.

.

Chapter 17 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, April 3, 2016

***

Habang kumakanta sina Shiela at Drei (nagpakilala siya sa audience kanina) ay iniisip ko kung totoo ba 'to o nananaginip lang ako. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. I mean, dati ay mula sa malayo ko lang na nakikita si Alden pero ngayon, hawak pa niya ang kamay ko. Pero mas nakikita ko na ang pagiging Aldrin niya ngayon. At least, that lessens the tension between us.

Pagkatapos ng isang kanta ay kinanta na nila 'yung sinasabi nilang own composition nila at doon ko biglang narealize lahat. 'Yung times na busy si Shiela sa kung ano, 'yung lagi niyang pagtingin sa phone niya, kapag laging nakasuot ang earphones niya. So ito ang pinagkakaabalahan niya?

Nagplay ang melody ng kanta at unang kumanta si Drei.


"Been nervous all day
The time keeps on ticking
Practicing the words I'll say
But my mouth keeps on drying
Excited and scared to see you
Do you feel the same, too?
Searching in this amazing view
And then there's you"

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Alden sa kamay ko at bigla akong nainggit dahil at least siya, may mask na suot kaya hindi ko nakikita ang expression niya. Feeling ko pulang-pula na ang mukha ko kaya gusto kong takpan.

Nagfocus na lang ulit ako sa stage and this time, si Shiela naman ang kumanta at nakita kong nakatingin at nakangiti siya sa akin.

"Searching in this sea of people
I saw you looking at me
My world stops moving at all
Can't believe you're really here
My heart's beating faster
your smile is as sweet as honey
Feeling hot in this cold weather
As you walk towards me"

Hindi ko alam kung na-envision na nila ang mangyayari ngayong gabi kaya nila nasulat 'yung lyrics o sadyang coincidence lang na ganun ang nangyari. God sana naman hindi masyadong pula ang mukha ko, though nararamdaman ko naman na sobrang init na.

Nagsabay naman silang kumanta at nakita kong nagiging sweet na ang atmosphere dito dahil halos lahat ng couples sa paligid ay nakikinig at may interactions pa sila sa isa't isa. Samantalang kami, stiff pa rin...

Wait! Ano naman? Hindi naman kami couple! Magtigil ka, Maine!

"For the first time, I see the real you
Hold my hand and enjoy this night
For the first time, I see you smile
Brighter than any of these lights
For the first time, I feel your warmth
Hand-in-hand, my chest feels tight
For the first time, everything's right
For the first time, I fell in love"

"Maine."

"H-ha?"

Nagpapanic na ako deep inside dahil nagsisimula nang maging awkward ang atmosphere naming dalawa. Leche namang kanta 'yan, o!

"Gusto mo bang maglibot ulit?"

"O-okay."

Nagsimula kaming maglakad palayo sa stage pero rinig na rinig pa rin ang kanta dahil sa speakers na nagkalat sa buong venue. Well, mas mabuti na ring maglakad-lakad kami para marelax naman ako at hindi masyadong magfocus sa lyrics na sinulat nila.

Nakatingin lang ako sa likod niya dahil nauuna siya sa akin. Nagulat naman ako nung bigla siyang huminto at lumingon. Medyo napangiti pa ako dahil suot niya pa rin 'yung mask. Bigla naman niyang nilahad ang kamay niya kaya nababaliw na naman ang utak ko.

"M-maraming tao dito. Baka magkahiwalay tayo..."

Nakita ko naman ang pag-iwas niya ng tingin at naiimagine ko ang expression niya sa ilalim ng mask na suot niya. Tumango na lang ako sa kanya at inabot ko ang kamay niya. After that ay nagsimula na ulit kaming maglakad at buti na lang ay nakaharang ang buhok ko sa mukha ko dahil hindi ko na naman mapigilan ang ngiti ko.

Ewan ko ba. Kahit ganito lang ang ginagawa namin ay sobrang saya ko na. Dati, hindi ko gets ang sinasabi ng iba na masaya sila kapag kasama nila ang taong mahal nila kahit na wala naman silang ginagawa. Hindi ba boring 'yun? Pero ngayon, naiintindihan ko na. When you're with someone you like, even with this small actions and gestures, you'll be happy.

Naglibot kami ulit at gaya ng inaasahan, sobrang daming tao. Humigpit ang hawak niya sa akin kaya naman hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya. Feeling ko tuloy, ako ang leading lady niya sa kung anong teleserye o movie. Ganito pala ang pakiramdam.

Kumain ulit kami pero kaunti lang at naglaro kami sa iba't ibang stalls. Nanalo pa nga siya ng maliit na stuffed toy sa isang shooting game kaya tuwang-tuwa at kinilig ako nung binigay niya sa akin 'yun. Kapag naman maglalakad ulit kami, lagi niyang inaabot ang kamay ko kaya bumili na rin ako ng mask para makapaglabas naman ako ng kilig ko nang 'di niya nakikita.

Kaya ayun. Para akong tangang nakangiti sa ilalim ng mask na suot ko.

Habang naglalakad kami ay hawak ko sa kaliwang kamay ang stuffed toy na binigay niya habang hawak naman niya ang kanang kamay ko. Pero may naramdaman akong sakit sa mga paa ko. Yumuko ako habang naglalakad at pagtingin ko, sobrang pula na ng mga paa ko. 'Yung kanan ay nagdudugo na sa part kung saan ako pinapaltos. Gusto ko sanang tumigil pero ayoko namang sabihin sa kanya dahil baka masira pa ang atmosphere naming dalawa. Kaso ang sakit na talaga. Ugh! Bakit kasi bagong footwear ang sinuot ko?

