.

.

Prologue

Posted by purpleyhan on Monday, August 31, 2015


***

"What?! Teka, anong sinabi mo sa kanya?" tanong ko.

"W-wala. Ayoko muna siyang kausapin." Rinig ko pa rin ang paghikbi niya at pagpigil sa pag-iyak sa kabilang linya kaya lalo akong nainis.

"Don't worry, Shie. Ako na ang bahala."
Bigla naman siyang napatigil sa pag-iyak.

"T-teka Meng...anong gagawin mo—"

"Trust me. Bye muna," then I ended the call.

Kahit hindi naka-save sa phone ko ang number ng boyfriend ni Shiela ay nagawa ko siyang tawagan dahil kabisado ko ang number niya. Sa kanya kasi ako laging nagtatanong kapag hindi ko macontact si Shiela pero ayaw kong i-save ang number niya dahil ayaw ko sa kanya.

Dinial ko 'yun at after three rings ay inaccept niya ang call.

"Hel—"

"Hellohin mo mukha mo! Ang kapal ng mukha mo para lokohin ang best friend ko! Ikinagwapo mo ba 'yang pantu-two time mo, ha? Shiela loves you so much but you cheated on her! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa kanya o sa akin because I swear, pagsasampalin ko talaga 'yang kinakalyo mong mukha!"

Hiningal ako after that at hinintay ko siyang magsalita pero tahimik lang sa kabilang linya. Hah! Baka sapul na sapul sa mga sinabi ko.

"O ano? Ngayon wala kang masabi? Bakit di mo depensahan 'yang sarili mo, ha Glenn? Dahil ba tama ako? Dapat
"

"Uhm miss, sa tingin ko maling number ang natawagan mo." Wow! Nagpalusot pa!

"Hoy Glenn tumigil-tigil ka dyan sa palus—"

"But I'm not Glenn, Miss."

"Sus! O, eh sino ka?"

"I'm Alden."

Pagkarinig ko nun ay ako naman ang napatigil dahil parang seryoso siya. Tinignan ko ang screen ng phone ko at nireview ko ang number na nakaregister.

Ang number ni Glenn ay 09061230987. Ang nakalagay sa screen ay 09061230978.

OH MY GOD. OH MY GOD SINO 'TONG KAUSAP KO? HALA HINDI PALA 'TO SI GLENN!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba at hiya. Feel na feel ko pa ang galit ko kanina tapos hindi pala si Glenn ang kausap ko? Gosh anong gagawin ko?! Baka mamaya harass-in ako nito dahil sa ginawa ko!

"Uhm..." Huminga ako nang malalim para makahugot ng lakas ng loob. "Sorry po. Sige, bye—"

"Wait—"

Bago pa siya makaangal ay in-end ko na 'yung call at napahiga na lang ako sa kama. Nakakahiya talaga pero at least, mukhang hindi naman nagalit si kuyang nasa kabilang linya. Ano nga ulit name niya? Alden? Hah! Ayos ah, kapangalan niya pa 'yung isa sa mga crush kong artista. Ngayon ko lang narealize.

Hindi ko muna ulit ginamit ang phone ko dahil nastress ako sa nangyari. Mamayang gabi ko na lang tatawagan si Glenn dahil medyo nawala na ang inis mood ko at napalitan ng embarassment. Di bale na, isang beses pa lang naman akong nagkamali ng tinawagan. At least, naexperience ko na.

Pero ang hindi ko inakala, doon na pala magsisimula ang aming istorya.


***