.

.

Post 6

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, January 9, 2015


***

Cupid? Ang babaw lang ng mga taong naniniwala na may magpapana sa puso nila at mahahanap ang kabiyak nila. Realidad itong mundong ginagalawan natin at hindi mythology para maniwala sa mga ganun. Lalo lang tuloy akong naiinis kapag napapag-usapan ‘yung love dahil sa kababawan ng ilan. Operahan dapat sa utak ang mga ‘yan eh.

Alam ko namang normal na sa isang tao ang makaramdam ng attraction o pagmamahal sa isang tao pero sadyang hindi ko lang talaga maramdaman ‘yun. Lahat ng kakilala ko sinasabihan akong tatanda akong dalaga dahil sa paniniwala ko pero wala akong pakialam. Doon rin naman ang bagsak nating lahat—ang pagtanda. Ayos lang sa akin kahit tumanda akong mag-isa kaysa naman paulit-ulit akong umasa at masaktan kapag nagmahal ako at sa pagtanda ko ay maaalala ko lahat ng ‘yun. Sanay naman na akong mag-isa kaya ayos lang...ayos lang.


***