.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 7, 2015


***

Sa mga nakalipas na araw, pinilit kong iwasan si Ivan at Raya. Tuwing nasa room sila pag break, lalabas ako. Kapag naman nasa canteen sila, pupunta ako sa room o kaya sa ibang place. Mahirap kasing magmove-on kapag lagi mong nakikita ‘yung taong dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Mahirap itago ‘yung nararamdaman mo kapag lagi siyang malapit sa’yo. Mahirap maging sarili mo kapag kaharap mo siya. So it’s better to keep a distance away from him. From them. From everyone.

Nagfocus na lang ako sa tutorial ni Roj. As of now, feeling ko pwede na. Konti na lang talaga. Marunong na siyang mag-ayos ng sarili niya. Magaling na rin siyang pumili ng mga bagay na style para sa kanya. Nakakatawa nga lang minsan kapag may hindi siya alam na gawin, tulad nung nakaraang araw.

Nakasuot siya ng polo and jeans, tapos nakataas ‘yung buhok niya. Sinuot niya rin ‘yung contact lens niya. Ang gwapo niya tignan at talagang nagbago ang aura niya. Inaayos niya kanina pa ‘yung belt niya at feeling ko hindi niya masuot. Iba kasi ‘yung belt na yun kesa sa mga ordinary belts.

“Hey please help me with this.” Lumapit naman ako sa kanya agad at natatawa-tawa pa dahil hindi niya talaga makabit. Actually, mahirap nga siya ikabit, pero masasanay ka rin kapag natutunan mo.

“There,” then I smiled at him.

“Thanks. Okay na ba?” tapos nag-open arms siya. Ako naman tinignan ko lang siya tapos inikutan ko siya.

“Yup,” sabay thumbs up ko. “You look awesome.”

Sobra. Ang gwapo niya tignan. Feeling ko kapag pumasok siyang ganyan sa school ay pagkakaguluhan siya ng mga babae. Akalain niyo ‘yun? From a hated nerd to a lovely prince charming? Kailangan niya lang talaga ng tulong para maging ganyan. And I’m proud of myself dahil nagawa ko ‘to. It’s like a lifetime achievement. Pagkatapos niya ay may kinuha na naman siyang papel at may sinulat doon. Lagi naman siyang may sinusulat eh. Natutuwa nga rin ako dahil close na talaga kami. Parang siya ang guy best friend ko and I’m really comfortable with him. Alam niya lahat ng problema ko kahit hindi ko sinasabi sa kanya. Hindi rin siya nagtatanong kapag alam niyang ayaw kong sagutin. He’s the space I needed.

“Bruha!!” Nabura ‘yung iniisip ko sa pagtawag sa akin n
i Ziela sa malayo. Tumatakbo siya papalapit sa akin ngayon.

“Bakit Zie?” Humihingal pa rin siya hanggang ngayon.
Para siyang nakakita ng multo or something.

“Help me please? Please? Please?” halos mangiyak-ngiyak niyang sabi. Pinaupo ko muna siya sa tabi ko tapos pinainom ko siya ng tubig. Maski ako ay kinakabahan sa sasabihin niya.

“Ano bang nangyari?”

“S-si Ivan kasi...”

There. I heard his name again. Parang may sumakit bigla sa dibdib ko.

“B-bakit?” I tried to focus on what she’s saying about Ivan.

“Nakakainis siya. Sinali niya ako dun sa pesteng contest!
Anong gagawin ko Venice? Ayokong sumali dun! Ayoko talaga!”

For a moment ay nag-hang ‘yung utak ko sa sinabi niya. Naisip ko bigla, kelan pa sila naging close?
Bakit naman niya isasali si Ziela? Anong meron sa kanila? Meron bang hindi sinasabi si Ziela sa akin tungkol kay Ivan? And what the heck is happening?

“Bakit naman niya gagawin yun?
A-ano bang meron sa inyo, Zie?” Halos naitanong ko sa kanya ‘yun ng wala sa sarili. Maski siya ay nagulat at napayuko. I’m right. Meron siyang hindi sinasabi sa akin. And I know it’s about Ivan.

