.

.

Chapter 5 | Alden

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, October 4, 2015


***

“Thank you, Sir.”

Lumabas na ako ng store habang bitbit ko ang binili kong puzzles para kay Meg. Panigurado magugustuhan niya rin ‘to dahil mahilig ‘yun sa mga pagsosolve at logic. Pumunta muna ako sa Starbucks para magmerienda. Pagkapasok ko, binaba ko kaagad ang cap na suot ko at umorder. Pagkatapos ay pumunta ako sa pinakadulo at doon umupo.

Bigla akong napangiti nung naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na nasa iisang mall kami ni Maine at muntik pa kaming magkita. Pero nakita ko siya.

Habang naglalakad kasi ako papunta sa store na sinasabi niya ay may nakita akong babaeng nakatalikod habang hawak ang phone niya pero hindi siya gumagalaw. Hindi ko alam kung paano pero alam kong siya ‘yun. Sigurado ako. Parang gusto ko siyang lapitan at kausapin kaso nakakahiya dahil nagkakilala lang kami dahil nagkamali lang siya ng tinawagan. Naunahan ako ng hiya kaya naman naglakad muna ako papunta sa bandang escalator.

"Sorry. I don't think I can face you yet," sabi ko sa kabilang linya habang nakatingin sa mga taong bumababa sa escalator.

"G-ganun ba? Actually, ako rin. Hindi na nga ako makagalaw dito nung sinabi mong nandito ka na rin. Wait, nandito ka ba?!" Natawa naman ako nung narinig ko ang pagpapanic niya. Gusto kong makita ang reactions niya pero ayaw kong bumalik doon.

"Wala. Lumayo muna ako. Parang 'di ko kayang pumasok."

"Pwede ka nang pumunta doon. Nakaalis na ako." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Parang wala pang 30 seconds nung sinabi kong lumayo ako pero wala na agad siya doon?

"Agad? Ang bilis, ah."

"Well..."

"Okay. Thank you ulit. And sorry kung nagpanic ka kanina."

"It's okay. It's just...you know...weird."

"Ha-ha. Yeah. I feel the same way, too."

Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa shop at binili ang sinuggest niyang thousand-piece puzzle.

Naisipan kong itext siya. Nagthank you ako sa kanya at tinanong ko rin kung siya ba ang naka-blue dress kanina. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala siyang reply. Baka naman hindi siya ‘yun? Pero...

...pakiramdam ko siya ang babaeng ‘yun.

Umorder muna ako ng kape at Richard ang binigay kong pangalan. Pagbalik ko sa pwesto ko ay saktong nakareceive ako ng text galing sa kanya.

You saw me?! Akala ko ba hindi ka pumasok sa shop? 
T.T

Napangiti ako bigla sa text niya.
Ibig sabihin, tama ako. Siya nga ang nakita ko kanina.

Hindi nga. Likod mo lang naman ang nakita ko :)

 


Nakakaloka 'yang smiley ha! Feeling ko nang-aasar ka!

Buti at napigilan ko ang sarili ko sa pagtawa. Napatingin pa ako sa paligid ko dahil baka may nakakita sa aking tumatawa mag-isa. Gusto ko sana siyang tawagan kaso baka ma-awkward kami sa isa't isa kapag nagkarinigan kami ng boses. Pero nagulat ako nung nakita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko.

She's calling...

Medyo natulala pa ako pero sinagot ko naman kaagad.

"Tatawag--"

"OMG! Hala anong gagawin ko?!" Naramdaman ko ang pagpapanic sa boses niya kaya kinabahahan ako para sa kanya.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Wala, wala. May nakita lang akong familiar face dito sa tinatambayan kong shop."

"Yan na ba 'yung Glenn na sinasabi mo?" Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Ang layo! Langit 'to, lamang-lupa si Glenn." Natawa ako sa comparison niya. Talagang galit na galit siya doon sa Glenn na 'yun, pero dahil din sa kanya, nagkausap kaming dalawa nang hindi sinasadya.

