.

.

Chapter 7 | Alden

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, October 31, 2015


***

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yun. Parang may sariling utak ang kamay ko at 'yun ang naitype ko pagkatapos ay nasend ko kaagad.

"Huy! Ayan ka na naman sa tulala-tulala mo, tara na!" Hinatak ako ni Drei at nakasunod naman sa amin si Meg habang palabas kami sa Quantum.
Binulsa ko muna ang phone ko at saka naglakad papunta sa kung saan.

Bumaba kami sa escalator at dumiretso kami sa McDo dahil nagccrave daw ang dalawang 'to sa french fries. Pagpasok namin ay pumwesto agad kami sa pinakadulo at binaba ko ulit ang cap ko.

"Ako na ang bibili," sabi ni Meg at agad siyang tumayo. Nung nakalayo na siya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Drei.

"Sino kaya 'yun?"

"'Yung babaeng nakikanta sa'yo kanina?" tanong ko naman at tumango siya. Minsan ko lang makitang seryoso si Drei at isa sa dahilan ay kapag music ang pinag-uusapan. Hindi man halata, main vocal at guitarist siya ng isang rookie band.

"Tangina ang ganda ng boses niya." Napangiti ako dahil mukhang nahumaling doon sa boses ng babae at kitang-kita ko 'yun sa expression niya kanina habang kumakanta.

"Nakatingin ka nga lang sa kanya habang kumakanta."

"Gago, hindi ah!" sabay kunot niya pa sa noo niya. "Seryoso?"

"Oo nga."

"Gulat ako, eh. Bigla ba namang nakipagduet. Pero parang pamilyar ang mukha niya, tsaka 'yung katabi mo kanina."

Naalala ko naman bigla 'yung babaeng katabi ko kanina. Nag-CR kasi ako bago kumanta si Drei at pagbalik ko ay may katabi na si Meg kaya naghanap ako ng bakante. Doon ako umupo sa may unahan at naabutan kong may kasama nang kumakanta si Drei sa stage. Pagkatapos nilang kumanta ay nakita ako ni Drei at bigla niyang sinigaw ang totoong pangalan ko kaya medyo binaba ko ang cap ko. Napatingin din sa katabi ko tapos sa akin 'yung babaeng kasama niya sa stage at parang nagulat.

Naramdaman ko ang pagdikit ng braso ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya at para siyang nakakita ng multo nung nagkatinginan kami. Bigla siyang tumayo at tumakbo palayo.

"Meng!" sigaw nung babaeng nasa stage at tumakbo rin siya para sundan 'yung kasama niya habang ako ay natulala na lang sa nangyari.

Nakilala niya kaya ako kaya siya tumakbo? Pero ang dilim dito. Imposibleng may makakilala sa akin kaagad unless...

"Sila 'yun," biglang sabi ko kay Drei habang naghihintay kami kay Meg dito sa McDo dahil may naalala akong nangyari dati.

"Sinong sila?"

"Naalala mo ba 'yung dalawang babae sa mall dati? 'Yung nakakilala sa akin tapos muntik na niyang isigaw 'yung pangalan ko?"

"Ah! 'Yung bigla mong tinakpan ang bibig?"

"Oo. Sila 'yun."

Narealize niya rin 'yun at napa-
holyshit pa siya dahil doon. Naalala ko ulit ang pangyayaring 'yun at kung paano ako natuwa sa babaeng nakakilala sa akin dahil sa facial expressions niya. Hindi ko akalaing makakasalumuha ko ulit siya pagkatapos nun. Kaya ba siya umalis dahil narealize niyang ako si Alden?

"Oo nga pala, sino 'yung katext mo kanina?" Nagulat naman ako nung tinanong 'yun ni Drei at napahawak ako sa bulsa ko.

"Kakilala ko lang."

"Talaga? Bakit para kang bubuga ng apoy kanina?"

Naalala ko ang text ni Maine kanina tungkol sa crush niyang nakatabi niya. Wala naman dapat kasi talaga akong paki pero pagkabasa ko nun, napangunahan ako ng...

...selos?

Ewan. Siguro nakakainis lang dahil bakit sa akin niya pa sinabi 'yun. Pero sabagay, baka kasi ako lang ang mapapagsabihan niya sa mga panahong 'yun.

That girl. She has a different effect on me.

Hindi naman ako madaling magkainteres sa isang babae pero kakaiba siya kahit hindi ko pa siya nakikita.
Siguro dahil na rin sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin na parang komportable kami sa isa't isa.

One more thing is because she's a mystery. I don't know what she looks like but I'm contented by her messages and voice, though I'm a little curious about her looks.

"God, you two are hopeless." Nagulat ako nung biglang may french fries na sa bibig ko. Saka ko napansin na nakabalik na pala si Meg at pareho lang kaming nakatulala ni Drei.

"Sungit mo na naman. Maghanap ka na nga ng bago para makapagmoveon ka na dyan kay Carlo," sabi ni Drei habang kumukuha ng fries.

"Shut up, Drei."

"Natapos mo na ba 'yung puzzles?" tanong ko naman sa kanya at kahit papaano ay nawala ang kunot sa noo niya.

"Yup. 'Yung isa pa lang but in fairness, I'm enjoying it. Pano mo naisip ang ganung idea, Chard?"

"May nag-suggest lang sa'kin," sabay ngiti ko dahil successful ang pagpili ko ng regalo.

Muntik na akong mapatalon nung naramdaman ko ang pagvibrate ng phone sa bulsa ko. Nagmamadali kong kinuha 'yun at tama ang hinala kong si Maine ang nagtext.

"Who's that?" tanong ni Meg at ngumiti ako sa kanya.

"The one who suggested the puzzles."

"Chard, you're smiling like an idiot. Stop it. Pasalamat ka may dimples ka kaya hindi ka mukhang nasisiraan ng ulo."

‘Di ko na pinakinggan si Meg at binasa ko ang message ni Maine sa akin.

Unreachable naman kasi 'yung crush ko so wala akong pag-asa. Hahaha! Tsaka ba't ka magseselos crush mo ba ako? OMG HAHAHA JOKE

Napainom ako bigla ng coke dahil nasamid ako sa nabasa ko. Pinipigilan kong tumawa dahil baka asarin ako ng dalawa pero pakiramdam ko nahahalata na rin nila dahil si Drei nagpaparinig ng 
'Pucha kung tatawa ka ituloy mo na, mukha kang autistic dyan!' tapos si Meg, 'Seriously Chard, anong nangyayari sa'yo?'

Magrereply pa lang ako pero biglang sunud-sunod ang pagdating ng text galing sa kanya.

HOY HAHA JOKE LANG 'YUN WAG KA MAGREPLY.

EPEKTO LANG 'TO NI BABES KANINA LOL

PERO SERYOSO JOKE LANG HAHAHAHA

Huhuhu nababaliw na ba ako sorry

'Di ko na napigilan ang sarili ko at natawa ako nang tuluyan sa mga pinagsasabi niya. Nireplyan ko rin naman agad siya.

Haha ang cute mo

Mabilis din siyang nagreply at napangiti na naman ako.

Alam ko po. HAHAHA
Joke ulit!

Bago pa siya makapagmessage ng tuluy-tuloy ay nagtext ako sa kanya ng isang salita.

Yes

Pagkasend ko nun, hindi na ulit siya nagreply.
Nakuha niya ba ang ibig sabihin nun?


***