.

.

Chapter 10

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Tuesday, May 5, 2015


***

Tangna ang jologs mo talaga, tabi nga!”
Pucha. ‘Yan ba uso ngayon? Hahaha!”

Bigla namang kumulo yung dugo ko habang naglalakad ako papunta sa room. Sa tapat kasi ng room namin ay may dalawang fourth year na lalaking mukhang mga paa ang nambubully na naman kay Roj. At ito namang Roj na 'to, bakit ba ayaw niyang labanan? Eh halos magkakasingtangkad lang naman sila? Di kaya duwag siya?

“Hey, stop that!” 
Lumapit ako sa kanila at humarang ako para nasa likuran ko si Roj. Pero parang nawala ‘yung tapang ko nung nakita ko nang harap-harapan ‘tong dalawang kumag. Ang laki nila!

“Oh, the famous Liann.
Balita ko hindi ka na nililigawan ni Ivan. Ano, tayo na lang?” tapos ngumisi siya. Oh God, no way! Ang kapal din ng apog ng lalaking ‘to ah!

Sasagot na sana ako pero nagulat ako nung hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa kanya. Papalag na sana ako pero bigla ring napatigil sa paghila sa akin ‘yung lalaki dahil pinigilan siya ni Roj habang nakahawak sa braso niya.

“Sorry pero kailangan na naming pumasok.” Ikinagulat ko lalo nung seryoso ang mukha ni Roj at hinila niya ako papasok sa room. Mukhang hindi naman na kami sinundan nung dalawang lalaking ‘yun kaya nakahinga ako nang maluwag.

“Sorry nadamay ka pa,” he said while fixing his thick glasses. Hindi ko muna pinasuot yung contact lens kasi...basta. I have better plans.

“A-Ayos lang.” Though nanginginig ‘yung kamay ko dahil sa kaba kanina nung hinatak ako nung lalaki.

“You sure?”

“Yeah,” sabay ngiti ko sa kanya. 

Papunta na sana ako sa upuan ko kaso may isang epal na sumulpot sa harapan ko. Guess who?

“Wow, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng nerd in shining glasses mo ah? Sabagay, you two are perfect for each other,” sabay smirk niya sa akin.

Kung pwede lang sabunutan ang Raya na ‘to dito ay kanina ko pa ginawa. Pasalamat siya at nasa honor roll ako at bawal kaming magpakita ng foul behavior. Ano bang problema niya at inaaway niya pa rin ako? Napapaisip tuloy ako kung anong nagustuhan ni Ivan sa kanya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Ayokong magsalita, baka madala ako at madala ko kaagad siya sa hukay.

“Loser alert. Hey, Mr. Nerd, bakit kaya ‘di mo ligawan 'tong si Liann? Malay mo sagutin ka. Tapos kayo na ang Nerdy Couple. Top 1 and Top 2. That would be hilarious!”

Nagtawanan din ‘yung ibang classmates namin. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang galit at iyak ko. Sa mga ganitong pagkakataon ay laging nasa tabi ko si Zie pero ngayon ay wala siya. I’m alone right now.

Nagulat ako nung biglang may nanghatak sa akin palabas ng room.
Pagtingin ko, si Roj pala. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Raya dahil doon. Yumuko nalang ako habang naglalakad kami kasi nahihiya ako.

Ang alam ko na lang ay nasa cafeteria na kami.

“Oh, eto kainin mo muna.” Tinignan ko lang siya. In fairness, nagiging nerd in shining glasses ko nga siya ngayon.

“Thank you.” Tinanggap ko ‘yung inabot niya sa aking chocolate. Ang sarap nga eh. Sabagay, kelan ba naging hindi masarap ang chocolate?

“Sabi sakin ng ate ko, kapag daw malungkot ang isang babae, dapat daw binibigyan ng chocolate. Chocolates cheer them up,” tapos ngumiti siya habang hawak-hawak ang kwintas niya. Bigla naman akong may narealize.

“You really love your sister so much, huh? She's so lucky to have a brother like you.” Lagi niya kasing binabanggit ‘yung ate niya eh. Siguro super close sila. Bihira nalang kasi ako ngayong makakita ng magkapatid na lalaki't babae na close sa isa't isa.

“Yeah. Pero di halata.”

Ngumiti nalang ako. Well, we’re on our teenage years. Alam ko namang nandyan pa rin ‘yung awkward feeling for siblings. Kahit ako rin naman kay ate Steff eh. Minsan lang ako maging sweet sa kanya. Madalas din kaming nagkakatampuhan. Siguro ganun nga magmahalan ang magkapatid.

