.

.

Chapter 3 | Alden

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, September 12, 2015


***

Wala naman talaga akong balak tawagan ‘yung babaeng nagkamali ng tawag sa akin kanina pero dahil sa pagmamadali ko sa pagpunta sa logged calls, imbis na ‘yung bagong number ni Drei ang mapindot ko ay ‘yung sa kanya ang natawagan ko. Ika-cancel ko na sana ‘yung call pero biglang in-accept.

Shit!

Sa hindi malamang kadahilanan ay kinabahan ako. Nilapit ko sa tenga ko ang phone ko at may narinig akong mahinang pagtili sa kabilang linya.

“Shet, reject! Reject! Bakit baligtad ako ng swipe?!” mahinang pagpapanic nung babae sa kabilang linya at dahil doon ay napangiti ako. Hindi ko tuloy magawang ibaba ang tawag dahil nakakatuwa pakinggan ang pagpapanic niya.

Humugot ako ng lakas ng loob sa kung saanman at kinalma ko ang sarili ko bago magsalita.

“Hello?” Pagkasabi ko nun ay nawala bigla ang ingay sa kabilang linya. Tinignan ko pa nga ang phone ko kung na-end na ba ang tawag pero hindi naman. Tatapusin ko na sana ‘yung tawag pero bigla akong may narinig mula sa kanya.

“H-hello? Uhm, Kuya, sorry talaga sa mga pinagsasabi ko kanina. Kung tumatawag ka para harassin ako, utang na loob—”

“Ha? Wait, wait...” ‘Di ko napigilan ang sarili ko at natawa ako dahil sa sinabi niya at halatang-halata pa ang panic sa boses niya. “No, I didn’t call you for that.”

“Ohh. So...bakit ka po tumawag?”

“Ah, ano kasi...napindot ko lang bigla ‘yung number mo sa log. Dapat ‘yung number ng kaibigan ko ang pipindutin ko so...”

“Ohh, okay.” Ilang segundo kaming tahimik lang at ramdam na ramdam ko ang akwardness namin sa isa’t isa. “Sige po, bye—”

“Wait!” Napatingin ako sa phone ko at buti na lang ay hindi niya pa pinuputol ang call. Naalala ko kasi si Meg. Hindi kami nakabili kanina ni Drei ng regalo para sa kanya dahil hindi namin alam ang pwedeng iregalo at nagmamadali ring umuwi ang lokong ‘yun.

“Ano po ‘yun?”

“Huwag mo na akong i-po. Ano, gusto ko lang itanong ‘to sa’yo dahil babae ka. Anong magandang ibigay na regalo sa isang babaeng nasa mid-twenties na at kagagaling lang sa break-up?”

Ilang segundo ulit ang lumipas at akala ko ay binabaan na niya ako pero narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

“Wow lang. Alam mo, pareho tayo ng situation ngayon. ‘Yung friend ko kasi kagagaling niya lang din sa break-up tapos magbe-birthday na siya next week kaso wala pa akong gi—ay shocks. Uhm, sorry ang daldal ko!” Napangiti ulit ako nung narinig ko ‘yun. Pakiramdam ko ang sarap kausap ng babaeng ‘to. Para kasing ang outgoing niya. Akala ko bababaan na niya ako kanina dahil bigla ko na lang siyang tinanong ng ganun.

“Talaga? Pwede bang makahingi ng advice or tip? Anong pwedeng iregalo kapag ganun ang sitwasyon?”

“Actually, wala pa rin akong idea.” Bigla naman siyang napatigil kaya nagtaka ako. “Alam mo, ang FC natin sa isa’t isa.”

“FC? Ano ‘yun?” ‘Di ba fried chicken ‘yun? May iba pa bang ibig sabihin ang FC?

“Feeling close, ho.”

“Ah, okay. ‘Yun pala. Ganun ba? Ewan ko rin, ang gaan ng loob ko sa’yo. Parang ang saya mong kausap.”

Pagkasabi ko nun ay parang gusto ko kaagad bawiin. Shit. Ano bang pinagsasabi ko? Baka isipin niya may iba akong intensyon sa kanya.

“Anyway, Miss. Pwede bang patulong? Kahit ito na lang ang pambawi mo sa mga pinagsasabi mo sa akin kanina. Wala na rin kasi akong mapagtanungan sa ngayon. Please?”

“O-okay. Sorry talaga kanina. Akala ko kasi ikaw ‘yung hinayupak na nanloko sa best friend ko. Medyo pareho kasi kayo ng number.”

“Thank you!” Natawa naman ako doon sa galit niya doon sa lalaking napagkamalan niyang ako.

“Pero wala pa akong maisip ngayon, eh.”

“Ganun ba? Hmm. Okay lang ba kung tumawag ulit ako sa’yo kapag may naisip ka na?”

“Uhm, okay lang. Ako na lang ang tatawag if ever.”

“Okay. Thank you ulit...ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya.
Hindi ko kasi alam ang itatawag sa kanya.

“Maine na lang.
Ikaw ba? Sa pagkakatanda ko, sabi mo Alden ang name mo.”

Bigla naman akong kinabahan. Dahil sa nangyari kanina sa mall ay parang ayaw ko nang gamitin muna ang pangalan na ‘yun. Baka biglang may makakilala na naman sa akin.

“Ha?
Baka nagkamali ka lang ng rinig. Ang sabi ko kanina, Aldrin.” Magkatunog naman. Siguro makakalusot na ‘yan.

“Ah ganun ba? Akala ko...oh nevermind. So Aldrin, I’ll call you na lang kapag may naisip na ako. Sige, bye.”

“Bye...Maine.”

Pagkatapos nun ay saglit akong natulala dahil hindi ko inakalang ganun ang mangyayari. This is actually weird for me. I mean, having a conversation with someone I don’t know yet I didn’t feel uncomfortable. In fact, I enjoyed it.

“Let’s eat—” Nagulat naman ako nung nakita kong nasa pintuan ng kwarto ko si Dad. “Bakit nakangiti ka dyang mag-isa?”
 

Inayos ko naman kaagad ang expression ko habang binubulsa ko ang phone ko at tumayo na ako para lumabas sa kwarto.

“Wala, Dad. Tara na, kain na tayo,” sabay hatak ko sa kanya pababa.

Maine, huh. That’s a nice name.


***