.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, May 7, 2015


***

ZIELA
S POV


“Anak, hindi naman kasi ganun kadali ‘yun.”

“Dad! Bakit naman kasi sa lahat ng lalaki dyan eh ‘yun pang hinayupak na yun?!”

Halos magdabog na ako papasok sa kwarto ko pagkatapos kong sigawan si Daddy.
Nakakainis naman kasi eh! Kinwento ko na nga sa kanila ni Mommy ‘yung situation namin ni Venice pero hindi pa rin sila umurong.

“Nakaakainis talaga! Nakakainis! Mini, anong gagawin ko ngayon?” Kinakausap ko ngayon ‘yung malaki kong teddy bear sa kwarto ko, si Mini.
Siya ‘yung gift sa akin ni Ven nung  birthday ko last year. Niyakap ko lang siya at saka nagpagulong-gulong sa kama.

Ano bang gagawin ko?!

Bago pa ako mabaliw kakaisip ng ano bang dapat kong gawin ay lumabas na ako ng kwarto ko. Kinuha ko y’ung cap ko tsaka ‘yung wallet and cellphone ko. Lalabas na lang muna ako para magpahangin.

“Where are you going?” Alam kong nakatingin sa akin si Daddy habang palabas ako ng bahay. Nakikita ko sa peripheral view ko na nakaupo siya sa may office table niya at nagbabasa ng kung ano. Yeah right, meron siyang mini-office dito sa bahay. Ano pa nga ba? Malamang naman kasi, siya ang principal ng school. So yeah.

“Anywhere but here.” Hindi ko siya tinignan at tuluy-tuloy lang ako sa paglabas ng bahay. Sinuot ko ‘yung cap ko at binulsa yung phone and wallet ko.

Sobrang hirap para sa akin na ganunin si Daddy.
Kasi naman, daddy’s girl kaya ako. Spoiled ako sa kanya at saka mahal na mahal ko ‘yan. Kaso kasi nakakainis eh. Alam ko rin namang kung kaya niya ay magbaback-out siya dun sa engagement party namin ni Ivan. Kaso, mataas din kasi ang position ng family ni Ivan sa industry kaya mahirap ibalewala lahat ng napaghandaan na. Yeah right, naaawa ako sa Dad ko, pero mas naaawa naman ako sa sarili ko. Ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend tapos engaged agad? Ano pang silbi ng social life ko kung ganun rin naman? At isa pa, that freaking guy has a freaking girlfriend! Ano siya, two timer? Wow dude, ang gwapo niya ha?

Nakakainis talaga!

Mamatay na sana nagpauso ng fixed marriage na ‘yan! Bakit ba kasi nauso ‘yan?!

‘Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa school. Malapit lang kasi ‘yung school sa bahay namin. And karamihan ng estudyante ay may pasok pa rin ngayong sabado dahil sa mga extracurricular activities. Nakita naman ako agad ni Manong Guard kaya pinapasok niya agad ako.

“Hi Ms. Ziela!”
“Ang ganda niya talaga no?”
“Oo nga eh. Balita ko wala pa daw siyang boyfriend.”
“Talaga? Bakit kaya?”

Naririnig ko na naman ‘yung usapan ng ilang lalaki. Nginitian ko nalang sila. Actually, may ilang nagbalak manligaw sa akin pero nireject ko kaagad. Wala rin akong pinagbibigyan ng atensyon ko ngayon. Gusto ko kasi, ‘yung sigurado na ako. ‘Yung tipong alam kong ‘di ko pagsisisihan kung may pipiliin man ako. So yeah, that’s the reason kung bakit wala pa akong boyfriend.

Umikot lang ako sa buong school. Tinitignan ko ‘yung mga nagpapainting, nagpapractice for the interschool competition, pati mga nagrereview. At dahil wala na akong magawa, balak kong umuwi na. Kaso pagdaan ko sa garden, may narinig akong pamilyar na mga boses.

“Why are you doing this to me?!”

“Kasi ayoko na! Sawa na ako sayo! Nakakasawa ka!”

“Please. W-wag mo kong iwan. Ano bang gusto mong gawin ko?”

“Wala! Ang gusto ko, umalis ka na sa harapan ko! Hindi na kita mahal! Break na tayo so get out of my sight!”

Nagulat naman ako nung bigla siyang lumuhod.

“Raya, ano bang kulang sa akin?
‘Di ba binigay ko naman sayo lahat? Kahit ‘yung pride ko ibinaba ko na para sa’yo. Sinuway ko rin ‘yung parents ko para hindi matuloy ‘yung engagement ko. Please naman oh? Wag mo kong iwan.”

“No Ivan, we’re done. I knew it. Hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Sana pala hindi na kita binigyan ng chance. Sinayang mo lang eh. Honestly, hindi ako natutuwa sa naging relasyon natin.”

