.

.

Epilogue

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, April 30, 2016


***

| ALDEN |

"Okay, hug her for a few more seconds...and...cut! Good job!"

Pagkatapos isigaw ni Direk 'yun ay agad kaming naghiwalay ni Diane, ang leading lady ko sa movie na ginagawa namin ngayon. Umalis ako mula sa pwesto namin dahil nakangiti na naman siya sa akin. If it wasn't for the movie, I'd avoid her at all cost because of her confession two weeks ago. I want us to have a professional relationship as actors but she keeps on shoving her personal interest to me. Because of that, several articles about us were published and those made her upset and angry.

"Alden!" Nagulat ako nung bigla na lang umangkla sa braso ko si Diane. "Tara, lunch tayo."

Naging conscious naman ako sa paligid dahil nasa public place ang shooting area namin at alam kong may mga nagtatagong reporters kung saan dahil mainit pa ang issue sa pagitan namin ni Diane.

"Diane..." bulong ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

"Why? Bakit ba kasi ayaw mo? You know what, this can benefit our movie," mahina niya ring sabi at lalo siyang lumapit sa akin.

"I have a girlfriend, so please Diane, get away from me."

"Sinabi mo na 'yan before sa iba mong leading ladies and sorry but that won't work for me."

Pinilit kong tanggalin ang kamay niya pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko kaya naman lalo lang akong na-conscious. Pakiramdam ko ay kinukuhanan na kami ng mga paparazzi sa paligid at ayokong may lumabas na namang balita tungkol sa amin. Pero nagulat ako nung biglang may humatak sa kabilang braso ni Diane at pagtingin ko, nandoon na sa gilid niya si Meg.

"Diane, right?" sabi ni Meg kay Diane habang nakangiti kaya natahimik ako bigla. "Pakibitiwan ang braso ng pinsan ko kung ayaw mong magkaroon ng eskandalo rito. He's already taken so piss off," dagdag niya sabay tingin nang masama kay Diane at hinatak niya nang malakas ang braso niya kaya napabitiw siya sa akin.

Pagkatapos nun ay lumayo sa amin si Diane kaya naiwan kami ni Meg doon. Nakahinga agad ako nang maluwag nung kaming dalawa na lang ang nandoon.

"Seriously, Chard. Huwag mo ngang ineentertain ang babaeng 'yun. She's known as the girl who always fall in love with her leading guys. Masyado kang mabait. No wonder galit sa'yo si Maine."

Naisip ko naman bigla si Maine pagkatapos niyang banggitin ang pangalan niya. Dahil sa issue namin ni Diane ay tatlong araw na niya akong 'di kinakausap o kino-contact man lang. Napabuntong-hininga na lang ako.

"You have a plan na?" tanong ni Meg at tumango naman ako.

"Yes but I don't know if that would be effective." Hinampas naman niya ako bigla.

"Ano ka ba, be confident nga! Don't worry, akong bahala dun sa linta na 'yun," sabay tingin niya sa direksyon ni Diane.

"Thanks, Meg." Ngumiti ako sa kanya at hinampas niya ulit ako.

"Yeah right. Basta ba magpakilala ka sa'kin ng matinong lalaki."

Pagkatapos nun ay nagshoot ulit ng ilang scenes pero hindi na ako ginulo ni Diane dahil ang sama ng tingin sa kanya ni Meg na nasa gilid ng set. Halos 5 PM na kami natapos kaya naman nagmadali akong magligpit at sumakay agad sa kotse ko kasama si Meg dahil balak niya raw mag-mall kaya sasabay na lang siya sa akin. Nung makarating kami sa mall ay binaba ko siya at nagmaneho ako papunta kina Maine.

Habang nasa kotse ay saktong tumugtog ang kantang ginawa nina Drei at Shiela nung lantern fest. Napangiti ako nung maalala ko ang nangyari nung gabing 'yun. Anim na buwan na ang nakakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Pagkatapos ng gabing 'yun ay nagbago na ang lahat. We went on dates and I courted her for months. I got to know her more and my feelings for her deepen. It's amazing because I don't even know when she became so important to me. Just because of a cute mistake, I found my other half.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi pa rin sumasagot. Bigla ko tuloy naimagine ang expression niya at napangiti ako. Paniguradong nagtatampo pa rin siya. Alam kong dapat na akong mag-alala dahil sa sitwasyon namin pero tuwing maiisip ko ang itsura niya na nagtatampo, natutuwa ako dahil ang cute niya.

Dahil hindi niya sinasagot ang phone niya ay nagtext na lang ako sa kanya.

Binilisan ko ang pagdadrive at binuksan ko rin ang radyo ko since binabalita rin doon ang showbiz news

Binilisan ko ang pagdadrive at binuksan ko rin ang radyo ko since binabalita rin doon ang showbiz news. Ilang minuto pa ay nagsalita na ang DJ at kahit kahapon ko pa 'yun sinabi ay kinakabahan pa rin ako.

"Samantala, sa showbiz balita, young actor Alden Richards, umamin na may girlfriend na! Ayon sa isang exclusive interview, two months na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend kaya naman wala raw katotohanan na nagdedate sila ni Diana Carlos. Ayon naman sa ilang witness, nakita raw nila ang aktor sa nakaraang lantern fest na may kasamang babae, na malamang ay ang girlfriend niya ngayon. Pumunta sa aming page para sa ilang paparazzi shots ng ating netizens at panoorin ang kanyang exclusive interview sa balita!"

