.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 7, 2015


***

Anong nangyari? Paanong...

"Sorry, ako pa ang naging partner mo," sabi ni Roj sa akin habang inaayos na naman niya ‘yung sobrang kapal niyang salamin.

"A-Ayos lang. Teka ano bang nangyari? Bakit kayo nagkapalit?"

Bigla naman siyang napabuntung-hininga. Now what's the meaning of that? Dapat na ba akong kabahan? Matakot? Matuwa?

"We have to do a skit."

Natulala lang ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung nantitrip ba siya o mali lang ang rinig ko. Pero nung inulit niya pa ng isang beses ay bumalik sa paggana ang brain cells ko.

"What?!" napatakip agad ako sa bibig ko dahil napalakas ‘yung boses ko.
Napatingin tuloy sa amin si Ma’am pati na rin ‘yung classmates namin kaya ngumiti na lang ako.

Naman kasi eh! Ano raw? Skit? For what?

"Anong skit? Teka ‘di ba reporting lang naman tayo?" Ang gulo talaga eh. Para saan naman ‘yang skit na ‘yan? Eh hindi nga ako marunong umarte.

"Sabi ni Ma'am, what if ‘yung top two students ay gumawa na lang ng skit ng favorite scenes ng buong klase. Pero tayo ang pinakalast na magrereport. Bale tayo ang skit tapos summary and importance ng buong novel.” 

Pagkatapos niyang iexplain yun ay napanganga na lang ako.
Like what the eff? Ako? Skit? Pinagsama sa isang sentence? No way! Pwede bang magmodel na lang ako ng Maria Clara? Naman hindi kaya ako marunong umarte! At anong pakulo naman 'to, napakaadik ng teacher namin!

Buong araw ata akong wala sa sarili dahil sa skit na ‘yan.
Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila kapag nakita nila ang lame kong pag-arte? Simula nung pre-school ako ay hindi ako nag-acting sa kahit anong skit tapos ngayong high school biglang ganito?

"Ano ba ‘yang itsura mo babae para kang constipated na nakakita ng multo." Sana nga ganun na lang ang mangyari eh.

"Ziiieeee ayokong mag-act!" Bigla naman niya akong tinawanan tapos kumunot ang noo.

"Ano ka ba buti nga ikaw mag-aact lang eh! Kita mo nga ako may alaga pa akong hayop na partner. Bwisit." This time, ako naman ang tumawa sa kanya at pareho kaming napabuntung-hininga after that.

Mag-best friend nga kami. Bakit pareho kaming malas sa Noli Me Tangere?

***

"Kanina ka pa?" tanong ko kaagad kay Roj nung nakita ko siya sa may gate.

"Nope."

"Okay, let's go."

Hinintay ako ni Roj at pumunta na kami sa bahay. Well, blessing in disguise rin pala na naging magkapartner kami. At least may idadahilan na ako kung bakit ko siya dinadala sa bahay. Alangan naman kasing sabihin ko kay Daddy na, 
"Dad gusto ko kasi siyang imake-over para makaganti ako blah blah". Aba naman lagot ako kay Daddy pag ganun.

Wala pang ten minutes ay nandito na agad kami sa bahay. Teka, walang tao?

Sumilip muna ako saglit sa garden namin.

"Shut up! Shut up! Wag ka ngang tumawag kung walang kwenta rin naman yung sasabihin mo! Bwisit ka talaga!"

Uh oh. Sino na naman kayang kaaway ni Ate? Napalingon din siya sa amin habang nakatingin lang kami sa kanya at pinapanood kung paano niya halos durugin ‘yung phone niya.

"Uhm kanina pa kayo dyan? Ha...ha...haha..." Ako naman ngayon ang ngumiti nang nakakaloko dahil mukhang kilala ko na kung sino ang kausap niya sa phone.

"Yeah, Ate. Long enough to hear your sweet conversation with Kuya Darryl."

Bigla naman siyang namula kaya gusto kong tumawa nang malakas. Kaya lang baka kasi batukan niya ako eh so ‘wag na, sa isip ko na lang ako tatawa. Pero kinikilig rin ako. Lumalovelife na ang ate Steff ko. Eversince kasi wala pa ‘yang naging boyfriend or crush or anything, naunahan ko pa.

"Sweet? Mukha ba ‘yung sweet? Umakyat na nga kayo ng
friend mo," sabi niya habang nakangiti rin sa akin. Baliw talaga ‘yun! Lagyan daw ba ng malisya?

"Naku wag mong pansinin ‘yang ate ko, nababaliw talaga ‘yan pag hapon na."

"Okay lang. Mukhang magkasundo nga kayo sa maraming bagay eh."

Naalala ko naman bigla ang ate niya. Nacute-an tuloy ako kasi close siya sa ate niya. Parang protective tuloy siya at isa ‘yun sa mga hinahanap na trait ng babae sa mga lalaki.

Umakyat na kami sa kwarto ko at hindi para gumawa ng pesteng skit na ‘yan kundi ayusan ulit siya. Dahil tapos na kamisa contact lenses, next na ang buhok niya. Nakakatuwa nga dahil may notebook pa siyang hawak at sinusulat niya ‘yung mga sinasabi ko.

"Bakit mo sinusulat?"

"Baka makalimutan kong gawin eh."

Actually, I find it cute. Feel na feel ko tuloy ang pagiging tutor niya sa fashion. 

