.

.

Chapter 18 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, April 18, 2016

***

Ilang minuto na lang at papaliparin na ang lanterns, sabi nung announcer kanina kaya naman halos lahat ng tao ay pumunta na sa kani-kanilang posisyon at hawak-hawak na nila ang lanterns na binili nila kanina. Pumunta rin kami ni Alden sa stalls na nagtitinda ng lanterns at bumili kami ng tig-isa. Habang bumibili siya ay napangiti ako sa ilalim ng mask ko dahil isa sa mga wish ko na sinabi ko sa kanya ang matutupad ngayon.

"Tara?" yaya niya at tumango naman ako.

Kinuha niya ang kamay ko at naglakad kami. Buti na lang talaga at may mask kaming dalawa pero 'di ko napigilang ngumiti nung nakita ko ang tenga niya. Nauuna kasi siyang maglakad sa akin at hindi nacocover ng mask ang tenga niya na ngayon ay pulang-pula. Well, it takes a lot of guts to hold the hand of someone you like, and I'm actually happy to see him like this.

WAIT! Inaassume ko ba na may gusto siya sa akin? Wait lang, Meng, h'wag kang assumera! Masama 'yan! Baka masumpa ako bigla!

"May problema ba?" Nagulat naman ako nung bigla siyang lumingon.

"Ah...w-wala naman. Ha-ha!"

"Sure?"

"Yup!"

Lumingon na ulit siya sa unahan at napakagat ako sa labi ko dahil sa ginawa ko. My gosh, muntik na akong mahalata doon ha!

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang mataas na lugar at medyo kaunti lang ang tao rito kumpara doon sa kung nasaan ang stalls. 'Yung iba ay dito rin napagdesisyunan magpalipad ng lanterns kaya naman pumili kami ng magandang spot.

Nagulat naman nung biglang may nagvibrate sa loob ng bag ko kaya kinuha ko 'yun gamit ang free hand ko. Pagtingin ko, nagtext pala si Shiela.



Hindi ko na siya nireplyan at nilagay ko na lang ulit ang phone sa bag ko. Aba talaga! Marami kaming pag-uusapan dahil alam niya pala ang tungkol dito. Walanghiyang Shiela 'yun! Though, magpapasalamat din ako dahil nagkita kami ni "Aldrin" dahil sa kanya.

Tahimik lang kami ni Alden habang hinihintay ang countdown para sa lanterns. Sumandal ako sa isang poste doon at tumabi naman siya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya naman huminga ako nang malalim. Pagtingin ko sa kanya ay ginilid niya ulit ang mask niya at nakita ko ang mukha niya. Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti kaya pinigilan ko ang sarili ko sa pagtili at pinisil ko na lang ang bag ko.

Tinext ko kaagad si Shie para maglabas ng feels.



After a few seconds, nagreply siya.



Hindi na ako nagreply dahil lumilingon na naman si Alden sa direksyon ko. Nanigas naman ako nung bigla siyang umusog papunta sa akin kaya nagdikit ang mga braso namin. Ramdam ko kaagad ang tension sa pagitan namin at sobrang bilis at lakas na ng tibok ng puso ko.

"Good evening, everyone! The countdown starts now! 15! 14!"

Biglang umingay ang paligid kahit kaunti lang kami rito sa taas dahil nagpunta na ang mga tao sa lighting area sa part na 'to na medyo malapit sa pwesto namin. Dahil kami ang pinakamalapit ay nasindihan kaagad namin ang lanterns namin at bumalik kami sa dati naming pwesto. Sumabay na rin kami sa pagka-countdown gaya ng iba.

"3...2...1!"

Sobrang kakaiba sa feeling nung natapos ang countdown at binitiwan namin ang lanterns. After a few seconds ay nakita ko na ang ibang lanterns na lumilipad. Napapikit agad ako.

I wish to get to know him more. I hope everything won't end just like this.

Pagdilat ko ay napanganga na lang ako dahil sa view. Thousands of lanterns were floating and looking at them feels so surreal and it's like being in a different world. Sobrang nakaka-amaze at kakaiba talaga sa pakiramdam.

