.

.

Post 5

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

Sabi ko na nga ba walang magandang naidudulot ang love na ‘yan. Tanghaling tapat at umiiyak ang ate ko dahil nagbreak sila ng boyfriend niya. Oh ‘di ba tama ang pananaw ko? Resulta ‘yan ng masyadong paniniwala sa tao at sa love. Alam naman nilang masasaktan sila sa huli pero sige pa rin nang sige. Ganun kabilis ang karma kapag masyado mong sinusugal ang puso mo sa taong hindi ka naman sigurado kung mamahalin ka nga hanggang sa huli. Engot lang talaga ang ate ko dahil masyado siyang nagtiwala, nagbigay at nagmahal kaya ayan, natalo sa sugal ng pag-ibig.


***