.

.

Post 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

Sa lahat ng pwedeng mapartner sa akin sa isang project, bakit ‘yung bwisit na lalaking ‘yun pa? Kaya ko pang tiisin ‘yung iba pero ang isang ‘to, hindi. Yamot na yamot ako sa kanya at hindi ko talaga siya kinakausap kahit magkaklase kami tapos biglang ganito?

Tutal nandito na, wala na rin akong magagawa kundi bilisan na lang ang paggawa para matapos agad. Oo ayaw ko sa kanya pero kailangan ko siya para sa project na ito. Wala rin namang mangyayari kung magrereklamo ako dahil ‘yung teacher namin sa Anatomy ang nag-assign. Endocrine system ang na-assign sa amin at kailangan naming gumawa ng kanta tungkol doon. Rap na lang kaya tutal pinagmamalaki niyang magaling siyang mag-rap?


***