"Sige pala, bye na. Malolowbat na rin ako."

"Okay. Ingat."

"Ikaw rin."

Pagkatapos nun ay na-end na ang tawag at para akong baliw na nakangiti lang. Kahit isang araw pa lang ang nakakalipas, ang gaan na ng loob ko sa kanya. Kahit hindi ko alam ang itsura niya, natutuwa ako kapag kausap siya.

She's one of those mysteries that you want to uncover and keep at the same time.

Inubos ko lang ang inumin ko at umalis na rin ako sa mall. Pagdating ko sa bahay ay bagsak agad ako sa kama dahil bago ako dumiretso kanina sa mall ay may photoshoot akong pinuntahan.

Tinawagan ko muna si Meg para kamustahin siya.

"Hoy, Chard! Ngayon ka na lang ulit tumawag, ah?" Napangiti ako nung marinig ko ang bossy niyang tono. Para tuloy siyang hindi nanggaling sa break-up.

"Sorry. Baka kasi kailangan mo pa ng space." Kapag kasi malungkot siya, 'yan ang lagi niyang sinasabi.

"Sige, mang-asar ka pa."

"Joke lang naman."

"Che. Ganyan naman kayong mga lalaki.
Lahat na lang joke para sa inyo. 'Di kayo marunong magseryoso."

Kaya rin hindi ako tumatawag sa kanya kapag ganito siya kasi laging ako ang napapagbuntunan niya ng galit at halos lahat na yata ng masasamang qualities ng mga lalaki ay na-enumerate na niya.

Matapos ang mahabang reklamo niya tungkol sa mga lalaki ay binaba na niya ang tawag at nakahinga ako nang maluwag.

***

Halos hindi ko nahawakan ang phone ko nung mga sumunod na araw dahil sa kabi-kabilang photoshoots at meetings. Nagkataon kasing sabay-sabay ang schedule ko pero dalawang photoshoots at usapan lang naman para sa minor role ko sa isang movie. Wala pa akong matinong tulog simula noong isang araw kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay pumasok na ako sa kotse ko at umupo lang ako doon ng ilang minuto.

Hinanap ko rin ang phone ko pero pagtingin ko ay sina Dad, Meg at Drei lang ang nagtext at naka-log na missed calls.

Wala ang pangalan niya...
 

Saka ko lang narealize na siya ang una kong hinanap na pangalan. Wow. Ganun na ba ako kainteresado sa kanya?

Ibababa ko na sana 'yung phone ko para matulog saglit pero nagulat ako nung lumabas ang pangalan niya at nakita kong tumatawag siya. Biglang nagising ang diwa ko at agad kong sinagot 'yun.

"Hel--"

"Anong tawag sa maliit na pusit?" Ilang segundo akong hindi nagsalita dahil sa pambungad niya. Siguro isa rin 'to sa mga interesting sa kanya--ang randomness niya.

"Ano?" Sinakyan ko naman ang usapan.

"Eh 'di...
pst."

Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako pagkatapos nun. Akala ko nung una ay sumitsit lang siya pero nagjoke pala. Dala na rin siguro ng antok kaya natawa ako, o sadyang mababaw lang ang kaligayahan ko.

"Oh, kitams! Siya nga natawa, eh!" rinig kong sigaw niya sa kabilang linya at may narinig pa akong isang boses ng babae na nagsabing, "Baka pareho kayong corny!
Teka, sino ba 'yan?"

"H-Ha? Kakilala ko," sabi ni Maine doon sa kasama niya sa kabila.

"Sino? Classmate natin nung college? Or high school?"

"Hindi. Recent ko lang nakilala."

"Sino nga?"

"Secret. Ako lang pwedeng makaalam sa kan--ay shet! Gaga di ko pala na-end yung call--!" Pagkatapos nun ay biglang naputol ang tawag.

Natulala lang ako sa lahat ng narinig ko. But those last words...

...made me smile like an idiot.


***