.

.

Post 4

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

Tatakas sana ako sa PE class namin pero hindi ko nagawa dahil dumating kaagad ‘yung teacher namin. Hinati niya kami sa dalawang group at may series ng games na pinrepare para sa amin. Isa na doon ay ‘yung itatali ang kanang binti ng isa sa kaliwang binti ng isa at tatakbo sila ng sabay hanggang sa makarating sila sa makaikot sila doon sa pole at matapik ‘yung next pair. Reyna ata ako ng malas dahil siya na naman ang napartner sa akin. Dapat talaga tumakas na ako kanina nung ‘di pa dumating ‘yung teacher eh. 

Finally ay natapos na rin ang PE class at bumalik na kaming lahat sa room. Lalo lang akong nainis dahil nakita kong papalapit sa akin ‘yung lalaking ‘yun habang nakangiti pa nang nakakaloko. Oras na para malaman niyang kinaiinisan ko siya para tumigil na siya. O mas magandang suntukin ko na lang siya para damang-dama niya. Reresbakan niya kaya ako?


***