.

.

Post 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

Hearts’ Day o mas kilala bilang Valentines day nga pala ngayon at ang daming couples dito sa school. OA lang ‘yung iba dahil kung anu-ano pang surprises ang pinrepare nila. Sa totoo lang, dagdag gastos lang ang pagkakaroon ng girlfriend o boyfriend. Tapyas ang wallet mo dahil tuwing monthsary o anniversary, kailangan mo ng bagong pakulo o di kaya naman regalo. Ang masama pa, kapag naghiwalay kayo, wasak na nga ang puso mo, ubos pa ang laman ng bulsa mo. Ganun naman ang laging senaryo, hindi ba? Ewan ko ba sa mga ‘to at tuwang-tuwa sila kapag naiinlove sila.


***