.

.

Post 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

Hindi ko alam kung bakit ang daming naniniwala sa love. Ewan ko kung anong meron doon at sabik na sabik ang mga taong mahanap ‘yun sa ibang tao. Lahat halos ng kaklase ko ay nag-uusap tungkol sa crush o sa gusto nila habang ako ay nakatunganga lang. Pati mga kapatid ko, ‘yun rin ang usapan sa bahay.

May mapapala ba ako kapag nagmahal ako? Eh mukhang wala naman kaya mas mabuting mag-aral na lang ako nang mabuti kaysa isipin ‘yang love-love na ‘yan.


***