Hinawakan ko yung buhok niya at...at...ang lambot. Ang ganda ng buhok niya pero hindi naman niya inaalagaan at walang kastyle-style. Unat na unat at take note, one-sided pa. Jusko, siya ba ang reincarnation ni Rizal? 

Nagulat naman ako nung hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ‘yung paghawak ko sa buhok niya.

"Bakit?"

"Wag na kaya?" Binatukan ko naman agad siya. Kulit ng lahi nito ah?

Nagsearch ako sa internet kung anong style ang bagay sa lalaki. Siya na rin pumili kung anong style ng buhok ‘yung gusto niya. Ginamit ko ‘yung binili naming gel at wax sa buhok niya. Tinaas-taas ko ‘yung ibang parts dahil bagay naman sa kanya. Ang cute nga dahil parang natural na ganun talaga ang buhok niya kaya lang...

"Hindi mo ba tatanggalin ‘yang salamin mo para mas bumagay?"

"Ha?"

Ako na ang lumapit sa kanya at nagtanggal ng salamin niya. Nakalapit lang ‘yung mukha ko sa mukha niya at tinitignan ko nang mabuti ‘yung mata niya. Ang ganda talaga eh.
Kung pwede lang dukutin at idikit sa pader ko ay kanina ko pa ginawa.

Bawat transformation niya ay pinipicturan ko siya nang palihim. Sana lang ‘di niya ako mahuli. Binilin ko na rin sa kanya kung paano gawin ‘yung ginawa ko sa buhok niya ngayon. ‘Yung wax and gel and other hair stuff ay binigay ko na rin sa kanya tapos umuwi na rin siya bandang 7 PM. Ako naman ay nababagabag pa rin sa lecheng skit na ‘yan.
Ano bang gagawin ko dun? Paano ko tatakasan yun?

Sa kakaisip ko ay ‘di ko namalayang nakatulog na pala ako.

***
 

"Good morning!"
"Morning!"

Umupo na agad ako sa upuan ko at nagsimula nang makipagdaldalan kay Zie. Habang nag-uusap kami tungkol sa latest styles ngayon ay biglang umingay sa corridor kaya napatingin kami doon. Biglang sumugod sa harapan ko si Raya at nakatanggap ako ng malutong na sampal.

Natulala lang ako habang nakahawak sa pisngi ko dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kahit sobrang sakit ay hindi na ako nakapagreact at nakatingin lang ako sa kanya. 

"Ang kapal ng mukha mo! Ang landi-landi mo! Ano bang ginawa ko sayo ha?! Bakit ba nilalandi mo ‘yung boyfriend ko?! Ano ha?! Bitch!"

Ni hindi ko alam kung ano ‘yung sinasabi niya. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ‘yung luha ko at halu-halo na rin ‘yung nararamdaman ko. 

"Hoy ,bakit mo sinampal ‘yung best friend ko ha?! Ang kapal din ng mukha mo! Pinapakain mo ba siya?! Magulang ka ba niya para sampalin mo siya?!
Ako nga ni hindi ko ‘yan mahampas tapos ikaw, bigla mo na lang sasampalin? Ano ba talagang tama ng utak mo ha? Ano bang gusto mong mangyari? At para sabihin ko sa’yo, hindi malandi si Venice! Ikaw ang malandi! Sino bang umepal sa kanila nung una pa lang?! Sino bang pumapel? Sino bang sumingit? ‘Di ba ikaw? Dahil sayo, nasaktan si Venice! Tapos ngayon, sasaktan mo ulit? Bitch, how dare you—"

Nagulat na lang ako nung nagsabunutan sila sa harap ko. Ni hindi ako makagalaw at parang naestatwa ako doon sa pwesto ko. Gusto kong awatin si Zie pero hindi ko magawa.

"Are you alright?!" 

Nagulat ako nung may kamay na pumatong sa balikat ko, at nung nilingon ko, lalo akong napahagulgol sa iyak. Gusto ko siyang sampalin ngayon pero hindi ko magawa. Gusto kong sumabog ngayon dahil sa pinaggagawa niya. Lahat ng hinanakit ko sa kanya ay biglang lumabas sa bibig ko.

"Tinatanong mo kung okay ako? Sa tingin mo ba okay lang ako, Ivan? Pagkatapos akong sampalin ng GIRLFRIEND mo nang hindi ko alam kung anong dahilan? Ano ba Ivan? Sa tingin mo okay ‘yun? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan? Tingin mo hindi ako naiiyak pag nakikita ko kayong magkasama? Na dapat ako yun? Pagkatapos mo akong lokohin, sa tingin mo okay lang ako? Ha? Sabihin mo nga? Ano bang kasalanan ko sayo ha? Bakit mo ko niloko? Ha?!" Sinuntuk-suntok ko ‘yung dibdib niya hanggang sa manakit ang kamay ko. Wala na akong makita gawa ng mga luha ko. Pero nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.

That instant, napatigil ako sa paghikbi.
Parang lahat ng sakit, biglang nawala.

"Its not what you think it is, Liann. I'm sorry." Pagkasabing-pagkasabi niya nun, kumalas siya sa akin at saka inawat sina Ziela at Raya na umabot na sa pagsasabunutan sa corridor at hindi na mapigilan ng classmates namin.

Talaga, Ivan? Hindi ganun? Then what? Ano ba talaga? Gulung-gulo na ako.

"Here." Nagulat naman ako nung may tumabi sa akin. Pagtingin ko, si Roj pala at may hawak siyang panyo tapos inabot niya sa akin. "I told you, I don't want to see a girl crying."

After he said that, I hugged him and I cried on his shoulder.


***