Napatigil naman ako nung nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin lang sa akin si Alden kaya hindi na ako nakagalaw pero pinilit ko pa ring i-focus ang atensyon ko sa lanterns. Pakiramdam ko unti-unti na akong natutunaw.

“Thank you,” mahina niyang sabi at kumabog nang malakas ang puso ko nung marinig ko ‘yun. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin kaya naman lalo lang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana dahil bigla ko na lang narinig ang boses nina Shiela at Drew at sinimulan nilang kantahin ang I See the Light ni Mandy Moore at Zachary Levi.

All those days watching from the windows
All those years outside looking in
All that time never even knowing
Just how blind I've been
Now I'm here blinking in the starlight
Now I'm here suddenly I see
Standing here it's all so clear
I'm where I'm meant to be

Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya at lalo pang nag-iba ang pakiramdam ko dahil sa ambiance. Napapalibutan kami ng lanterns at dumagdag pa ang kanta kaya sobrang nawawala na ako sa sarili.

“Thank you for tonight,” sabi niya ulit at dahil sobra na ang kaba ko ay umiwas ako ng tingin at humarap ako sa may view sa baba.

“Y-yeah. Thanks to you, too.”

Naalala ko tuloy nung nag-text kami about sa wishes namin. Kita mo nga naman. Ilan sa mga wish ko noon ay natupad na ngayon. Lalo na ang makapunta sa lantern festival kasama ang taong gusto ko. Grabe. Parang hindi totoo ang lahat. Hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat ‘to. Bigla tuloy akong natakot. Baka nagamit ko na lahat ng swerte ko para ngayong gabi.

And at last I see the light
And it's like the fog has lifted
And at last I see the light
And it's like the sky is new
And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once everything looks different
Now that I see you

Nakatingin ako sa lanterns nung sumandal siya sa fence sa tabi ko at tumingin siya sa langit. Ako naman, tinignan ko ang mukha niya at na-highlight lalo ang kagwapuhan niya dahil sa yellow lights. Pero nagulat ako nung bigla siyang lumingon sa direksyon ko at hindi ako nakahinga nang maayos dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

“Ang galing no? Parang dati lang, hindi naman tayo magkakilala pero dahil sa isang tawag mo, nagbago na ang lahat.” Bigla siyang ngumiti at naalala ko ang una naming encounter nung sinabi niya ‘yun. Magkahalong tuwa at hiya ang naramdaman ko dahil ako ang may kagagawan ng lahat—wait. Hindi pala. Si Glenn ang may kasalanan! Dahil sa kanya, si Alden ang natawagan ko.

“Naalala ko pang sinabi mong ikaw si Alden that time. Tanga ko lang dahil ‘di ko ‘yun pinansin masyado at nung nagkausap ulit tayo, sabi mo ay ikaw si Aldrin at ako naman, nag-assume na mali lang ako ng rinig.” Napangiti rin ako dahil naalala ko ang mga panahong takot na takot pa akong sagutin ang tawag niya dahil baka gantihan niya ako sa pagsigaw-sigaw ko sa kanya nung unang beses kaming nagkausap.

“Ilang beses na rin tayong nagkita pero hindi natin kilala ang isa’t isa. Isn’t that amazing?”

“Yeah. And now we’re here. Actually, ‘di pa rin ako makapaniwala.”

After that ay tumahimik kaming dalawa at tumingin ulit sa lanterns na lumilipad habang nakikinig sa pagkanta nina Shiela at Drei.

“Naaalala mo ba ‘yung text mo sa’kin tungkol sa crush mo na nakatabi mo?”

Nagflinch ako bigla nung narinig ko ‘yun at naalala ko ang scene na ‘yun. Magkatabi kami sa may Quantum at tinext ko si “Aldrin” about kay “Alden” dahil nga nakatabi ko siya. Oh my gosh! Narealize niya ba na siya rin ang tinutukoy ko nun?! OH MY GOD NAKAKAHIYA!

“H-ha? K-kelan ‘yun nangyari?”

Bigla naman siyang ngumiti nang nakakaloko at lumabas ang dimples niya. Nagpapasalamat ako at medyo madilim kung hindi ay nakita na niya na sobrang namumula na ang mukha ko sa hiya. Pero syempre, hindi ako papatalo sa kanya kaya naman inayos ko ang expression ko.

