.

.

Introduction

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

Pagkauwing-pagkauwi ko sa apartment ko, binuksan ko kaagad ang laptop ko para tignan kung may update na ba ‘yung inaabangan kong story. Pumunta ako doon sa reading site at viniew ko ‘yung profile ng writer. Pagtingin ko, hindi pa siya nagpopost ng bagong chapter.

That’s weird. Every Friday kasi siya nag-uupdate pero wala siyang bagong post ngayon...except sa bagong story na kakapost lang twenty minutes ago. Pero ang lalo pang nakakapagtaka, untitled ‘yung story na ‘yun.

Bigla akong kinabahan. Hindi kaya dahil lang ‘to sa pagbabasa ko? ‘Yung writer kasing ‘to ay puro thriller, paranormal at mystery stories ang sinusulat. Kaya nga lahat ng stories niya ay sinusubaybayan ko dahil mahilig ako sa mga ganung genre. Pampatanggal na rin ng stress dahil sa mahirap kong thesis.

Binuksan ko ‘yung untitled story at doon na nagsimula ang patung-patong na suspicion ko. Ibang-iba ang genre na ‘to at sobrang iksi ng chapters tapos pinost niya nang sabay-sabay ‘yun.

This is really weird.


***