.

.

Chapter 6 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, October 23, 2015


***

Kung ililista ang kahihiyang napakita or naparinig ko kay Aldrin ay siguro mapupuno ang isang sheet of paper. Jusko naman kasi, bakit ba kapag kausap ko siya, may nangyayaring 'di maganda para sa image ko!

Una na dyan ay 'yung muntik na niya akong makita doon sa art shop na pinagbilhan ko ng regalo para kay Shiela. Utang na loob naman 'di ba nung tumawag siya at sinabing nasa pareho kaming mall at pupunta rin siya sa shop na 'yun! Muntik na akong...joke, totoong nagpanic pala ako that time! Tapos nung nasa Starbucks ako, nagtext siya na nakita niya raw ako at tinanong niya pa kung anong suot ko nun. Syempre nashock ulit ako kasi nga nakita niya ako kahit sabi niya hindi, kasi likod lang naman daw ang nakita niya.

Ang nakakaloka pa ay nakita ko si Alden sa Starbucks. Akalain mong paglingon ko sa kaliwa ko ay nakita ko kaagad ang mahiwaga niyang dimples habang nakangiting nakatingin sa phone?! Pero ang hindi ako makapaniwala ay nakilala ko kaagad siya sa isang tingin lang. My God, may Alden-detector na ba ang mga mata ko? Kapag nagdidisguise siya or nagla-lielow ay lagi ko siyang nakikilala. Nagpanic ulit ako nun kasi baka bigla siyang tumingin sa direksyon ko (malay niyo!) at makilala niya ako as the stalker-ish girl sa mall. Tinawagan ko kaagad si Aldrin para distraction at hindi na ako ulit tumingin sa kanya. Kaso ang lalaki, inakalang si Glenn ang nakita ko. Jusko kung si Glenn talaga 'yun, ay hindi na ako tatawag sa kahit na sino. Diretso sapak na at takbo para matauhan siya sa ginawa niya kay Shiela.

After that ay tumawag ulit ako sa kanya nung lumabas kami ni Shiela para maglunch. Nagjoke kasi ako about pusit dahil 'yun ang kinakain namin at inirapan niya ako dahil ang corny ko raw. Aba, ako nga natawa sa sarili kong joke, eh! Feeling ko epekto 'yun ng break up nila kaya wala na siyang sense of humor pero syempre hindi ko sinabi nang harapan sa kanya kasi baka biglang umiyak o mang-away 'yan dito. Mahirap na.

Kaya naman kinonfirm ko kung nakakatawa ang joke ko kay Aldrin. And success! Narinig ko siyang tumawa!

"O, kitams! Siya nga natawa eh!" sabay turo ko pa sa phone ko kay Shiela.

"Baka pareho kayong corny!" Wala ka lang sense of humor! "Teka, sino ba 'yan?"

"H-Ha?" 'Di ako nakasagot agad dahil 'di ko alam ang sasabihin ko. Bakit ba kasi si Aldrin ang tinawagan ko? "Kakilala ko."

"Sino? Classmate natin nung college? Or high school?" Ano ba? Ganito ba kapag galing sa break up? Masyadong matanong?

"Hindi. Recently ko lang nakilala."

"Sino nga?" Ay ang kulit ng babaeng 'to. Sarap subuan ng pusit para tumigil na kakatanong.

"Secret. Ako lang pwedeng makaalam sa kan--" bigla kong narinig ang paghinga sa kabilang linya at doon ko narealize na hindi ko pa pala na-eend ang tawag. "AY SHET! Gaga di ko pala na-end 'yung call!" sabay pindot ko sa end call at halos ibato ko ang cellphone ko sa lamesa. "Shunga mo, Shie! Bakit 'di mo sinabi sa akin?!"

"Bakit ako ang shunga? Baka ikaw. Pero sino ba kasi 'yun?"

"Secret nga. Gusto ko ako lang may alam tungkol sa kanya," sabi ko at napayuko na lang ako dahil medyo uminit ang pisngi ko pagkasabi ko nun. Parang ang possessive ko tuloy pakinggan.

