.

.

Chapter 8 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 19, 2015


***

"My God, Shie, nababaliw na yata ako."

“Good to know. At least may karamay ako.”

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at pareho kaming tulala dahil sa mga nangyari sa amin. Kanina pa sinasapak ni Shiela ang sarili niya dahil sa ginawa niya raw na “kahihiyan” kanina sa Quantum.
Masyado niya raw kasing na-feel ang kanta at parang may sariling utak ang katawan niya kaya siya umakyat doon sa stage habang iniisip si Glenn.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kung alam niya lang ang mga pinagsasabi ko kay Aldrin sa text baka biglang mawala ang hiya niya sa katawan. Ugh! Grabe! Wala talaga ako sa katinuan kanina! Ngayon lang ako nahimasmasan nung nabasa ko ang reply niya. Kasalanan ‘to ni Alden eh! Sino ba naman kasing mag-aakala na makikita ko ulit siya, at sa Quantum pa!

Nung nakita ko ang trademark niyang dimple, naging blangko kaagad ang isip ko at naunahan ako ng hiya kaya agad akong umalis doon. Idagdag pa ‘yung nangyari last time. Feeling ko talaga naging stalker na ang tingin niya sa akin dahil lagi ko siyang nakikita accidentally. Pero teka, baka naman hindi niya natatandaan ang mukha ko?

Sino nga ba naman ako para matandaan niya.

“Umorder na nga tayo, Meng,” sabi naman ni Shie habang sunud-sunod ang pag-inhale-exhale niya.

“Sige, sige.
Baka nga gutom lang ‘to.”

Nag-order kami ng kakainin namin at habang naghihintay ay nakikinig ng music si Shiela habang ako ay nakatitig pa rin sa phone ko.

Yes

Gulay naman kasi ‘tong si Aldrin! Nantitrip ba siya? O seryoso ‘to? Kasi naman! Bakit ang baliw ng mga text ko sa kanya? Kapag nirereread ko ay nagccringe ako sa mga pinagsasabi ko.

Isa lang naman kasi ang question sa lahat ng texts ko sa kanya, eh. ‘Yung ‘
Tsaka ba't ka magseselos crush mo ba ako? OMG HAHAHA JOKE.’

Lalo naman akong natulala nung nakita ko ang pangalan niya sa screen. OH MY GOD. HE’S CALLING!

Na-rattle na ako at halos mapasigaw ako dahil doon. Pero dahil ayokong may maisip siyang iba at baka rin mapansin ni Shiela ang kakaibang expression ko ay sinagot ko na.

“H-H-Hello?” Shet Meng, huwag kang mataranta ano ba!

“Are you okay?” Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Halata ba masyado sa boses ko? Tsaka bakit parang ang ganda ng boses niya? Ayyy ano ba, sabing umayos ka eh!

“O-Oo naman. Bakit? Ha-ha...”

“Ah wala.” Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. “Hindi ka kasi nagreply kaya...”

“A-ah! K-kasi ano, kumakain kami ngayon ng best friend ko so ayun...” Biglang napatingin sa akin si Shiela kaya dumoble na ang kaba ko.

“Ganun ba? Baka nakakaistorbo ako—”

“H-Hindi naman masyado,” sabay tawa ko na halata namang pilit.
“Sige, mamaya na lang ulit.”

“Okay. Bye...Maine.”

“Y-yeah...”

Wow. It really feels weird when he calls me by my name. Sabagay, Meng or Menggay naman kasi ang kadalasang tawag sa akin ng mga tao sa paligid ko. But still, his tone made me feel nervous.

“Ahem. Is that your secret guy?” sabay tingin ni Shiela nang nakakaloko sa akin. Dahil wala naman na akong kawala ay umamin na ako.

“Yes, he is.”

“Lakas maka-two time. Parang kanina lang si Alden ang kinakabaliwan mo ah.”

“Two-time ka dyan? Hopeless crush lang naman ‘yung kay Alden. I know that he’s unreachable.”

Well, actually, three years na akong may crush kay Alden. Una ko siyang nakita sa Candy Fair nung 17 years old ako. Rookie artist and model pa lang siya nun but out of all the guys there, siya talaga ang nag-stand out para sa akin. Naakit ako ng dimples niya at ng ngiti niya. I know na hindi naman niya naaalala ‘yun pero that time ay nginitian niya ako at natulala ako sa kanya. Simula nun, finollow ko na siya sa social media accounts niya, pero hindi ako nanonood ng palabas niya since hindi talaga ako mahilig manood at hindi rin ako pumupunta sa mall shows niya dahil hindi naman ako fan na fan talaga.

“Huy! Kain na tayo, nandito na ‘yung food.”

Saka ko lang napansin na kanina pa ako tulala. Inalis ko muna lahat ng worries sa isip ko at inenjoy ang pagkain. After that ay umuwi na kami ni Shiela.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humilata agad ako sa kama at nilabas ko ang phone ko. Pagtingin ko, may message si Aldrin at nahulog na naman ang phone ko sa mukha ko.

“Ouch!” sabay kuha ko sa phone ko habang nakahawak sa ilong ko. “May galit ka ba sa’kin, ha?” Nagawa ko pang irapan ang phone ko at buti na lang ay wala ang kapatid ko ngayon sa kwarto dahil sasabihan na naman niya akong baliw.

Inopen ko naman ang message niya.

Did I make you uncomfortable? Sorry. Joke lang yun :)

Ohh...

Ha! Sabi na nga ba, pinagtitripan lang ako ng Aldrin na ‘to! Walanghiyang lalaki ‘to!

Nah. I knew it from the start. Haha! Akala mo ha!

Pagkasend ko nun ay napabuntong-hininga ako, because somehow, I thought it was—oh well, nevermind. Makatulog na nga.


***