.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 7, 2015


***

Sinubukan kong wag umiyak habang naglalakad, pero mukhang ayaw makinig ng mga mata ko. Pinunasan ko naman agad yung tumutulong luha dahil sawang-sawa na ako sa ganito.

“Kailangan mo?” Nagulat ako nung may humawak sa balikat ko aat nag-abot ng panyo kaya napatingin ako sa kanya...kay Roj.

“B-bakit ka nandito?” Kanina lang nasa classroom siya ah?

“Alam ko namang kailangan mo ng kasama eh.”

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napayakap agad ako sa kanya at umiyak.
Wala na akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao sa mall. Gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Lahat-lahat. Lagi na lang bang ganito? Ako ang laging umiiyak? Ako ang laging talo?

Naramdaman ko ‘yung kamay niya habang hinahagod ‘yung buhok ko. For a second, I feel secured. I feel safe in his arms. Pakiramdam ko hindi ako masasaktan kapag siya ang kasama ko. Sana ganito nalang parati.

Sana siya nalang.

“Ayos ka na?” tanong niya nung humiwalay ako sa kanya.

“A little.” I forced a smile.
Parang tanga lang, ngumiti pero nasasaktan.

Nandito kami ngayon sa foodcourt. Tahimik lang ako, pati siya. Mukhang ayaw niyang masira ‘yung atmosphere kaya tumahimik na lang din siya.
Pero pagkalipas ng limang minuto, naglabas siya ng papel.

“Ano yan?”

“Wala lang,” sabay ayos niya sa makapal niyang salamin.

“Roj, na-inlove ka na ba?” bigla ko na lang natanong out of nowhere na alam kong ikinagulat niya.

“Hindi pa.” Saglit lang siyang tumingin sa akin at bumalik din agad sa pagsusulat.

“Buti ka pa.” Nagpakawala ako ng isang buntung-hininga.
Buti pa siya, hindi pa niya nararanasang masaktan dahil sa pagmamahal.

Samantalang ako, eto, iniiyakan ‘yung mga taong hindi naman talaga ako sinasadyang saktan. Pinanood ko lang siya habang nagsusulat ng kung ano.
Ngayon ko lang din napansin, may itsura din pala siya kahit naka-nerd look siya. Siguro sa isang tingin, hindi mo siya mapapansin, pero pag tinitigan mo, lilitaw ‘yung pagkagwapo niya. Napatigil naman ako nung mapansin kong nagliligpit na siya ng gamit niya aat biglang tumayo.

“Come on.” Bigla niya akong hinila sa kamay kaya napatayo ako at napasunod sa kanya. Hindi nalang ako nagsalita. Hindi ko feel magdaldal ngayon. Kailangan ko lang ng peace of mind. ‘Yung walang problema dahil kay Ivan, Raya at Ziela.

Maya-maya lang ay nasa Quantum na kami. Napansin ko rin na hindi niya pa rin binibitawan ‘yung kamay ko. Napangiti ako dahil doon. Pakiramdam ko may protective akong kuya. Ngayon ko lang naisip, pano kaya kung may kuya ako? Ano kayang mangyayari kapag nalaman niyang iniiyakan ko ang isang walang kwentang lalaki?

Bigla naman siyang pumunta doon sa parang basketball at naghulog ng token. Nagpataasaan kami ng score sa basketball, at syempre, nakatsamba ako! Natalo ko siya!

“Talo ka Roj! Ang galing ko diba?” sabay tawa ko.

“Oo nga.” Nakitawa rin siya sa akin at napahinto ako saglit nung makita ko ang expression niya. Ngayon ko lang yata siya nakitang tumawa. 

“Bagay pala sa’yo ‘yung masayang mukha,” sabi ko sa kanya habang nakangiti.

“Sayo rin.” Dahil dun, napangiti ako lalo.

“Apir!” Nakipag-apir ako sa kanya. Ang plain nga eh kaya inartehan ko. “Roj, ganito oh. Pop, lock, then you drop it.”

“W-what?”

Nakakatawa dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Para kaming sira na nagpapractice ng handshake. Pero ang cool kaya. Ang cute ng handshake namin.

“Roj! Kanta tayo dali!” Hinila ko siya dun sa may karaoke na live. ‘Yung kakanta sa harap ng maraming tao. Naghulog ako ng dalawang token doon.

“Teka, hindi ako kumakanta.” 
Sinimangutan ko naman siya agad.

“Ikaw lang ba? Ako rin kaya hindi marunong! Ayaw mo nun? Magkasama naman tayo sa kahihiyan eh.” Hindi na siya nagsalita kaya hinatak ko na siya papunta sa mini-stage.

Magsisimula na ‘yung kanta kaya hinawakan na namin yung dalawang mic.

“Even though it's been so long
My love for you keeps going strong
I remember the things that we used to do
A kiss in the rain till the sun shines through
I tried to deny it, but im still in love with you”

Ako na ‘yung nagsimula kahit feeling ko ay off-tune ako. Kasama ko naman si Roj eh. Pero kung mag-isa siguro ako ay tinago ko na ang balat ko sa sobrang hiya. Nung bandang chorus na ay sinabayan ako ni Roj.

“I miss you like crazy, i miss you like crazy
Ever since you went away, every hour of everyday
I miss you like crazy, i miss you like crazy
No matter what i say or do
There's just no getting over you”

Hindi ko alam pero napatingin ako sa kanya habang kumakanta. Akala ko ba hindi siya marunong kumanta? Eh bakit nahuhumaling ako sa boses niya? Ang ganda! Tuwing chorus lang ako sumasabay dahil sobrang ganda ng boses niya at baka masira ko yung kanta kapag sinabayan ko siya all the way.

“I can see the love shining in your eyes
And it comes in such a sweet surprise
If seeing is believing, it's worth the wait
So hold on and tell me it's not too late
We're so good together
We're starting forever now.

And i miss you like crazy, i miss you like crazy
Ever since you went away, every hour of everyday
I miss you like crazy, i miss you baby
A love like ours will never end
Just touch me and we're there again”

Pagkatapos ng kanta, hinatak ko na siya palabas sa Quantum.

“Akala ko ba hindi ka marunong kumanta? Ang ganda ng boses mo Roj. Seriously,” sabi ko sa kanya dahil talagang nakakahanga ang boses niya.

“Sabi ko hindi ako kumakanta, at hindi, hindi ako marunong kumanta,” sabay ngiti niya. Sinabi niya ba ‘yun? Bakit parang hindi ‘yun ang rinig ko?

Nagpatuloy lang kaming maglakad habang kinukulit ko siya na kumanta ulit. Pero pagharap ko sa nilalakaran namin, may nakita akong pamilyar.

Oh my gosh.

Ate?”


***