.

.

Chapter 2 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, August 31, 2015


***

My gosh! My gosh talaga! Sheeeeet! Hinga, Maine. Hinga. Jusko, si Alden Richards lang naman ang nagtakip sa bibig mo gamit ang kamay niya. Si Alden lang naman ang kasabay mong naglalakad. Si Alden lang naman 'yun na crush mo...

SI ALDEN 'TO! 

Panaginip ba 'to?! Bakit kasama ko ang nag-iisang Alden Richards ngayon? Jusko feeling ko naghahyperventilate na ako at hindi na masyadong gumagana ang utak ko. Pakiramdam ko mahihimatay na ako anytime.

"Miss? Okay ka lang ba?" Bumalik ang isip ko sa realidad nung narinig ko ang boses niya. Tumingin ako sa kanya at...

Ay naku naman, Alden! 'Yung dimples mo, utang na loob! Kasalanan 'yan! Ang sarap pindutin ng pisngi niya at tusukin ng daliri ang dimples niya pero syempre may kahihiyan pa namang natitira sa akin kaya pinigilan ko ang sarili ko. At isa pa, inner kalandian lang 'to at hindi dapat pinapakita on the outside.

"Dude, tara na!" pabulong na sabi ng lalaking kasama niya habang hatak-hatak niya sa braso si Shiela na mukhang zombie ngayon dahil sa pula niyang mga mata at haggard na mukha kakaiyak.

"Okay. Okay," mahinang sabi ni Alden pagkatapos ay tumingin siya sa akin kaya parang may party sa loob ng dibdib ko. Hindi ko na kinakaya 'to! Feeling ko kinukuha niya lahat ng oxygen sa katawan ko!

Nag-nod lang siya then after that ay mabilis silang umalis ng kasama niya at naglakad palayo sa amin. Nakatitig lang ako sa likuran niya habang paliit nang paliit siya sa vision ko, at umasa ako nang very slight na lilingon siya pero hindi nangyari. Nung mawala na sila sa paningin ko ay doon lang nagkaroon ng effect sa katawan ko ang presence niya. Nanlambot ang tuhod ko at napahawak ako sa glass wall ng isang stall.

"Shie, totoo ba 'yun?" tanong ko habang hinihintay kong magsink-in lahat ng nangyari kanina. "Totoo bang hinawakan ako ni Alden Richar--wait, that sounds like he's a perv or something..." sabay iling ko at nakita kong medyo napangiti si Shiela. "I mean, nagkaroon kami ng physical contact. Mukhang totoo nga 'yung sinasabi nila na para kang makukuryente kapag nagkadikit kayo ng soulmate mo," I said dreamily and I heard her sigh.

"Kainis naman, o. Sabi mo magmo-mall tayo para sumaya ako. Tapos biglang nakita mo 'yung ultimate crush mo. Parang nakatadhana akong maging forever alone at maging bitter sa buhay."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.
At least, hindi na siya masyadong lugmok sa ngayon. Nakailang pangaral at words of wisdom ako sa kanya kanina para lang ma-set aside niya muna 'yung problem niya with Glenn. Gusto ko lang naman ay kahit papaano, pagaanin ang loob niya. Pero it turned out na ako pala ang sasaya ngayon! Though muntik na talaga akong magwala kanina. Buti na lang at iba ang reaction ng katawan ko at naging stiff lang siya, pero ang utak ko, nagfifesta na sa tuwa. Feel ko tuloy mag-dubsmash later.

"Ay naku, 'wag ka na ngang madrama dyan! Tara na, mag-karaoke muna tayo at ilabas mo lahat ng hinanakit mo sa buhay!" sabay hatak ko sa braso niya.

"Wow. 'Wag daw magdrama pero magvivideoke tayo para ilabas ang hinanakit ko?"

"Ay oo nga 'no? Sorry, medyo hindi pa nagfa-function ang utak ko ngayon," then napahawak ako sa temple ko.

"Mag-shopping na lang tayo."

"Okay!"

