nang napapaniwalaan na siya talaga ang kausap ko these past few months. Hindi ko akalaing ganito pala ang ugali at personality ni Alden.

"Bakit?" Bigla naman akong nagulat nung tinanong niya 'yun at doon ko narealize na nakatitig na pala ako sa kanya habang nakangiti. Shet naman kanina ko pa pinapahiya ang sarili ko ha!

"Ah! Ano, may dumi ka sa mukha, ayan o," sabay hawak ko sa pisngi niya para kunwari tanggalin 'yung dumi kahit wala naman. Grabe mas makinis pa yata ang mukha niya kaysa sa akin!

"Thank you," sabay ngiti niya at naghello sa akin ang dimples niya. Ugh natetempt akong sundutin 'yung dimples niya! Huwag ka ngang ngumiti!

Kung anu-ano pa ang kinain namin at 'yung iba ay Japanese food kaya ang refreshing din sa panlasa. Hindi ko akalaing nag-eenjoy ako ngayon kasama siya. I mean, nung nakita ko kanina si Alden, akala ko ay magiging awkward kami sa isa't isa. Like hello? Artista siya at crush na crush ko pa siya. Pero hindi ko na-feel ang pagiging artista niya, instead, naramdaman ko sa kanya ang personality ni Aldrin kahit sa text or tawag ko lang 'yun nararamdaman.

Hey, there's a look in your eyes
 
Must be love at first sight 
You were just part of a dream 
Nothing more so it seemed

Napatingin naman ako bigla sa paligid nung narinig ko ang kanta dahil parang live band ang tumutugtog at kumakanta. At saka bakit ganito ang mga kanta ngayon? Nagpapatama ba sila?!

"Tara. I prepared something for you." Bigla naman akong hinatak ulit ni Alden papunta sa kung saanman at nagulat ako nung napunta kami sa parang stage area sa bandang gitna.

But my love couldn't wait much longer
 
Just can't forget the picture of your smile 
'Coz everytime I close my eyes 
You come alive 

Halos mapanganga ako nung makita kong nasa stage si Shiela pati na ang kaibigan ni Alden na kasama niya kaninang umalis. Nung natapos nila ang kanta ay nagpalakpakan ang mga taong nanonood dahil ang ganda ng mga boses nila.

"Good evening, everyone!" sigaw nung kaibigan ni Alden. "We're going to be your radio tonight! Kung gusto niyo pong magrequest, maghulog lang kayo ng papel kung saan nakasulat ang kanta dito sa request box at bubunot kami. But for the next song, me and Shiela will sing our own composition for those two idiots over there!" sabay turo niya sa side namin kaya nagulat ako. Pagtingin ko kay Alden ay binalik niya ang mask sa mukha niya at medyo napangiti ako dahil doon.

"Hi, friend!" sigaw ni Shiela sa akin mula sa stage. "Enjoy your date with Aldrin. This song is for the both you."

Bigla namang tumugtog ang banda sa likuran nila at nagsigawan ang mga tao.

"Tinulungan nila ako para dito," bulong sa akin ni Alden at napatingin na lang ako sa kanya. Feeling ko nakangiti siya sa ilalim ng mask niya.

But on a side note, he prepared this for me? Okay. Hindi ko alam kung paano ko pa pipigilan ang kilig ko.

"Thank you," mahina kong sabi at namatay ako deep inside nung hinawakan niya ulit ang kamay ko.

Seriously Alden, you'll be the death of me.


***