“Ven, ayoko kasing sabihin sa’yo kasi nga di ba ayokong makarinig ka ng kahit ano tungkol sa kanya? Kaya tinago ko na lang. Pero nagsimula ‘yun nung party. Remember? ‘Yung sinabi ko sa’yong kasama siya dun sa party na ‘yun?” Hinayaan ko lang siyang ituloy yung kwento niya.

“Inis na inis ako sa kanya nun kasi nga diba sinaktan ka niya? I mean, syempre best friend kita kaya dapat lang na ipagtanggol kita sa kung sino mang hinayupak ‘yung nananakit sayo. Nilapitan niya ako nun at nagsimulang magtanong kung anong nangyari sa’yo pero dahil sa galit ko, nasampal ko siya.” Nagulat ako sa sinabi niya. Pero ano pa nga bang dapat kong ikagulat eh matapang si Ziela.

“And napapansin mo ba na every Wednesday ay maaga akong umuuwi?” Tumango naman ako.“Kasi every Wednesday ay nasa bahay namin yung family ni Ivan. Hindi ko nga rin alam kung bakit sila pumupunta doon eh. Then an absurd idea came to me. Baka tungkol sa amin ‘yung pinag-uusapan nila. Then one day, bigla akong sinabihan ni Daddy tungkol sa kung bakit andito lagi ang Vorch family. At tama nga ‘yung kinatatakutan ko. Ayokong maniwala. Pero mismong sa bibig ng magulang ko nanggaling eh.” 
Halos mangiyak-ngiyak na siya sa sinasabi niya.

“Ven, we’re…engaged.” Halos malaglag ako sa kinauupuan ko pagkatapos ko ‘yung marinig. Halos malaglag rin ‘yung puso ko sa sinabi niya. Gusto ko na ring umiyak ngayon pero hindi pwede. Ayoko. Sawang-sawa na akong umiyak. I promised to myself that I won’t cry anymore because of him. I tried to hold my tears for a while. Sandali na lang.

“Pero ayoko. Ayokong makasama ‘yung taong nanakit sa best friend ko. Ayokong makasama ‘yung taong mahal ng best friend ko. Kaya kinausap ko siya. Nagulat ako nung sinabi niyang gusto niya rin ‘yung nangyayari kaya I slapped him. I slapped him hardly that he should remember how stupid he is. Dinahilan ko sa kanya lahat ng pwede kong idahilan pero wala pa rin. But he left me with a confusing phrase. Sabi niya, 
‘Okay. If you win that contest, I’ll stop this.’

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dapat kong i-react. Anong dapat kong sabihin? Halos nawala ‘yung boses ko, pati ‘yung lakas ko. I didn’t know na ganito na pala kakumplikado ang lahat.

“Yeah. I’ll help you. Don’t worry. Now, if you’ll excuse me.” Naglakad ako palayo sa kanya at paglabas na paglabas ko ng room, tumulo ‘yung luha ko and I don’t even know why. Tumakbo ako sa CR at doon umiyak. I look like a stupid person. Bakit nga ba ako umiiyak? Anong dahilan? Sinong iniiyakan ko? Si Ivan? Si Zie? O ang sarili ko?

Bakit ba ganito ang nangyayari? Bakit naman sa lahat ng tao, silang dalawa pa? Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana o sadyang malas lang talaga ako.

Thirty minutes akong nagstay sa banyo. Pinunasan ko ‘yung luha ko after kong umiyak.
Tama na, Venice. Tama na sa kakaiyak.

Tumingin muna ako sa salamin at siniguradong hindi halatang umiyak ako bago ako lumabas ng CR. Pumunta ako sa room at hindi tumingin sa kahit sino, dumirediretso lang ako sa teacher namin. Nag-excuse ako at nagpaalam kung pwede bang umuwi na ako dahil masama ang pakiramdam ko. Fortunately, pumayag siya kaya naman kinuha ko na yung bag ko sa upuan ko.

“Ven...” Narinig kong tinawag ako ni Ziela nang pabulong pero hindi ko pinansin. Ayoko munang makipag-interact sa kahit sino ngayon. I want to be alone for a while.

Pumunta muna ako ulit sa CR para magpalit ng damit.
Hindi kasi ako makakapasok sa mall kapag nakauniform ako. Buti na lang talaga may extra akong damit. And yeah, gusto kong pumunta ng mall. Gusto kong magpakasaya kahit ngayon lang.


***