.

.

Chapter 9 | Maine

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, December 19, 2015


***

Two months na simula nung una kong ma-encounter si Aldrin at habang tumatagal ay mas lalo akong napapalapit sa kanya. And in fairness, hindi ako nabobore sa mga pinag-uusapan namin kahit minsan ay walang kwenta na, gaya na lang ngayon.

Pero pano nga kaya kung may kulay ang utot no? Mahuhuli kaagad kung sinong umutot sa public place. Hahaha!

O ‘di ba? Umagang-umaga, utot na kaagad ang usapan namin. Nagreply naman kaagad siya.

Grabe. Haha. Ano namang kulay yan?

Pink para sossy! Chos! Black na lang pala para kakulay ng budhi hahaha!

Minsan naman, maayos ang pag-uusap namin like tungkol sa current affairs and such pero may times talaga na puro trip lang ang usapan.

Ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nung nagkaroon ng awkwardness sa pagitan namin ni Aldrin. Nagtetext pa rin naman kami sa isa't isa katulad ngayon pero parang mas careful na kami sa mga sinasabi namin lalo na kapag malapit sa personal feelings namin ang usapan. Nagpapakiramdaman na kami. And I'm sure ay epekto pa rin 'to ng conversation namin nung nakaraan.

"Ms. Maine!" Napatigil naman ako nung narinig ko ang pangalan ko sa may counter. Tumayo ako kaagad at kinuha ko ang coffee na inorder ko kasama ang belgian waffle. Bumalik ako sa pwesto ko at nakita kong may bagong message from Aldrin na nakadisplay sa phone ko.

Coffee? :)

Napangiti naman ako dahil may nakaattach na picture ng hot coffee from Starbucks, and coincidentally ay nasa Starbucks din ako ngayon for breakfast. Napangiti rin ako dahil sa transition ng usapan namin from utot to coffee.

Meron na :p

Nag-attach din ako ng photo ng iniinom ko and after that ay binuksan ko ang laptop ko. Actually, nagsusulat ako ngayon ng journal dahil gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko through writing. Hindi ko rin naman kasi masabi kahit kay Shiela kahit na best friend ko siya. Ako kasi 'yung tipo ng tao na mas gustong makinig sa problema ng iba pero 'yung sarili kong issues, hindi ko sinasabi at gusto ko ay sa sarili ko lang.

Nag-start ako ng blog pero syempre hindi ko sinasabi sa kahit kanino, lalung-lalo na sa close friends or family members ko. Bahala na lang kung sino ang makahanap or makabasa nito, basta ako shineshare ko lang kung ano ang feelings ko, though mas prefer ko na strangers ang makabasa para hindi nila kilala kung sinu-sino ang tinutukoy ko.

Distant Star

I am not the type of person who crushes on or falls to someone easily, but three years ago, I met someone who changed my view on that matter. Most of the girls in the Candy Fair were looking for hot and trending celebrities and actors, but my eyes were glued to a rookie model. He has a fair skin, tall and handsome (of course), but what captivated my attention was his ridiculously cute dimples. Upon seeing those, I immediately looked at his tag and saw his name.

Alden Richards.

Yes. That guy was Alden. It's been three years but I still have a crush on him. I thought that was just a temporary admiration but I was wrong. Of course, it bothers me because I don't really want to fall in love with a celebrity. It's hard and painful. Even if I extend my arm to reach him, he's still too distant. I was on the verge of giving up this star but fate is teasing me. I saw him a couple of times and somehow, it gave me a little hope.

Napatigil naman ako sa pagtatype nung nagvibrate ang phone ko. Binasa ko naman ang text galing kay Aldrin.

Nakakita ka na ba ng shooting star?

Hindi ko alam kung inaasar na naman ako ng tadhana dahil sa nabasa ko. Napatingin pa nga ako sa paligid ko dahil feeling ko ay nababasa niya ang sinusulat ko. It turns out na coincidence lang ‘yun dahil wala namang nakadungaw malapit sa place ko.

