.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Friday, May 8, 2015


***

ZIELA’S POV

“Pwede ba tayong mag-usap?” Nung tinanong niya ‘yun ay tinitigan ko lang siya. Siguro nga dapat kaming mag-usap ng tungkol sa amin para maging malinaw ang lahat.

Tumango ako sa kanya at tumayo ako. Inoffer niya ang kamay niya pero hindi ko tinanggap. Naglakad-lakad kami palabas ng school.

“Pwede bang pakisabi kay Liann, sorry? Sorry sa mga nagawa ko sa kanya? Sobra kasi akong naguiguilty. Hindi ko naman sinasadyang saktan siya.”

“You know that I can’t do that. I think dapat ikaw mismo ang magsorry sa kanya. That
sorry would be more sincere if you say it in person.”

Narinig ko naman na nagbuntung-hininga siya. Mabagal lang kami na naglalakad at buti na lang ay 9AM pa lang kaya hindi pa masyadong mainit.

“Y-yung tungkol sa engagement…” 
Napatingin agad ako sa kanya. Tama. Dapat talaga naming pag-usapan ‘to. Ayokong magkaroon ng malaking problema dahil lang sa engagement na ‘to.

“I think we should cancel it. Sinubukan ko ng kausapin ‘yung Dad ko kanina pero mukhang malabo raw eh. Ano sa tingin mo?” Naalala ko tuloy ‘yung pagsagot ko kanina kay Daddy.

“Yeah, I think so.”

Bigla naman akong may naalala na ikinainis ko dati kaya nagbago ang expression ko.

“Eh anong ibig mong sabihin dati na gusto mo pa ring ituloy ‘tong engagement kahit may girlfriend ka that time? Tapos sabi mo pa ay titigilan mo lang ako pag napanalo ko yung contest?” ‘Di ko na mapigilang magtanong dahil naguguluhan ako sa takbo ng utak niya.

“Ahh that. Actually, that was just a joke. Nakita ko kasing sumisilip nun si Raya kaya sinabi ko ‘yun. I thought she would be jealous of she hears us…” He suddenly sighed.

“Then?” Gusto kong malaman ‘yung nangyari.

“Yun pa ang ginamit niya na isa sa mga dahilan kung bakit siya nakipagbreak kanina. Akala ko magseselos siya. Kasi kung magseselos siya, matutuwa ako. I would be assure that she really loves me. Pero hindi eh.
Hindi naman ata niya talaga ako minahal kahit sa simula pa lang.”

Bigla siyang tumingala at pumikit. I know, muntik na naman siyang umiyak. Walang hiyang Raya ‘yun! Sana hinayaan niya nalang si Ivan kay Venice. Eh di sana, walang nasasaktan ngayon. Siya talaga ang may kasalanan ng lahat ng ‘to eh.

I promise. Gagantihan ko siya isang araw. Nakakairita na siya. Humanda siya sa akin dahil sisiguraduhin kong ako ang karma niya.

“Oh.” Sinuot ko sa kanya ‘yung cap ko. “Hindi bagay sa isang lalaki ang umiiyak. Mahiya ka naman sa kasama mo.” Sinuot ko sa kanya ‘yun na tipong natatakpan ang mga mata niya. And I know, na pagkalagay na pagkalagay ko nun ay umiyak na siya. ‘Di ko nalang siya tinignan at tumingin nalang ako sa nilalakaran namin.

Ilang minuto rin kaming tahimik lang na naglalakad. ‘Yung mga hakbang lang namin ang maririnig at ang malakas na hangin.

“Pwede bang samahan mo muna ako?” Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

“Where?” Gusto ko rin munang gumala dahil ayoko pang umuwi sa amin.
Nagtatampo pa rin kasi ako kay Daddy.

“A place where I can take this pain here, out.” Tinuro niya ang dibdib niya. Sinundan ko na lang siya sa paglalakad at maya-maya lang, nakarating na kami sa sinasabi niyang lugar.

Sa isang 
amusement park.

Really, huh?

“Dito talaga?” sabi ko with matching taas pa ng kilay.

“Yeah. Samahan mo muna ako dito.”

“Okay.”

Umupo kami sa isang bench doon na nasisilungan ng malalaking puno tapos kinuha ko na ‘yung cap ko sa kanya kasi mahangin dito at nagugulo ang buhok ko. Actually, maraming tao ngayon dito sa park at halos lahat ay family or kung hindi man ay barkada.
Sobrang dami rin na bata sa paligid. Nakakatuwa nga silang tignan eh. Bigla tuloy akong nalungkot, kaya napabuntung-hininga ako.