"Ohh-kayyy." Napaangat naman ako ng ulo at pagtingin ko kay Shiela ay kakaiba ang ngiti niya sa akin. "Possessive much."

Nagpatuloy kami sa pagkain at saka ko narealize na sa ilang araw kong pakikipag-usap kay Aldrin ay parang nagclick na talaga kami. Kahit wala akong masyadong alam sa kanya ay magaan ang loob ko kapag nag-uusap kami.

And it's much interesting because we are in our own world.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna kami sa Quantum para magpalipas ng oras.
Nag-Dance Revo kami at para kaming mga siraulo doon dahil kung anu-ano lang ang pinag-aapak namin. Kasi naman sobrang hirap nung pinili niya! 'Di naman kami magaling sumayaw kaya para kaming mga butete doon na nagtatalon. Nagtry din kaming magbasketball at syempre ako ang nanalo. Mas matangkad kasi ako sa kanya at kailangan niya pang tumingkayad para magshoot. Pero syempre 'di ko sinabi sa kanya. Baka bigla akong batuhin ng bola, eh.

Nung napagod na kami ay umupo muna kami sa vacant seats at naghabol ng hininga.

"Napagod ako, Meng. Lecheng basketball 'yan," sabi ni Shiela habang pinupunasan ang pawis niya.

"Ano, uwi na ba tayo?" Gusto ko na rin kasing maligo ulit. Ang init!

"Kanta muna tayo," sabay tingin niya doon sa karaoke na naririnig sa buong Quantum.

"Ayoko!" Nakakahiya kayang kumanta sa harap ng maraming tao!

"Dali na! Duet tayong dalawa!" tapos hinatak niya ako papunta roon. Syempre nahatak niya kaagad ako. Sa gaan ko ba namang 'to. Bakit kasi hindi nadadagdagan ng laman 'tong katawan ko? Kung kailan kailangan ko siya sa mga ganitong sitwasyon!

"Ehhh! Ikaw na lang! Dito lang ako sa baba!"

"Stingy! H'wag kang aalis dyan ha!
Isang kanta lang kakantahin ko."

Shiela has a wonderful voice. Gustung-gusto kong naririnig ang boses niya kapag kumakanta, kaya rin siguro nagpahatak ako rito para marinig ko ulit 'yun. Simula kasi nung nagbreak sila ni Glenn, hindi pa siya ulit kumakanta. I think she's ready to move forward.

Umupo muna kami sa harapan ng mini-stage dahil may girl pang kumakanta. After niya ay may isang guy na umakyat at kinuha niya ang mic. Pagkatapos ng lalaking 'to ay si Shiela na kaya naman nanood na lang kami sa kanya.

"Ahem. Request 'to ng kaibigan kong isang buwan nang nababaliw dahil nagbreak sila ng boyfriend niya."

"Hoy Drei!" rinig naming sigaw ng isang babae sa bandang likuran at nagtawanan naman ang mga taong nakikinig. Si Shiela naman, parang dinamdam ang sinabi nung lalaki dahil natamaan din siya.

"Ladies and gentlemen, Drei, ang gwapong singer ng Quantum," sabi niya pa at naghiyawan naman ang mga tao. Ang kulit din ng isang 'to ah. Pero parang familiar siya, though hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

Bigla namang nagbago ang aura niya at nung sumeryoso ang mukha niya ay lalong lumakas ang appeal niya.

"You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.

So stop time right here in the moonlight,
Cause I don't ever wanna close my eyes. "

Ang ganda ng boses niya. Sobra. Ang lamig at ramdam na ramdam ko ang emosyon sa pagkanta niya. Pakiramdam ko, si Shiela ang kumakanta.

"Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song."

Nagulat ako nung biglang tumayo si Shiela at tulala lang siyang naglakad papunta sa mini-stage. Pati 'yung lalaking kumakanta ay napatingin sa kanya...at lalo akong nagulat nung kinuha niya ang isang mic at siya ang nagtuloy nung pangalawang verse.