Hindi pa. Why?

Wala lang. Actually, that’s one of my wishes. Ikaw ba?

Napatigil naman ako nung nabasa ko ‘yun. Initially, napaisip ako na ang babaw ng wish niya pero binawi ko ‘yun dahil may ilang wish din naman ako na katulad ng kanya—like seeing a lantern festival with someone I love.

Gusto kong makapunta sa sky lantern fest haha!

After that, hindi na siya nagreply kaya kumain muna ako habang pinagpapatuloy ko ang sinusulat ko. Then, gumawa ako ng bagong post.

Shooting Star

Just like a shooting star, this guy suddenly came into my life.
Just like a shooting star, I was initially surprised,
But his presence gives me a fleeting feeling;
A transient happiness and comfort;
But just like a shooting star, it will not last.

Bigla naman akong nalungkot dahil sa sinulat ko. Leche naman kasi ‘tong si Aldrin, pa-shooting-shooting star pang nalalaman! Pero...totoo naman.

“Miss? Pwede bang makiupo?”

Napatigil naman ako sa pag-iisip nung narinig ko ‘yun. Tumango naman ako dahil alam kong maraming tao sa Starbucks ngayon pero pagtingin ko sa kanya nung umupo na siya sa harapan ko, muntik na akong masamid. Tuluyan na akong naubo nung nagkatinginan kami...

...at tuluyan na ring nagwala ang puso ko.

“Wait, parang kilala kita,” sabi niya pa kaya naman binaba ko ang cap na suot ko at nagpapasalamat ako dahil nagsuot ako ng cap ngayon. Gusto ko nang lumipat ng pwesto pero halos manigas na ako rito dahil sa halu-halong nararamdaman ko ngayon.

“Ah! Ikaw ‘yung kasama ng babaeng naka-duet ni Drei...at ‘yung sa mall...”

OH GOD BAKIT MO BA GINAGAWA SA AKIN ‘TO? Bakit nasa harapan ko na naman ‘tong si Alden?! And why is he smiling at me? Takte kang lalaki ka, huwag mo akong akitin gamit ‘yang dimples mo! Sobrang effective!

“Ilang beses na tayong nagkikita pero ‘di ko pa alam ang pangalan mo,” sabi niya habang inaayos ang cap niya dahil may ilang babaeng tumitingin sa kanya.

Pero wait, tinatanong niya ba ang pangalan ko?! Shet shet shet totoo ba ‘to? Kinakausap ako ni Alden? As in Alden Richards?

Gising, Maine! Magsalita ka, ano ba!

“Uhh...ano...”

“Chard! Here!”

Pareho naman kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babaeng kumakaway kay Alden. Nagkatinginan kami ni Alden at ngumiti siya sa akin in an apologetic way.

“Sorry. It’s okay if you don’t want to tell me your name. Anyway, andyan na ‘yung kasama ko. Thanks sa pagpapaupo,” sabay smile niya sa akin.

Mukhang tama nga ako. Inaasar lang ako ng tadhana kapag nakikita ko siya. Lagi lang panandalian. At ngayon, nakita ko pang may kasama siyang babae. Siguro panahon na talaga para magmove-on ako sa taong ‘to. Pero sa huling pagkakataon, gusto kong makilala niya ako.

“Maine!” sigaw ko at napatigil siya sa paglalakad. Lumingon siya sa akin at nagtaka ako dahil nag-iba ang expression niya, pero ngumiti pa rin ako. “Maine. That’s my name.”

After that, hinatak na siya nung babae palabas ng Starbucks pero palingun-lingon pa rin siya sa pwesto ko...hanggang sa tuluyan na silang mawala.

Bigla namang nabaling ang atensyon ko sa phone ko dahil nakita kong nag-message si Aldrin. Binasa ko naman kaagad ang text niya.

Natupad na ang isa sa mga wish ko. Thank you :)


***