“Bakit, ikaw nga sabi mo selos ka eh.” This time, ako naman ang ngumiti nang nakakaloko at nag-iwas din siya ng tingin. Hah! Akala mo ha!

“Totoo naman,” mahina niyang sabi kaya napatigil ako at lalo akong ‘di nakagalaw nung bumalik ang tingin niya sa akin. Idagdag pa ang nakakabwisit niyang ngiti. “Di ko alam na nagseselos pala ako sa sarili ko.”

UGH! Pwede bang mawala na lang ako dito?! Paano niya nasasabi sa’kin ‘to with this kind of expression? Hindi ba siya nahihiya? Kasi ako kanina pa ako baon sa kahihiyan dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya dati!

Napatigil naman ako nung biglang may countdown ulit na naganap and after a few seconds ay nagkaroon ng firework display sa langit. Napanganga na lang ako dahil sa magkahalong view ng lanterns at ng fireworks. Sobrang ganda. Ang ingay na rin ng paligid dahil sa fireworks at sa sigawan ng mga tao.

“I like you.”

Bigla akong napatingin kay Alden na ngayon ay nakatingin lang sa langit dahil sa narinig ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ‘yun dahil wala siyang expression at maingay ang paligid. Tumingin na lang ulit ako sa langit.

“I like you.” Agad akong lumingon sa kanya dahil narinig ko ulit ‘yun at bigla naman siyang tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin at hindi na ako makahinga nang maayos. “I know we’ve only known each other for a few months and we’ve only met as Aldrin and Meng right now, but believe it or not, in a short span of time, I’ve grown to like you.”

Hindi maprocess ng utak ko ang nangyayari. Wait, wait, wait. Is this a confession? Oh my God. Shet totoo ba ‘to? Alden Richards, my long-time crush, just confessed that he likes me.

“D-did you just confess?” parang tanga kong tanong at tumingin lang siya sa gilid. Bigla akong napangiti dahil ang cute niyang mahiya.

“W-well...”

Nagulat naman siya nung bigla kong sinampal ang sarili ko.

“Chinecheck ko lang kung totoo ba ‘to o nananaginip lang ako,” sabi ko sa kanya at natawa naman siya nang slight.

“Bakit? Hindi ba kapani-paniwala na may gusto ako sa’yo?”

Wow. Anong level ng pagiging straightforward niya? Jusko ‘di ko siya kinakaya! Kulang na lang, magtransform ako as kamatis dito sa harapan niya dahil sobrang pula na ng mukha ko sa mga banat niya. Pero totoo naman. Hindi naman talaga kapani-paniwala na si Alden Richards ay may gusto sa isang katulad ko. Bigla naman niyang nilapit ang mukha niya sa akin kaya medyo napaatras ako.

“I want to know you more, Maine.”

Pagkasabi niya nun ay ilang segundo akong natahimik at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Hindi man ako makapaniwala sa mga nangyayari, ayokong palampasin pa ang pagkakataong ‘to.

“Me too. Let’s get to know each other.”

Ngumiti siya nang malawak nung sinabi ko ‘yun at buti na lang nasusuportahan pa ng fence ang tuhod ko dahil feeling ko ay nanghihina na ako dahil sa presence ng lalaking ‘to.

After that ay tahimik naming hinintay matapos ang fireworks at sobrang taas ng tension sa pagitan namin kaya naman sobrang awkward ng atmosphere. Nung tapos na ang fireworks ay isa-isa nang nagsibabaan ang mga tao rito papunta sa main street kaya naman sumunod na rin kami. Pero napatigil ako nung bigla niyang nilahad ang palad niya sa akin habang nakatingin siya sa kabilang direksyon.

“Maraming tao, baka magkahiwalay tayo—” Hindi ko na siya pinatapos at hinawakan ko na ang kamay niya.

“Tara,” sabi ko at nung nagkatinginan kami ay tumingin din ako sa kabilang side.

Tahimik kaming naglalakad at hindi namin magawang mag-usap man lang pero kahit ganun ay napangiti pa rin ako dahil sa mga nangyari.

He likes me, and that’s enough.
My wishes really came true tonight. And it’s all because of him.


***