***

Nakauwi naman kaagad ako after ng shopping spree ni Shiela. Jusko, akala ko hindi na kami makakalabas sa mall ng buhay. Napakaraming paper bags ang hawak niya at pareho pa kaming payat, I mean slim, kaya para sabitan dahil sa sobrang dami ang nakasabit sa mga braso namin. Buti na lang at tumigil siya nung narealize niyang hindi na niya kayang magbuhat.

Ako, dalawang dress, dalawang doll shoes at tatlong caps ang nabili ko. Napangiti pa nga ako habang tumitingin ng caps kasi naalala ko si Alden na nakasuot din ng cap kanina.

Nagpagulung-gulong tuloy ako sa kama ko dahil sa kilig. Kahit masakit na sa panga 'yung pagngiti ko, wapakels! Masyado akong pinaulanan ng swerte ngayong araw. Nadikitan at naamoy ko pa si Alden. Ayyy! Pero ang bango niya nga talaga. Ang manly ng perfume niya.

Napangiti ulit ako nung naisip ko ang attire niya kanina: plain white shirt, jeans, black cap and gray hoodie. Mukha naman siyang ordinaryo lang pero hindi ko alam ang problema ng mata ko at namukhaan ko siya kaagad. Feeling ko tuloy, na-creepy-han siya sa akin. OMG baka akala niya obsessed fan ako!

Kinuha ko kaagad ang phone sa bulsa ko at magchecheck sana ako sa twitter pero dahil sa sobrang pagmamadali ay bumagsak sa mukha ko 'yung phone.

"Ouch! Jusko naman, ito ba ang kapalit ng pagkakita ko kay Alden? Ang madeform ang pagmumukha ko? Cellphone, umayos ka naman!" sigaw ko sa phone ko and I realized...nababaliw na ako. Epekto 'to ng dimples niya eh!

Dumapa na lang ako sa kama at in-open ko ang twitter ko. Tinignan ko kaagad ang profile niya and fortunately, wala pa naman siyang tweet ngayong araw. Baka kasi bigla siyang magtweet about a creepy fan slash stalker na na-encounter niya today.

Nagtweet naman ako kaagad para maglabas ng feels.

Saw my ultimate crush today and he talked to me. And smiled at me. AND FREAKING HELD MY FACE. #whatiskilig

After a few minutes, may nagretweet and favorite ng tweet ko. Kahit papaano, meron akong followers dahil na rin sa dubsmash videos ko. 'Di ko nga alam kung anong nagustuhan nila doon, eh puro kabangagan at trip sa buhay ko lang naman ang mga 'yun. Well at least, through those videos, I made them smile and laugh...hopefully.

Nagulat naman ako nung nagnotify na nagreply si Shiela sa tweet ko.

@mainedcm
 And you acted like a freaking tuod. Lol #whatisawkward

@shielafdr
 wag mo na ipaalala! I am very much aware of that haha

@mainedcm
 at least you saw your long-time crush *sigh*

@shielafdr
 ayy emo ulit? cheer up, girl. it's his loss naman

@mainedcm
 i know. leche siya tsaka ng babae niya. i hope they go to hell tutal body heat lang din naman hanap nila

@shielafdr
 omg hahahaha send mo sa kanya yan. lol kidding

After that, hindi na siya nagreply ulit. Mukhang gumaan nga ang loob niya after naming magshopping. Sana nga lang ay magtuluy-tuloy na though medyo mahirap din 'yun since first boyfriend niya si Glenn.

Bumalik na naman tuloy 'yung inis ko sa lalaking 'yun.

Inexit ko ang twitter ko at dinial ko ulit ang number niya, pero this time tinriple check ko na kung tama ba ang napindot ko. Baka mamaya maling number na naman ang matawagan ko at mapahiya na naman ako.

I was about to call him when I was interrupted by an incoming call. Napatitig ako sa number at nung una, akala ko si Glenn. But then I realized that this number was the one I mistakenly called earlier. 'Yung nagpakilalang Alden...

OMG! Bakit siya tumatawag?!


***