"A-alden," sabay hatak ko sa kamay niya at ginilid ko ang mask ko para makausap ko siya nang maayos. Ganun din ang ginawa niya.

"Bakit? May problema ba?" Nag-iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako pero kung hindi ko 'to sasabihin ay lalo lang naming hindi maeenjoy ang festival.

"Kasi..."

Huminga ako nang malalim at tumingin ako sa paa ko, pabalik sa kanya. Napatingin din siya doon at halos nanlaki ang mga mata niya nung nakita niyang nagdudugo ang gilid ng paa ko. Pero mas nagulat ako dahil sa ginawa niya. Lumuhod siya sa harapan ko at ininspect niya ang paa ko.

"A-alden—" Bigla siyang tumingala kaya nagtama ang mga mata namin at kitang-kita ko ang serious expression niya.

"Magpahinga muna tayo."

Inalalayan niya ako papunta doon sa benches na nagkalat sa gilid ng daan. Pinaupo niya ako at tinulungan niya akong tanggalin muna ang sandals na suot ko.

"Bibili lang ako ng band-aids at disinfectant. Dito ka lang, okay?"

"Okay," sabay tango ko at mabilis siyang tumakbo papunta sa kung saan.

Pagkaalis niya ay napabuntong-hininga na lang ako dahil sinira ko ang mood namin. Perfect date na sana 'yun pero dahil sa pesteng sapatos na 'to ay nauwi pa sa ganito. Napayakap tuloy ako doon sa stuffed toy na bigay niya.

Sa pagkakaalam ko, Richard Faulkerson, Jr. ang totoong pangalan ni Alden. 'Yun 'din ang pakilala niya kanina at doon ko lang narealize na 'yung RFJ na text niya ay iyon ang ibig sabihin. Ang dami na palang clues dati pero hindi ko lang napansin. Well, sino ba naman kasing mag-aakala na si Alden pala ang katext ko? Maski ako hindi maiisip 'yun, eh.

"I'm naming you Richard," mahinang sabi ko sa stuffed toy at napangiti ako kahit na masakit na ang paa ko dahil ang nagkaroon ako ng good memories with Alden.

"I've been curious about you
Been thinking all night, all day
And here I am standing beside you
Can't believe we'll meet this way"

Rinig pa rin hanggang dito ang kanta nina Shiela at napapikit na lang ako dahil ang ganda ng melody pati na rin ng boses niya.

"Bright lights, crowded night
Enjoying the lanterns in the sky
Your smile and this beautiful sight
Now I'm afraid to bid our goodbyes"

Bigla naman akong napadilat dahil sa lyrics. Ayoko pang matapos ang gabing 'to. Gusto ko pa siyang makasama pero alam kong kahit anong gawin ko, matatapos at matatapos din ang lahat.

"Hi, Miss."

Hindi ko naman kaagad napansin na may dalawang lalaki na sa harapan ko. Mukhang college students ang mga 'to. In fairness, may mga itsura pero natatakot ako sa kanila.

"Wala ka bang kasama?"

"Gusto mo bang manood ng lanterns kasama namin?"

Naglakad pa sila palapit sa akin kaya napasandal ako doon sa bench at humigpit ang hawak ko kay Richard. Nakakainis 'yung mga ganitong lalaki. Hindi marunong rumespeto ng space. Pinandilatan ko sila pero ngumiti lang sila sa akin. Kung hindi lang masakit ang paa ko ay kanina pa ako tumakbo palayo. Nakakainis!

"Tara na Miss," sabay hawak nung isa sa braso ko kaya pumiglas ako.

"Ano ba!"

"Sige na, Miss—"

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Biglang may humawak sa braso nung lalaki at napasigaw siya dahil doon. After that ay humarang siya sa pagitan namin at tinago niya ako mula sa kanila.

Alden...

"Back off."

Maging ako ay natakot sa tono niya. Umalis 'yung dalawang lalaki pagkasabi niya nun at after a few seconds ay humarap siya sa akin.

"Sorry," sabi niya sabay buntong-hininga.

"No." Napatingin naman siya sa akin. "You don't have to be sorry. Uhm, t-thank you."

Ngumiti naman siya sa akin at nakita ko na naman ang dimples niya. That's enough for me. At least, he's here with me.

Bigla naman siyang lumuhod ulit at may dala na siyang disinfectant at band-aids, gaya ng sinabi niya kanina. Sabi ko nga, ako na lang ang maglalagay pero mapilit siya. Nung una ay nahihiya pa ako pero nung hinawakan niya ang paa ko ay para na akong nawalan ng lakas.

"Sorry if I didn't notice this right away. I was too focused on what should I do that I neglected you—"

"Stop it. Hindi mo naman kasalanan." Ngumiti na lang ako sa kanya, Ayokong masira ang gabi na 'to dahil lang dito. "Let's just enjoy, okay?" sabi ko at ngumiti naman siya.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ulit ang kamay ko. Nilaru-laro niya ang mga daliri ko at parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

I wish we can stay like this...for a long time.

"Ah..."

Napatingin ako sa langit dahil may nakita akong dalawang lanterns na lumilipad.

"Sabi nila, kapag nagwish ka raw bago lumipad ang lantern, matutupad daw 'yun," sabi ko at nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin.

"Nakapagwish ka ba?" tanong niya at ngumiti ako.

"Yes."

I guess some of my wishes came true tonight.


***