“Halika na. Baka magsimula na ‘yung klase.”

Ohh, oo nga pala. Sabay na kaming umakyat at pumasok sa room. Buti na lang at hindi ko tinignan si Raya. Ayoko siyang makita for God's sake. Naaalala ko lang ang fail kong love life at ang inis ko sa buhay sa kanya. Damn her.

“Oi bruha san ka galing?” tanong kaagad ni Zie nung umupo ako sa tabi niya.

“Nagpatanggal lang ng BV.”

“Bakit? Anong nangyari?”

“Hah. Inaaway lang naman ako ni Raya.”

“Tss. Lagot talaga sa akin ‘yang Raya na ‘yan.”

“Ano ka ba Zie, ‘wag mo nang patulan.”

Nakinig na lang kami kay Mrs. Mendoza.
Filipino pala ang subject namin ngayon at syempre mawawala ba dyan ang Noli Me Tangere?

Magkakaroon tayo ng pag-uulat para sa mga kabanata ng Noli Me Tangere.
Ang gusto kong makita ay talasalitaan, buod, mga sagot sa tanong na makikita sa inyong mga libro at ang mga tayutay na ginamit sa kabanata. Bawat grupo ay may dalawang miyembro.”

“Zie partner ta—"

“Ngunit sasabihin ko kung sino ang kapareha ninyo. Dahil 38 kayo sa klase, bumilang kayo hanggang labingsiyam. Simulan.”

Narinig ko ang reklamo ng classmates ko pero wala kaming nagawa dahil nagsimula na rin ang pagbibilang. Gusto ko pa namang kapartner si Zie!

“Labinlima.”

“Labing-anim.” Bakit pang-sixteen ako? Bakit kasi paganyan ‘yung bilang?
Kadugaan naman eh!

“Walo.” Napatingin naman ako kay Roj. Pangwalo pala siya. Ayos na rin ‘yung partner niya, matalino naman si Jenny eh.

Pero nagsimula akong kabahan nung narealize kong malapit na sa kanila yung pagbibilang. Oh no. No this is not happening...

“Labinlima.”

“Labing-anim.”

I’m dead.

“Bakit naman siya pa?! Oh God how can I survive this reporting?!” Narinig kong nagsisimula nang mainis si Ziela. Well, si Raya lang naman kasi ang partner niya. And since tabi sila ni Ivan, that means siya naman ang partner ko.

Puntahan niyo na ang mga kapareha ninyo para makapag-usap kayo sa gagawin nyong pag-uulat sa klase.”

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko dahil hindi pa rin magsink-in sa utak ko na magkapartner kami ni Ivan. Bakit naman ganito? Kung kailan gusto kong umiwas at gusto ko nang mag-move on, tsaka naman kami pinaglalapit.

Nung palapit na sa akin si Ivan, kitang-kita ko kung paano manlisik ‘yung mata ni Raya sa akin.
Ano na naman ba?! Kasalanan ko bang number 16 rin siya?! Kasalanan yun ni Ma'am! Ugh! Ayoko na talaga! Natatakot pa ako sa kung anong pwedeng mangyari kapag pinagsama si Ziela at Raya. Feeling ko magkakaroon ng World War III at IV sa klase. Pareho pa namang warfreak ‘yung dalawang ‘yun.

“Uhm...” Narinig ko ang boses niya pero hindi ako nagsalita at hindi ko rin siya tinignan.

Awkward.

Paano kami makakagawa ng report neto kung simpleng
hi/hello ay hindi namin magawa? Tapos ang layo pa namin sa isa't isa. Dito kasi siya nakaupo sa upuan ni Ziela pero inusog ko ‘yung chair ko palayo sa kanya. Sana hindi ako bumagsak dito. Ayokong magkaroon ng failing grade. Tama, dapat ihiwalay ang personal matter sa acads. Kaya ko ‘to! Para ‘to sa grades ko!

Kinalma ko ang sarili ko nirecite ko sa utak ko ang sasabihin ko sa kanya.
Sasabihin kong ako na lang sa talasalitaan pati na rin sa mga tanong na dapat sagutin tapos siya na sa iba.

“Ako nalang sa talasali—”

Mr. Vorch, makipagpalit ka ng kapareha kay Mr. Morales.”

Hindi ko na naituloy ‘yung sasabihin ko dahil sa announcement ni Ma’am. Napatingin pa ako kay Ivan, Raya at Zie...at pare-pareho kami ng expression.

What the heck happened?


***