.

.

Chapter 14

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 7, 2015


***

Nakita ko sa ‘di kalayuan sina ate Steff. Kasama niya ang best friends niya tapos may dalawang lalaki pang kasama. Bakit wala si kuya Darryl? Sayang aasarin ko pa naman sana siya kay ate! Ang cute kasing asarin ng ate ko eh, masyadong defensive pagdating kay kuya Darryl.

“Oh Ven, wala kayong klase?” tanong sa akin ng ate ko. Saka ko lang naalala na umabsent pala ako sa klase ko! 

“N-nagcutting po.” Nagulat ako nung bigla ‘yung sinabi ni Roj sa kanila.

What the?! Bakit mo sinabi Roj? Hala, patay ako kay ate! Tapos baka isumbong niya ako kay Daddy! OMG! Ang allowance ko, baka mawala!

“Whoa Roj! Nagcutting ka rin? Hala ka yari ka kay Daddy isusumbong kita!”

Napakunot naman bigla ang noo ko nung nag-usap si ate Jess at Roj. Magkakilala sila?

“Ngayon lang naman, Ate. Parang ikaw ‘di ka rin nagcucutting ah?”

“Aba, sinumbatan mo pa ako ha? Fine, fine. Kasama mo naman si Venice eh. Oh sige una na kami. Babayu! Hoy lalake, ingatan mo ‘yang kasama mo ha? Ven, una na kami.”

Halos hindi na ako nakapagpaalam sa sobrang gulat sa narinig ko. Bakit ba hindi ko ‘yun naisip? Roelle James Morales? Jessica Mishelle Morales? Crap. Stupid mo, Venice!

Bigla naman siyang tumingin sa akin.

“Sorry, nakalimutan kong sabihin sayo. She’s my sister,” sabay tingin niya mula sa malayo kay ate Jess.

“Yeah. Nagulat nga ako eh. Stupid. Di ko napansin na same surname kayo.”

Tinignan ko naman ‘yung relo ko at 7PM na rin pala. Gusto ko nang umuwi, kaya nagpaalam na rin ako kay Roj na uuwi na ako. Sabi niya, hihintayin niya na lang daw ‘yung ate niya para sabay na silang umuwi. Kaya ako ay nauna na. Nagpasundo na lang ako kay kuya Ronald para safe na rin. Mga 7:30 na rin ako nakarating sa bahay.

Pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ko ay humilata agad ako. What a day! Hindi ko alam kung kaya pang iabsorb ng utak ko lahat ng nangyari ngayon. Binuksan ko ‘yung phone ko na pinatay ko kanina nung nasa mall ako  at nagulat ako sa nakita ko.

43 messages and 65 missed calls
 lang naman.

‘Ven, san ka pupunta? Alam kong di ka uuwi.’
‘Ven, please magreply ka naman oh.’
‘Sorry na. Uy.’
‘Best friend…’

Halos lahat galing kay Zie. Ewan ko pero nalungkot ako bigla. Namimiss ko na agad siya. Namimiss ko na kaagad ‘yung best friend ko. Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala kayang tumagal ng isang araw na hindi siya nakakausap o nakikita.

Mali ba yung ginawa ko? Mali ba yung inasal ko?

Kasi naman eh. Of all people, bakit siya pa? Bakit sila pa? ‘Di ba may Raya na si Ivan? Ngayon naman engaged siya. Ano ba talagang nangyayari?

Siguro nga mali ako. Bakit ko ba kasi tinatakasan ‘yung mga problema? Bakit hindi ko isipin kung paano ko sila masosolve?

Pero may kaisa-isang message na nagpangiti sa akin.
Galing kay Aldrin, classmate ko.

‘Liann, may project nga pala sa Values. Scrapook daw. Bukas ididiscuss.’

Sa lahat kasi, ‘yun lang ang off-topic.
Ang sarap basahin kahit tungkol pa ‘yun sa project.

“Ay, project!” Halos malaglag ‘yung phone ko nung bigla na lang nagvibrate. Tinignan ko naman kaagad kung sino ang nagtext.

From: Ate Audrey
Liann, don’t forget about the Mr. and Ms. Amarrison Academy ha?

Oh shoot!
Malapit na nga  pala ‘yun! Masyado kasi akong occupied sa ibang bagay kaya nakalimutan ko na ‘to. Meron pa palang Mr. and Ms. Amarrison.

Oo nga pala, ako ‘yung last year’s crowned Ms. Amarrison Academy kaya ako ang magpapasa ng crown ngayon sa kung sino mang mananalo. Hmm, might as well prepare for this. Para naman kahit papaano ay may mapagkaabalahan ako at hindi puro usapang pag-ibig ‘yung inaalala ko.

To: Ate Audrey
Sure ate A. :)

After that ay tinapon ko ang phone ko sa kama at humilata ulit. 

I miss you like crazy, i miss you like crazy
Ever since you went away, every hour of everyday
I miss you like crazy, i miss you like crazy
No matter what i say or do
There's just no getting over you

Oh my gosh!

Napaupo ako agad nung naalala ko ang pagkanta ni Roj. Napangiti ako dahil may nadiscover ako sa kanya. He has a good voice.

Well, siguro siya na ang pinakamysterious na taong nakilala ko. Wala kasi akong alam sa kanyang kahit ano bukod sa matalino siya. Pero ngayon, unti-unti kong nalalaman ‘yung mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Tulad kanina.

Ate niya pala si ate Jess…

Teka nga...Parang...
Hala, may nakalimutan nga pala akong gawin!

Kinuha ko ulit yung phone ko na binato ko kanina sa kama then nagtype ako dun at sinend sa kanya. Siguro naman tama lang yun.

To: Roj Morales
THANK YOU :)

Pagkatapos nun, tuluyan na akong nakatulog.


***