.

.

Chapter 1

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, February 1, 2015


***

“Ate! Dad! Bilisan niyo! Malalate na ako!” 

“Eto na!”rinig kong sigaw ni Daddy mula sa loob ng bahay

“Bakit ka ba kasi nagmamadali? Eh 8 pa class mo ah? 7 AM pa lang oh!” sabay simangot naman ni Ate Steff sa akin. Paano kailangan niya ring bilisan since lagi kaming hinahatid ni Daddy ng sabay. At saka masama bang pumasok ng maaga? ‘Di naman ah!

Nakangiti lang ako buong byahe habang papunta kami sa school. Si Ate naman, nakabusangot. Ewan ko ba dyan. Sa school kasi niya, isa siya sa Campus Princess, pero ayaw niya ng title na ‘yun kaya simula malaman niya ‘yun ay lagi na siyang nagmamaktol.

Nung makarating kami sa harap ng school ko, kinuha ko kaagad ‘yung shoulder bag ko at lumabas sa kotse. 

“Bye Dad! Bye sis!” tapos tumakbo na ako dahil baka may sabihin na naman silang dalawa sa akin. Feeling kasi nila baby pa rin ako kaya ang dami nila laging bilin kahit paulit-ulit naman ‘yung sinasabi nila.

Anyway, pumasok na ako sa school. Grabe! Ngayon na lang ulit ako naexcite ng ganito!

“Hi Liann!”
“Hello po ate Liann!”
“Liann! Long time no see!”

Nakaplaster na ang ngiti ko doon sa mga bumabati sa akin. Binilisan ko na lang ‘yung lakad ko para makarating ako doon sa tambayan. Sakto namang pagdating ko doon ay nakaupo si Grace sa isang bench. 

“Liann!” then she flashed her sweet smile habang ako ay nakasimangot.

“Hi Grace.”

“Oh? Bakit ganyan itsura mo? Marami na naman ba sila sa hallway?”

“As usual,” tapos umupo ako sa katabing bench.

Nga pala, I’m Venice Liann Damian. People call me Liann but my family and best friend call me Ven or Venice. Pati ‘yung best friends ni Ate, Venice din pala ang tawag sa akin.

Nag-aaral ako sa Amarrison Academy, an elite school here in our neighborhood. ‘Yung principal kasi namin na si Mr. Wilson, ay isa sa richest businessmen dito sa Manila. Third year high school na ako this school year. And uh, I’m the top student on our year level. Err kaya medyo kilala ako. Pero sabi nila, maraming nakakakilala sa akin dito hindi lang dahil sa top student ako kundi sa face ko din, which is embarrasing. And of course, dahil na rin kay Ate Steff na graduate din dito two years ago at siya ang Valedictorian ng batch nila. 

“Hey Grace, ikaw pa lang andito?”

“Yup. Ang aga pa kaya! 7:20 pa lang oh!”

“Akala ko pa naman andito na si Ziela.”

Ang aga ko pala masyado. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng impaktang ‘yun?

Oo nga pala, I’m here at our tambayan. ‘Yung circle of friends ko kasi ay ‘yung mga mahilig rin sa dresses, shoes and the likes. In short, fashionistas. Dito kasi sa school, common na ang groupies. Kaya kaming mahilig mag-usap tungkol sa trends and fashions, nagsama-sama. 

Meron ding mga super sossy, as in ang OA na nila. Mga superstar kung baga. Inaaya nga nila akong sumali sa kanila but I rejected their offer. Hindi ko carry dun! Masyadong mahangin!

‘Yung heartthrobs ay may sarili ring groupies. Grabe nga eh! Nagsama-sama ang mga oh so hot and handsome boys sa school! Kaya laging duguan ang mga ilong ng girls pag dadaan sila! Haha! Okay, joke lang, exag naman ‘yun.

Syempre andyan din ‘yung mga varsity. Mga players. Siguro sila ang coolest group para sa akin. Wala lang. Nagagalingan kasi ako sa mga mahilig sa sports.

Andyan din ‘yung geeks or nerds. Okay lang naman sila sa akin pero sa iba, masyado silang ina-outcast. Wala namang masama sa pag-aaral ‘di ba? Pero siguro nga sa generation ngayon, konti na lang ‘yung super mag-aral. Oh well. Inaaya rin nila ako dito kaso kasi baka sumakit utak ko dyan eh. ‘Di ko naman keri na laging acads ang usapan.

Ahm, meron ding mga nilalayuan ng ibang groupies. Yung mga bully. And I swear, nakakatakot talaga silang lapitan.

Lastly, andyan ‘yung normal students. ‘Yung mga walang interest sa ibang groupies. Wala lang, gusto lang nilang i-enjoy ang high school life nila.

“Venice!” Napalingon naman ako doon sa tumawag sa akin at nakita ko ang impaktang best friend ko.

“Ziela!” Niyakap ko siya nang mahigpit. Gosh, I really missed this girl.

“How are you? Na-miss kita bruha!”

“Ayos naman! Ako rin na-miss kita, impakta ka talaga!”

She’s Ziela Angeli Wilson. At kung nahihinuha niyo na, she’s the daughter of Mr. Wilson, yung may-ari at principal ng school. Lagi silang nagbabakasyon sa America kaya na-miss ko siya. Best friend ko yan eh! And of course she’s famous here. Malamang naman ‘di ba?

“May pasalubong ako sa ‘yo, bru.” ‘Yan na naman siya sa bru niya. Shortcut daw ng bruha. Pero dahil narinig ko ‘yung salitang pasalubong ay nagdiwang agad ako.

“Talaga? Yehey!”

Then, inabot niya sa akin yung sandamakak na paperbags. Pagtingin ko, puro dress and shoes and accessories!

“OMG thank you, Zie! You made my day!”

“Jeez. Di ko nga nadala lahat eh. Ang bigat kasi.”

Okay, siya na ang tunay na mayaman. Hindi pa raw ‘to lahat ng pasalubong niya! Eh ‘di siya na ang wagas magbigay ng pasalubong!

“Oy lika na bru, punta na tayong room! Baka maagawan pa tayo ng magandang pwesto eh!”

“Sure! Ayoko na sa unahan!”

Nagpaalam kami kay Grace at nagmadali kami papunta sa room. Nakakahingal nga lang dahil sa third floor ang room namin.

Pagdating namin sa room, ayos! Lima palang kaming nasa loob! Pinili namin ni Ziela yung malapit sa airconditioner para presko. Syempre, inayos na namin ‘yung mga gamit namin. Crap. Ang dami kong dala. Puro pasalubong ni Ziela!

“Hey bru, kamusta na nga pala kayo ni Richard?”

Nagulat naman ako sa tanong niya. Crap. ‘Di pa niya pala alam. Hindi ko kasi nasabi sa kanya since ayaw kong istorbohin ang bakasyon niya sa States.

“Uhh, we broke up.”


***