"With you I fall.
It's like I'm leaving all my past in silhouettes up on the wall.
With you I'm a beautiful mess.
It's like we're standing hand in hand with all our fears up on the edge.

So stop time right here in the moonlight,
Cause I don't ever wanna close my eyes."

Lahat kami ay napatingin lang sa kanya habang kumakanta nang nakapikit at lalo kong naramdaman ang sakit dahil sa way ng pagkanta niya. Then after a while ay sumabay na rin sa kanya 'yung lalaki at nagduet sila.

"Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song."

Kinilabutan ako dahil sa pagblend ng boses nila. Sobrang ganda. Pakiramdam ko maiiyak ako dahil damang-dama ko rin ang lyrics. Pagtingin ko ay makintab na ang mata ni Shiela. Jusko mukhang maiiyak pa siya.

"You're the perfect melody,
The only harmony
I wanna hear.
You're my favorite part of me,
With you standing next to me,
I've got nothing to fear."

Nagulat naman ako nung biglang may umupo sa tabi ko. Sisitahin ko sana dahil si Shiela ang nakaupo doon pero nanlaki ang mata ko nung nakita ko kung sino.

That dimple...his side profile...that familiar cap and hoodie...

Si Alden...

"Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song."

Napatingin agad ako sa unahan at tinakpan ko ang mukha ko ng panyo. Halos hindi ko na marinig ang paligid dahil 'yung malakas na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Hindi rin ako makahinga nang maayos. It feels like he's sucking all the oxygen inside my body.

Nanginginig kong kinuha ang phone ko at tinext ko si Aldrin.

Anong gagawin ko kapag katabi ko ang crush ko pero 'di naman niya ako kilala? Helppppp.

Isang minuto akong naghintay ng reply mula sa kanya pero wala. Baka busy siya.

"Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song."

Pagkatapos ng kanta ay dumilat na si Shiela sa makabagdamdamin niyang pagkanta at tumingin siya sa direksyon ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at nung pahapyaw akong tumingin sa gilid ko ay sinundan niya 'yun ng tingin. Kita ko ang pagkagulat niya at nilakihan ko lang siya ng mukha. Napansin ko namang tumingin din sa direksyon namin ang lalaking naka-duet niya at ngumiti.

"Oy Al—Richard!" sabay kaway niya at bigla namang binaba ni Alden 'yung cap niya...at nagdikit ang braso namin.

NAKURYENTE AKO.

Oo, may ganun! Naramdaman ko talaga! At lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

TARA NA!
 I mouthed at Sheila pero ang loka, narealize niya ata ang ginawa niyang pagsingit sa kanta nung lalaki at nag-sorry-sorry pa siya kaya nag-uusap na sila.

Kukunin ko na sana ulit ang atensyon ni Shiela pero muntik na akong mapasigaw nung tumingin sa kanan niya si Alden at...

...nagtama ang mga mata namin.

Doon na nag-alburoto ang puso ko.

Tumayo agad ako at lumabas ng Quantum. Hindi ako tumigil sa paglalakad hangga't hindi ko nararating ang CR. Pagpasok ko ay doon lang ako nakahinga at pagtingin ko sa salamin ay ang pula ng mukha ko at nanginginig ang kamay ko.

Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone mula sa bulsa ko at pagtingin ko, ngayon lang nakapagreply si Aldrin.

Sorry, late.
Make an impression. Magkatabi pa rin ba kayo?

Huminga muna ako nang malalim at nagreply ako sa kanya kahit nanginginig ang kamay ko.

Hindi na huhu. Nahiya ang katawang-lupa ko. Babalikan ko ba? Hahajk.

Ilang segundo lang ay nagreply siya at napatigil ako.

Wag na. Selos ako. Hahajk din.

Upon reading that, bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Magkakasakit ata ako sa puso dahil sa araw na 'to.


***