.

.

Chapter 4 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, September 25, 2015


***

Ohh-kay. That was weird. Hindi ako kaagad nagtitiwala sa strangers pero ang gaan ng loob ko kay kuyang tumawag. Oh right. Aldrin daw ang name niya. Akala ko talaga nung una ay Alden. 'Yun kasi ang rinig ko pero feeling ko nabingi lang ako that time dahil na rin sa pagsigaw ko kasi akala ko siya yung hinayupak na si Glenn.

Pero buti na lang talaga at hindi ako ginantihan ni Aldrin. Syempre nahihiya pa rin ako sa ginawa kong pagsigaw sa kanya last time. Nag-uumapaw ang galit ko nun, eh. Buti nga at 'yung kapalit na hiningi niya ay suggestion lang para sa pwedeng iregalo sa isang babaeng kakagaling lang sa breakup.

Speaking of gifts and breakups...

Magbibirthday na nga rin pala si Shiela at wala pa akong naiisip na iregalo sa kanya. Gusto ko sana ay 'yung makakatulong sa kanya sa pagmumove-on. Kasi naman! Panahon ba ng breakups ngayon at ang daming nagbebreak at nagpapakabitter sa buhay nila?

Sa kakaisip ko kung anong pwedeng iregalo ay hindi ko kaagad namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Napagdesisyunan kong pumunta ngayon sa mall para maghanap ng ireregalo. Sa kakaisip ko kagabi ay nakatulog lang ako.

Pagdating ko sa third floor, napangiti ako bigla. Naalala ko kasi 'yung pagkikita namin ni Alden dito kahapon. Alam niyo 'yung parang bigla talagang tumigil ang mundo ko at wala na akong ibang marinig kundi 'yung tibok ng puso ko? Then a few meters away from me, nandun si Alden at nakatingin din sa akin. Pakiramdam ko talaga nung oras na 'yun ay sasabog ako. And that was soooooo weird kasi crush ko lang naman siya. Hindi naman ganito ang feeling ko sa mga nagdaang crush ko. Iba talaga yata ang tama ko kay Alden.

But...I know he's unreachable.

Sobrang swerte ko na kahapon dahil nakita ko siya pero I doubt na mauulit pa ulit 'yun. Sayang tuloy dahil hindi man lang ako nakapagpapicture sa kanya. Aba syempre nashock ako nun at naaligaga rin ako dahil hindi ko alam kung anong iniisip niya sa akin. Feeling ko ang naging labas ko kahapon ay stalker. Sheeeet nakakahiya!

Umiling na lang ako para mawala ang thoughts na 'yun.

Nagsimula na akong maglakad para maghanap ng gift for Shiela. Gusto ko sana ay stress-reliever para naman mabawasan ang stress niya kay Glenn, o 'di naman kaya 'yung makakalimutan niya muna ang problema niya habang ginagamit ang bagay na 'yun.

Saktong pagtingin ko sa kaliwa ay may nakita akong store na puro artworks and creative stuff. Bigla akong nakaisip ng gift. Naalala ko si Aldrin kaya naman dinial ko kaagad ang number niya...

...and it's weird dahil may something sa loob ko na parang excited or kinakabahan.

Nakaka-dalawang ring pa lang ay may sumagot na kaagad sa tawag.

"Hello? Maine?" Pagkarinig ko ng boses niya habang tinatawag ang pangalan ko, may naramdaman akong kakaiba.

"Uhm...about sa gift suggestion..."

"Yeah. Do you have anything in mind?"

"Yup. Actually, nasa mall ako ngayon and may nakita akong shop. I think magandang iregalo ay 'yung pagkakaabalahan niya at makakatanggal ng stress niya. How about a thousand-piece puzzle?"

"Wow. Mukhang maganda nga 'yun. Anong store at saang mall? Kasi nasa mall din ako ngayon."

"Ah ganun ba?" Sinabi ko naman sa kanya ang name ng mall pati na ang store kung saan makikita 'yun. Pumasok na rin ako sa store para pumili ng ireregalo kay Sheila, pero napahinto ako nung narinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya.

"Seryoso? Nandito rin ako sa mall na sinasabi mo."

Pagkarinig ko nun ay medyo nagpanic ako at napatingin ako sa paligid ko. Parang ayaw ko pang mameet ang taong 'to dahil for sure ay magiging awkward kami sa isa't isa. Mukha lang akong madaldal sa phone or even sa cyber world pero sa personal ay mahiyain at medyo awkward ako kahit hindi halata.

Naghanap agad ako ng stuff and I found coloring books for adults. May doodles sa loob ng book and I think magugustuhan 'to ni Sheila dahil artsy-artsy rin ang babaeng 'yun. Kumuha agad ako ng dalawa pati na rin ng full set colored pencils at pumunta sa counter.

"Hello? Maine? Andyan ka pa ba?" Napatalon ako nung narinig ko ulit ang boses niya.

"U-uhmm, yup." Napatingin ulit ako sa paligid pero wala namang may hawak ng phone o 'di kaya naman nakatingin sa akin. Oh well, 'di rin naman niya ako kilala sa mukha so for sure ay 'di niya ako makikita kaagad.

"Nandito ako sa third floor. Saan banda 'yung store?" Pagkarinig ko nun ay kinabahan ulit ako at nagpanic na talaga ako. Naglabas ako kaagad ng pera at nagbayad sa counter. Mabilis kong kinuha ang pinamili ko. "Oh. I think I'm here."

I froze after hearing those words. Ni hindi ko magawang gumalaw dahil pakiramdam ko ay nasa paligid lang siya, or worse, nandito na siya sa shop.

"Sorry. I don't think I can face you yet." Narinig ko bigla ang mahinang pagtawa niya. "Nakakahiya. Nahihiya ako." Naimagine ko tuloy na nagbablush siya...at bakit mukha ni Alden ang naiisip ko?! Alis! Alis! Erase!

"G-ganun ba? Actually, ako rin. Hindi na nga ako makagalaw dito nung sinabi mong nandito ka na rin. Wait, nandito ka ba?!" Narinig ko ulit ang mahinang pagtawa niya.

"Wala. Lumayo muna ako. Parang 'di ko kayang pumasok." Nakahinga ako nang maluwag after that and nakagalaw na rin ako. Agad-agad akong lumabas doon sa store at tumakbo ako papunta sa escalator pababa sa second floor. "Pwede ka nang pumunta doon. Nakaalis na ako."

"Agad? Ang bilis, ah."

"Well..."

"Okay. Thank you ulit. And sorry kung nagpanic ka kanina."

"It's okay. It's just...you know...weird."

"Ha-ha. Yeah. I feel the same way, too."

In-end ko kaagad ang call bago pa ako may masabing kung ano. Napabuntung-hininga ako nung nakarating na ako sa second floor. Saka ko lang narealize na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga. Sobrang nakakatense talaga kanina. Jusko ano bang meron sa mall na 'to at simula kahapon ay may mga unexpected happenings dito?

Una si Alden. Ngayon naman itong si Aldrin.

Pumunta muna ako sa Starbucks para magpahinga at nagccrave din kasi ako ngayon sa kape. Pagkapasok ko doon ay umorder agad ako then umupo sa couch. Habang umiinom ako ay biglang nagvibrate ang phone ko kaya napatingin agad ako.

Nagmessage si Aldrin.

Thank you :)

Napangiti naman ako nung nakita ko 'yung smiley. Then may sumunod pang text.

P.S. Are you wearing a blue dress?

Pagkabasa ko nun, napatingin agad ako sa damit ko. Shet. Shet. OMG! Nakita niya ako?!


***