“Bakit?” Napatingin ako sa kanya nung bigla siyang nagtanong. Napansin niya ‘yung pagbuntung-hininga ko?

“Wala lang. Naiinggit kasi ako.” 
Napayuko naman ako agad. Nakakalungkot talaga.

“Saan?”

“Kasi gusto kong magkaroon ng kapatid. Sadly, wala.”

Gustung-gusto ko talagang magkaroon ng kapatid dati...even now. Kasi dati, naiinggit ako sa classmates kong may kapatid dahil may kalaro sila sa bahay nila. And yeah, sa isang exclusive school ako nag-aaral dati. Meaning puro high class ang mga kasama ko at classmates ko. At dahil busy lagi ang parents ko, wala ako laging kasama sa bahay or kalaro. Lagi na lang ‘yung mga katulong namin. Minsan nga umiiyak na ako sa sobrang lungkot kasi feeling ko, ako lang mag-isa. Wala akong kasama. Wala akong kapatid. Wala akong kaibigan.

Pero nagbago lahat ‘yun nung nakilala ko si Venice nung grade four ako. Naaalala ko pa nun, ako lang mag-isa sa room dahil break time. Bigla niya akong nilapitan at inalok niya sa akin ‘yung
Chuckie niya.

“Gusto mo? Sa’yo nalang. Kasi baka nauuhaw ka na eh.”

Kapag naaalala ko yun, napapangiti ako, kasi for the first time, may pumansin sa akin. For the first time, may kumausap sa akin. Kaya nilakasan ko talaga ang loob ko dati para lang mapalapit sa kanya. And there, naging mag-best friend kami, until now…

“Wala ka pa lang kapatid?” tanong niya, kaya umiling nalang ako.

Silence.

For almost twenty minutes ay tahimik lang kami at nanonood lang sa mga batang nag-uunahan sa playground. Mga batang ang sasaya ng tawa. Ang sarap sigurong maging bata ‘no? ‘Yung wala kang ibang iniisip kundi ang paglalaro? Iiyak ka lang kapag nadapa ka o kaya inagawan ng laruan? Haay, sayang hindi ko masyadong naranasan ang masayang buhay nung kabataan ko.

“O-oy!” Nagulat ako nung bigla niyang kinuha ‘yung cap ko at sinuot niya sa ulo niya.

“Pahiram muna. Ang init eh.”

Bugbugin ko kaya ‘to? Eh ni hindi nga kami nasisinagan ng araw dahil nasa lilim kami ng puno. Ano siya, may sariling araw?

Bigla siyang tumayo at lumakad papalayo sa akin.

“Hoy! San ka pupunta?!” sigaw ko sa kanya. Ano 'to, iiwan niya ako dito?!

“Sandali, dyan ka lang.” Para namang nag-uutos ‘yung tono ng boses niya. Hindi na lang ako sumagot at hindi na rin ako tumayo dahil nakakatamad.

Pinanuod ko muna ‘yung mga batang maglaro. Natatawa nga ako dun sa dalawang batang lalaki dahil naghahamunan silang magsuntukan ng dahil lang sa bola. Pati na rin doon sa dalawang batang babae na nag-aayaan na magbahay-bahayan tapos ‘yung mas maliit na bata ‘yung nanay at ‘yung mas malaki yung anak. Ang aadik ng mga batang ‘to!

Maya-maya lang, natanaw ko siyang papalapit na ulit dito at may dalang…

Ice cream?!

“O,” tapos inabot niya sa akin ‘yung isa.

“Para saan ‘to?” Nakataas pa ang kilay ko habang inaabot ‘yung ice cream.

“Pantanggal ng sama ng loob,” tapos bigla siyang ngumiti, pero halatang pilit.

“Eh di dapat ikaw ang kumain ng dalawang ‘yan. Mukhang masama ang loob mo eh, at saka masakit ata yung isa mong lamang-loob,” sabay nguso ko sa dibdib niya.

“Adik.”

Hindi niya kinuha ‘yung ice cream sa akin kaya kinain ko na rin dahil baka matunaw. Ang sarap nga eh. First time kong makatikim ng dirty ice cream. Parang yung mga nasa stalls rin pala sa mall. Gusto ko pa tuloy!

“Oo nga pala...” Napatigil ako sa pagkain ng ice cream ko at tumingin sa kanya dahil mukhang may sasabihin siya.

“What?”

“Let’s continue the deal.
Sa contest.”

Halos mabilaukan ako sa narinig ko.
Tama ba yung narinig ko? Deal?! Contest?! Oh crap.


***