Nakarating naman ako sa subdivision kung saan nakatira sina Maine at ang pamilya niya. Lalo lang akong kinabahan nung makita ko ang bahay nila. Huminga muna ako nang malalim at tatawagan ko si Maine pero nagulat ako nung nakita kong tumatawag siya ngayon. Sinagot ko naman kaagad 'yun.

"ANONG GINAWA MO?" Inilayo ko kaagad ang phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"'Yan ba ang bago mong hello?"

"Ewan ko sa'yo! Bakit mo ginawa 'yun? Are you crazy?"

Bumaba ako sa kotse ko at tumayo ako sa harapan ng bahay nila.

"Yes. I think I'm crazy." Natahimik ang kabilang linya. "I want to show the world that I'm yours.

After that, I saw her at the doorway and we looked at each other while our phones are still on our ears, just like what happened when we first met each other.

"Kainis ka. Galit dapat ako sa'yo eh," sabi niya at nakita kong nangingilid na ang luha niya pero mas nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"I'm sorry. Bati na ba tayo?"

"Oo na. Ano ba namang laban ko sa ginawa mo?" sabay ngiti niya kaya naman napangiti rin ako.

"I love you," sabi ko at napatigil siya sa paggalaw. Lalo akong napangiti dahil sa expression niya na tipong nagulat at 'di alam ang gagawin habang namumula ang buong mukha.

"N-nantitrip ka na naman ba?"

"Masama bang sabihin 'yun?"

"Whoa. Now you're being bold. Epekto ba 'to ng interview mo?"

"Maybe. But as I've said earlier, I just want to show how much I love you." Lalo siyang namula kaya natawa na ako at sinamaan naman niya ako ng tingin. "Thank you," sabi ko.

"F-for what?!"

"For being cute."

"Aba't hinahamon mo talaga ako ha!"

Nagulat ako nung bigla niyang pinatay ang call at naglakad siya nang mabilis papunta sa akin. Pero mas lalo akong nagulat nung hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinatak papunta sa kanya.

Hinalikan niya ako sa labi.

Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkagulat o ano pero hindi ako nakagalaw at parang kami lang dalawa ang nasa mundong 'to. Bumalik ang isip ko nung tinignan niya ako sa mga mata ko.

"Nagiging aggressive din ako minsan," sabi niya matapos niyang gawin 'yun at ngumiti siya siguro dahil sa expression ko.

"D-did you just..."

Bigla naman siyang tumalikod sa akin at naglakad pabalik sa bahay nila.

"Mom! Alden's here!" sigaw niya at nakita kong bumukas ang pinto. Lumabas doon ang mga kapatid niya.

"Uy! Alden!" bati ni Nico. "Bakit ang pula mo? Masyado bang mainit dito sa labas?"

"Ikaw rin. Bakit ka namumula?" tanong naman ni Coleen kay Maine kaya naman mabilis siyang pumasok sa bahay nila.

"Tara, tara! Kanina pa nagwawala si Mommy sa loob dahil doon sa interview mo," dagdag ulit ni Nico at hinatak niya ako papunta sa loob pero sinalubong ulit kami ni Maine at hinawakan niya ang kamay ko kaya naman nagsigawan ang mga kapatid niya.

"Landi n'yo!"
"Walang forever!"
"Naiinggit ako!"

"Huwag mo silang pansinin, mga baliw 'yang mga 'yan," bulong ni Maine sa akin habang papasok kami sa kanila at ngumiti lang ako sa kanya. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at sinalubong kami ng parents niya.

Nagkumustahan lang kami at nagkwento sila hanggang sa hinatak na ako ni Maine. Pumunta naman kaming dalawa sa veranda nila at tahimik kaming nahiga sa mga couch na nandoon. Habang hindi siya nakatingin ay nilabas ko ang phone ko at ginamit ko ang isa kong number para tawagan siya, pero hindi ko nilagay sa tenga ko. Narinig ko ang pag-ring ng phone niya at kumunot ang noo niya. Tumingin siya sa akin pero hindi ako nagpahalata.

"Bakit 'di mo sinasagot?" tanong ko. "Sino 'yan?"
"Ewan ko. Unknown number."
"Baka naman importante 'yan. Answer it."

Medyo lumayo at tumalikod siya sa akin at nung sinagot niya ang tawag ay nilagay ko sa tenga ko ang phone ko.

"Hello? Who's this?" tanong niya.
"I'm Alden." Pagkasabi ko nun ay napalingon siya sa akin at nginitian ko siya.

I can't believe that we're together right now. Several months ago, we're just strangers, living our own worlds. Just because of a single call, our lives have changed and I met the girl who gave my life more meaning. Looking back, it's amazing because we already liked each other even though we didn't meet yet. I fell in love with her words, voice and personality, and when I saw her, I knew I was already in love.

"Hi, Alden." Sinakyan naman niya ang trip ko. "Wait, you mean si Alden na artista? Crush ko 'yun, eh."
"Hello, Maine. Oo, 'yung Alden na may gusto sa'yo."

Kung may makakakita sa amin ngayon, iisipin ay para kaming baliw dahil magkalapit na nga kami pero nag-uusap pa rin sa phone. Pero kahit na ganun, masaya ako ngayon. Masaya ako na kasama siya.

She's may not be perfect but she's all I want. This woman, I'll hold her hand until we both face the altar and I'll do everything and anything to make her happy.

Hello to our bright future and I hope there won't any goodbyes.
Right, Maine?



--------------------------- E N D ---------------------------