“Raya…” 
Pinigilan niya sa pag-alis si Raya pero tinulak siya ni Raya.

“Tsk! Ano ba! Let me go! Let me go!”

Nagpanic naman ako nung papunta na siya sa direksyon ko kaya nagtago agad ako sa poste doon sa tabi.

“Raya! Raya! Wait!”

Tuluy-tuloy lang sa paglalakad si Raya hanggang sa makalabas siya ng school. Ako naman, nagtatago pa rin dito sa likod ng poste
. Hindi ko alam pero parang nanigas ako sa lahat ng narinig ko. Ayos ba ‘yung pandinig ko? Totoo ba lahat ng narinig ko?

Nakarinig ako bigla ng hikbi. At alam kong galing yun sa kanya. Kung ako rin naman ang ginanun, siguradong iiyak rin ako. Ang sakit nun.

Ang sakit masabihan ng 
‘nakakasawa ka.’ Ang sakit malaman na hindi ka na niya mahal. Ang sakit makita na unti-unti siyang lumalayo sa’yo. Ang sakit isipin na hinding-hindi na siya lilingon para lang makita ka. Ang sakit malaman na iniiyakan mo ang isang taong hindi ka pala pinahalagahan.

At that moment, nakaramdam ako ng awa. Parang gusto ko siyang lapitan pero para saan? Hindi naman kami close at higit sa lahat, siya rin ang dahilan kung bakit nahihirapan ako ngayon. Kung bakit naging cold and friendship naming ni Venice.

“I know you’re there. Go. Laugh at me. I’m pathetic, right?”

Halos lumabas ‘yung puso ko nung narinig ko siyang nagsalita. Alam niyang nandito ako?! P-paanong nangyari yun?! Nakita niya ba ako?

Wala na akong nagawa kundi ang magpakita at tumayo sa harapan niya. Hanggang ngayon kasi ay nakaluhod pa rin siya at umiiyak. Seriously, ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak.

“Siguro nga...karma ‘to. Karma sa lahat ng kasalanang nagawa ko," sabi niya habang pinupunasan niya ang luha niya. Isa lang ang masasabi ko sa kanya ngayon—nasasaktan siya nang sobra.

I can feel it. Nung tinignan ko ang mga mata niya ay naramdaman ko rin ‘yung sakit. ‘Yung tipong kapag tinignan mo siya, maiiyak ka rin. Ang right now, pinipigilan ko lang ang sarili ko na ‘wag umiyak.

“Masama ba ako? Isa lang naman kasi ‘yung hiniling ko sa buong buhay ko eh. I want to be loved by the person I love. But look at what happened. Ginago lang ako.” May tumulo ulit na luha sa mga mata niya kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit na lang ako sa kanya at saka hinawakan ang balikat niya.

Yeah right Ziela, what are you doing? Hindi naman kami close at bakit ko siya kinocomfort?

“Hindi lang naman ikaw ang may problema sa mundo,” sabi ko sa kanya. This time, halos gusto ko na ring umiyak dahil naalala ko ‘yung nangyari sa amin ni Ven kahapon. Dahil sa kanya, nagkalabuan kami.

Hinayaan ko lang muna siyang umiyak dun. I know he needs it. Mahirap magtago ng sama ng loob. Mahirap ‘yun dalhin ng mag-isa.

“Alam mo bang dahil sa’yo, nasasaktan ng sobra si Venice?” Hindi ko alam pero nagsisimula na pala akong magkwento sa kanya. “Alam mo bang minahal ka niya nang sobra? ‘Yung tipong kapag nakikita ka niyang kasama ang Raya na ‘yun, iniisip niya na sana siya ‘yung kasama mo. Sobra siyang nasaktan dahil sa’yo. At ngayon, nalaman niya rin ‘yung tungkol sa engagement. Kaaya alam ko, na lalo siyang nasasaktan. Maski ako, nasasaktan para sa kanya. Ang sakit isipin na ako ang isa sa dahilan kung bakit ganun siya kumilos ngayon. Kaya wag mong seryosohin masyado ‘yang problema mo sa babaeng ‘yan. Isipin mo na lang din ‘yung mga taong nasasaktan dahil sa’yo.”

Natahimik ako after kong masabi ‘yun. Nakaupo ako sa tabi niya habang hawak-hawak ko ang balikat niya at tinatapik-tapik. Ngayon ko lang narealize na sobrang lakas pala ni Venice kasi nakakaya niya pa rin ang problema niya. And I know, kakayanin niya. Pero sana, kasama niya ako para matulungan ko siya.

Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil alam kong nasasaktan siya dahil sa akin. Isa ako sa mga taong nagpapahirap sa kanya. Ano bang pwede kong gawin para matulungan siya?

Halos sampung minuto kaming ganun lang. Tahimik parehas. Nagpapakiramdaman. Pero nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo.

“Pwede ba tayong mag-usap?”


***